Huminga ako ng malalim bago ko nilibot ang paningin ko sa paligid. Maraming nagkakasiyahan dahil sa wakas ay tapos na ang walang tulugan thesis at puyatan defense.
Mag isa akong nakaupo sa pang waluhang mesa, its a round table at may mga nakaserve na ring tubig doon.
It is our Graduation ball at dalawang taon na mula nang maghiwalay kami ni Arthur Yee. Masaya sila dahil bukas na ang graduation at sa pagkakaalam ko ay si Dee na muse nila ang Cumlaude.
Hindi na ako aakyat ng stage, ang plano ay kukunin nalang ni mommy ang diploma ko. Kaya alam ko na hindi ko mararanasan ang umakyat at tawagin ang pangalan ko bilang pangatlo sa Cumlaude.
Nang mapatingin ako sa kaliwang dako ay natagpuan ko ang lamesa ng basketball team. Maingay sila doon at halatang nagkakasayahan. Nagtagpo ang mata namin ni Art pero agad din akong umiwas ng tingin doon.
"hey.."napalingon ako sa kabigan ko na ngayon ay may nanunudyong tingin dahil kanina ko pa tinitignan ang lamesa nila Art at halata naman na nagkakasiyahan sila doon.
"ano nanaman Diego?"ingos ko dito na ikinalaki ng mata nito.
"its Didi!"tiling puna nito sa akin na ikinatawa ko.
"oo na Didi, nasaan na ba sila Gela at Jinky hm?"baling ko dito.
"ewan ko baka kasama nanaman sila Paul at James alam mo naman ang dalawang yun lanturay!"napatawa ako sa pag ikot ng mata nito dahil sa sinabi.
"sus! Inggit ka lang! Nasaan na ba kasi ang Troy mo?"pang aalaska ko.
Sumimangot ito sa akin at mataman akong tinignan.
"kung sinama ko siya dito edi alone nanaman ang drama mo? Hay naku bruha ka! Alam naman nating aalis ka na after graduation kaya susulitin ko muna ang presensya mo at tsaka na si Troy kapag kami nalang dalawa mas may thrill yun! "nabura ang ngiti ko sa sinabi nito.
"huwag mo ngang ipaalala sa akin ang pag alis ko.."masungit na sabi ko dito.
"at bakit naman aber? Totoo naman na mula nang mamatay ang dad mo ay naging inggrata na yang nanay mo! Aba bakit? Kasalanan mo ba na nabunggo ang sinasakyan ng dad mo? Ikaw ba ang nagmamaneho? Hindi naman!"napayuko ako sa sinabi nito.
"it's my fault, kung hindi sana ako umalis ng bahay ng gabing yun hindi mangyayari ang mga--"
"stop! Okay na, dapat magsaya tayo hindi yung puro ka drama.."irap na wika nito.
Sasagot pa sana ako ng makita namin ang dalawa naming kaibigan na papalapit.
"sa wakas natapos din kayo sa milagrong ginagawa niyo.."bulalas ni Diego na ikinatawa namin.
"laswa talaga ng imahinasyon ng baklang to!"Jinky said bago hinila si Paul paupo sa tabi nito.
"hindi ka pa nasanay.."si Gela naman ang nagsalita at naupo ito katabi ni James.
Bumaling ang dalawa sa akin, napataas ang kilay ko ng titigan nila akong dalawa.
"ang creepy niyo.."wika ko.
"tinitignan na kita para hindi ko makalimutan ang itsura mo.."Jinky.
"I swear Tin he's looking at you now.."nabura ang ngiti ko at napalunok sa sinabi ni Gela.
"who?"alam kong nang aasar lang itong si Diego dahil nanunuyang tinignan ako nito.
"can we talk Tin?"Gela said.
Tumango ako sa kanya at nagpaalam na sa labas lang para makapag usap ng tahimik.
Nang makarating kami sa gazebo ng school ay niyakag niya akong maupo. Tabi kaming naupo at parehong tahimik.
"gusto mo bang malaman ang sinabi niya?"she asked pero umiling lang ako.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. Bago tumingala sa langit kaya pati ako ay napatingala na rin.
"are you sure you really dont wanna know?"this time ay tumango na ako.
"nang pumunta ako doon at naghintay sa kanya ng ilang oras ay akala ko okay lang, na dapat akong maging matyaga dahil para sa kanya ang ginagawa ko pero ng malaman ko na hinanap ako nila dad na naging dahilan ng aksidente niya at pagkamatay ay bigla akong napatanong sa sarili ko, worth it ba na ito ang naging kapalit just to be with him? Kaya mas masakit Gela, kasi hindi siya dumating.."
"but Tin--"
"if may reason siya why he did not show up dont you think its two years late?"hindi ito nakakibo sa sinabi ko.
"He killed me twice when I lost the first man that I loved, my father."bulong ko bago tumayo na at niyaya na ito pabalik muli sa party.