Napasipa ako sa inis ko nang magbagsakan ang mga dala kong libro pabalik ng library. Inutusan kasi ako ng professor namin na isauli ang mga ito.
Dapat lalaki ang inutusan niya, ang bigat kaya ng mga libro na 'to!
Habang pinupulot ko isa isa ang mga libro ay may lumapit sa akin para tumulong, ngumiti ako para magpasalamat dito pero nanlaki ang mga mata ko nang si Arthur ang lalaking tumutulong sa akin.
Nakarubber shoes siya at halatang papunta nang gym.
I cleared my throat.
"salamat.."usal ko.
Ngumiti ito sa akin at kinuha ang mga libro na hawak ko sa hiya ko.
"ako na ang magdadala, saan ba ito?"napakurap ako sa tanong nito.
He smiled.
"mabigat ito Celestine kaya ako na.."dagdag pa nito.
"ahh.. S-Sa library.."kumunot ang noo nito sa sinagot ko.
"ang layo ah.. Bakit ikaw ang gumagawa nito?"tanong nito bago sumunod sa akin papuntang library.
"nautusan lang.."sagot ko.
Nang makarating kami sa library ay ito na rin ang nagbigay sa librarian at nagsulat ng mga pangalan ng libro.
"kaya ko na 'yan hindi mo na sana ginawa."ani ko.
Lumingon ito sa akin bago umiling.
"kaya ko din naman, kaya ako na."hindi ako nakapagsalita sa sinabi nito.
"nakakahiya naman, salamat.."nahihiyang tinignan ko si Arthur habang papalabas na kami ng library.
"ayos lang, wala namang kaso sa akin.. Sige ah alis na ako.."paalam nito sa akin bago tumakbo.
Siguro ay late na ito sa practice dahil sa akin. Sana naman hindi ito mapagalitan ng coach nila.
Kasama ko ang mga kaibigan ko sa canteen at halos mabingi ako sa ingay nila.
"what time ba sa Sat?"bumaling sa akin si Jinky habang may kinakain na fries.
"huh?"takang tanong ko dito.
I saw how Gela rolled her eyes bago tinapik ang balikat ni Jinky.
"I told you, snob ang isang 'yan, she's not even excited, look at her!"kumunot na ang noo ko sa sinabi nito.
"what's your issue?"natatawang inirapan ko sila.
"pasalamat ka wala si Diego walang sumasabunot sa iyo."ingos ni Gela sa akin.
Clueless talaga ako nang tignan sila kaya napapalatak sila na para bang sinasabing wala na akong pag asa.
"the ticket, the basketball, Arthur? Does it ring a bell now huh?"said Gela in sarcastic tone.
"oo nga pala.."I grinned at them.
"malala ka na.."komento ni Jinky bago pinagpatuloy ang pagkain.
Nawala sa isip ko ang laro nila, ang totoo ay hindi ko naman alam kung manunuod ba ako o hindi. Ayoko sanang pumunta dahil ibang school iyon at hindi ako komportable pero ayoko din namang mag isip ng pangit si Arthur lalo at ito mismo ang nag invite sa akin.
I sighed.
Pinapapak ko nalang ang mashed potato nang dumating si Diego na humahangos.
"grabe! Ang ganda ko nalusaw dahil sa init sa labas!"reklamo nito.
"bakit now ka lang?"tanong ko dito habang ngumunguya.
"nanuod pa kasi ako ng cheering nila Zeana.."ani nito.
"oy bakla! Lalaki ka na? Bakit nasa cheerleading ka?"tukso ni Gela dito kaya pati kami ni Jinky at natawa na din.
"heh! Magtigil ka! Kinikilabutan ako sa lumalabas dyan sa makapal mong labi!"
Natawa kami sa inasal nito. Halatang naasar ito dahil namintas na.
"tama na 'yan.."awat ko kahit na natatawa din ako.
"Tin pahingi naman ako ng perfume."ungat sa akin ni Diego.
"magtataka ang papa mo pagnaamoy ka.."sita ko.
"hindi' yon, akala niya nga nung nakaraan nambabae ako kasi pinahid ko agad 'yung lipgloss ko sa damit nang marinig ko' yung sasakyan niya sa bahay."
"baliw ka! Nasa bahay nalang nakalipgloss pa lantod ah!"Gela teased.
"para hindi ma dry ang lips ko noh! Ikaw babae ka masasabunutan na kita e!"inambaan ito ni Diego kaya mas natawa kami.
"walang suntukan bakla!"tumatawang bulalas ni Gela.
Nang matapos kaming kumain ay pumunta na kami sa next subject namin kung saan kami magkakaklase.
Siniko agad ako ni Diego nang pumasok si Arthur kasama nito ang isa pa sa team na si Tom.
Nang magtama ang tingin namin ni Arthur ay ngumiti kami sa isat isa.
"sana all, nginingitian.."bulong na asar sa akin ni Diego.
Tahimik lang ako habang naglelesson ang prof namin. Sila Diego ay simpleng nagdadaldal sa tabi ko.
Nang umalis na ang prof namin ay nakita kong tumayo si Arthur. Siguro ay paalis na para sa susunod nitong subject.
Nagulat ako ng tumigil ito sa tapat ng upuan ko kaya pati ang nagdadaldal na sila Diego ay natahimik.
"Celestine.. Can you wear this on Saturday?"niyuko ko ang damit na binigay nito.
Jersey?
Tinignan ko ito na kumakamot sa batok. Nahihiya ba ito?
"w-wala kasi kaming muse.. Gusto ko sana ikaw."