CHAPTER 4

807 Words
"girl panalo talaga iyong gusto ko sana ikaw!ahhh! Kakilig!" Ilang beses nang sinabi ni Diego sa akin iyan, at ilang beses na rin nila akong inalog alog dahil sa kinikilig daw sila. "sabi ko pag iisipan ko pa.."putol ko dito. "sus! Akala mo naman nililigawan ka na kung makapagsabi ka ng pag iisipan mo pa, huwag na noh! Maganda ka naman ah! Kaya nga ikaw ang inalok na maging muse.."ingos ni Diego. Tinignan ko ang jersey na nasa lamesa ko. Pagkabigay nito kanina ni Arthur ay umalis na din ito at may klase pa daw sila. I sighed. "hindi kasi ako sanay sa mga ganito.."dahilan ko. "pwes masanay ka na! Imagine ikaw ang napansin kahit hindi ka naman nagpapapansin! Ano? Sige na kasi!"dagdag ni Jinky. "oo na sige, sasabihin ko muna kila daddy bago ko sasabihin sa team."masayang nag apir ang tatlo bago nakangising bumaling sa akin. "kami mag aayos sa'yo!" Pagkauwi ko ay sinabi ko kila dad ang alok sa akin to be the muse. Tuwang tuwa sila at pinuri ako na dahil sa maganda naman daw talaga ako. Kaya ngayon ay tinitignan ko ang itsura ko sa salamim. Mahaba ang buhok ko na straight hanggang beywang, maputi ang balat ko at tinutukso nga ako noon na balat labanos. Maging si Diego ay iyon ang sinasabi sa tuwing inaasar ako. Nagtext ako kay Gela na pumayag naman ang parents ko sa pagiging muse ko. Masayang masaya ito, sa sobrang saya nga ay gumawa ito ng groupchat naming apat para lang sabihin ang plano niya sa Sabado. Kaya kinabukasan ay gusto ko nalang mapailing sa kanila dahil iyon ang bukang bibig nila. "nasaan ba ang team?"tumigil sila sa kakasalita sa tanong ko. Diego gave me a teasing look. Alam ko na agad na may meaning sa kanya ang tanong ko na iyon. "kakausapin mo na si Arthur?"excited na bulalas ni Gela sa akin. "oo sana.." "nakita ko sila sa building na iyon.."tinuro ni Jinky ang katapat na building namin. Pupuntahan ko ba? O hihintayin ko nalang na magkita kami mamaya sa isang subject kung saan kami magkaklase? "mamaya nalang siguro.."sagot ko sa kanila. Nang dumating ang oras na kaklase ko na sila Tom at Arthur ay kinabahan ako. Paano ko ba sasabihin? Kaya nang nakita kong pumasok ang dalawa ay huminga ako ng malalim bago tumayo. "go girl!"cheer pa sa akin nila Gela nang makitang papunta ako sa upuan ng dalawa. Si Tom ang nakakita sa paglapit ko, kinalabit niya si Arthur na busy sa paghahalungkat ng kung ano sa bag nito. Nang ituro ako ni Tom dito at magtama ang tingin namin ay agad itong tumayo. "Celestine.." Noon ay ayokong marinig ang pangalan ko na iyon dahil parang pangalan ng gamot, pero ngayon ay nagdudulot ng saya sa akin ang pagbanggit nito sa pangalan ko ng buo. "t-tungkol doon sa alok mo.."napalunok ako nang maghintay ito sa sasabihin ko. "okay l-lang sa akin kung wala kayong mahanap at a-ako muna pansamantala.." Lumawak ang ngiti ni Arthur sa narinig na sinabi ko. Lumingon ito kay Tom bago nakipag apir. Kaya pati ako ay napangiti na din. "salamat Celestine.."masayang baling nitong muli sa akin na sinuklian ko ng ngiti. Nang dumating ang araw ng Sabado ay biglang gusto kong magsisi lalo at pinapalibutan ako ng mga kaibigan ko. Kung ano ano ang ginagawa nila sa akin, sa buhok ko at pati sa mukha ko. "dapat matalo mo ang muse ng kalaban!"si Diego na medyo natataranta. I rolled my eyes habang hinahayaan sila sa ginagawa sa akin. Nang matapos ay maging ako ay namangha. May magic ang kamay ni bakla. Nagmadali na kaming umalis at pumunta sa school kung saan gaganapin ang competition. Halos mailang ako nang pumasok kami sa loob ng gym ng ibang school. "Celestine!"namula ako ng sumigaw si Arthur mula sa bench at ituro ang upuan malapit sa kanila. "oh nakita ka kaagad ah!"tukso sa akin ni Gela. Lumapit kami doon at pinakilala naman niya ako sa ibang team mates niya. "gaganahan nito si captain.."sabi ng isa sa kanila. Nagtawanan sila lahat ng suwayin sila ni Arthur. "tigilan niyo nga kalokohan niyo, baka mailang si Celestine at kung ano pa isipin."napayuko ako sa narinig na sinabi nito. "sorry Celestine ah.. Medyo mga lokoloko sila.."hinging paumanhin nito sa akin. Umiling ako dito bago ngumiti. "okay lang.. Ganyan din ang mga kaibigan ko.."sabay baling ko kila Gela na nakangisi sa akin. Kumamot sa batok si Arthur bago muling nagsalita. "kapag nanalo kami, pwede ba kitang maimbitahan sa victory party?!"nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. "ah.. S-Sure.."kinakabahang sagot ko. "gagalingan ko."ngumiti siya sa akin bago umalis, hindi pa nito nakalimutang kumaway sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti din sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD