Highschool Year 2008
Lahat kami ay napatingin sa umiiyak na si Shiela. She's running outside the campus dahil nalaman niya na inakit ni Anjenette ang boyfriend niya na isa sa sikat sa school basketball team. Si Leo.
Kasama ko ang mga kagroup ko sa isang activity nang mangyari iyon.
"maarte kasi.."napatingin ako kay Misty nang umirap ito sa tumatakbong si Shiela.
"baka nasaktan talaga."komento ni Gela.
Kaibigan ko na si Gela noon pa, nung first year palang kami, ngayong 4th year na ay nakilala namin si Jinky at si Diego.
Napairap si Diego sa inasal ni Misty.
"iba talaga ang nagagawa ng desperation hindi ba? Kaya saludo ako kay Ange.."dagdag pa ni Misty.
"naging desperada ka din ba noon kay Dan?"ingos na tanong ni Gela na nagpawala sa ngisi ni Misty.
"nope! Hindi sa kanya."sagot nito.
Ang scandal na iyon ang dahilan kung bakit nagbago ang lahat. Nagulat din kami ng mawala si Ange at nagbago ang ugali ng team.
College Year 2009
Madilim ang paligid at patak ng ulan ang siyang nagsisilbing ingay, wala pa naman akong dalang payong. Habang hinihintay ko ang paghinto nito para makatakbo sa parking ay napalingon ako sa mga lalaking papalabas ng gym.
Maingay sila kaya talagang mapapatingin ka sa gawi nila, isama mo pang matatangkad at puro may mga may itsura.
Sila ang tinatawag na team, hindi lang dahil sa basketball kundi dahil sa magkakaibigan sila. Ang alam ko ay sabi ni Misty na magkababata ang mga ito pati si Anjenette.
Napalingon sa akin ang isa kaya napaiwas ako ng tingin sa kinaroroonan nila. He looked so serious yet amused.
I knew him since high school pero hindi kami naging malapit dahil nakaaway ng bading kong kaibigan si Misty ang girlfriend nang isa sa kanila.
"hey Art saan ka?!"napabaling akong muli sa kanila nang marinig ko yun.
Halos manlaki ang mga mata ko ng makitang tumatakbo ang lalaking may seryosong mga mata papunta sa akin.
Tumalikod ako at pinasyang tumakbo nalang papuntang parking kahit pa mabasa ako ay wala na akong pakialam. Napahinto ako ng may humila sa akin pabalik sa silong at sa nanlalaking mga mata ay ito ang sumalubong sa akin.
"wala kang payong?"he asked.
Napapalunok na tumango ako dito. Hindi na magawang magsalita dahil sa kaba.
"here.."hinubad nito ang jersey jacket at ipinatong sa ulo ko.
"paano ka?"kinakabahang tanong ko.
"Sabi nila mas gwapo daw ako pag wet look so dont worry.."he grinned at me bago tumakbo pabalik sa team.
Nakita ko pa na nag usap sila bago nagbatukan at umalis na, kumaway pa ang isa sa akin kaya ngumiti nalang ako at tumalikod na papunta sa parking.
Sa ganoong paraan ko nakilala ang team.
Sa ganoong paraan ko din unang nakausap si Arthur.
"ang gwapo talaga!"tili ng mga babae dito sa gym habang nanunuod ng practice game ng team.
"Diego mas maganda siguro kung sa library nalang ako, ang ingay dito!"reklamo ko habang nagddrawing ng assignment nito.
"huwag ka ngang KJ Tin!"napailing nalang ako sa sinabi nila Jinky.
Mga lukaret talaga.
Seryoso akong gumuguhit dito nang magtilian ang tatlo na nakatayo na sa tabi ko.
"nakita mo yun?!"Diego.
"oo! Tinignan niya ako!"Jinky shrieked.
"gaga! Ako yung tinignan!"si Gela.
"ang taas ng pangarap niyo FYI ako ang tinignan niya.."natatawa nalang ako sa kanila habang naririnig na nagtatalo.
"palapit siya!"nang sabihin nila yun ay nag angat na ako ng tingin at ganoon na lang ang gulat ko.
Nakajersey pa siya at pawis na pawis, napansin ko rin ang pagtingin ng ibang estudyante sa gawi namin dahil papalapit lang naman dito si Arthur Yee. Isa sa mythical 5 ng team.
Yumuko ako uli at nagkunwaring busy sa ginagawang pagguhit.
"hi Arthur.."pabebeng bati ni Diego dito.
Hindi na ako nagtangkang tumingin sa kanila at nagconcentrate nalang sa ginagawa ko.
"hi Celestine.."natigil ang pagguhit ko kasabay ng pagsinghap ng mga kaibigan ko.
Napaangat ako ng tingin at natagpuan ko ang nakangiting si Arthur.
"ahm..hi? Sa susunod ko na isasauli ang Jersey mo pinalaban na ko pa kasi.. "naiilang na ngumiti ako dito.
He smiled at me bago umiling at may inabot na isang ticket.
"para saan to?"kinakabahang tanong ko.
"para sa finals, sa ibang school kasi ang laban namin kaya may tickets, sa front seat yan I hope you can come.."napanganga ako sa sinabi nito.
"of course she will!"agaw ni Diego na pinanlakihan pa ako ng mata.
"ha? Ah oo! Salamat.."nasabi ko nalang.
Nang umalis na si Arthur ay nagtilian ang mga kaibigan ko.
"bruha ka akin na nga yang buhok mo at magupitan!"hinila ni Diego ang hanggang beywang kong buhok.
"aray!"asik ko.
"Tin ang swerte mo!"kinikilig na sabi ni Jinky.
Nang lingunin ko naman si Gela ay nagthumbs up to sa akin.
"sama kami ah!"sabay sabay na sabi ng tatlo.
Sabi ko na eh!