Naglalakad ako galing tindahan, bumili ako ng snacks para sa panunuod ko. Wala naman akong assignment kaya ayos lang.
Papasok na ako sa gate namin ng makita ko si Gela.
"anong ginagawa ng bruha dito?"ani ko sa sarili kaya naglakad na ako palapit dito.
Mukhang nagulat pa ito ng makita ako.
"gosh Tin ginulat mo ako!"bulalas nito.
Inismiran ko ito.
"ako dapat ang magulat dahil narito ka sa subdivision namin, anong ginagawa mo dito?"taas ang kilay na tanong ko dito.
"ahh.. Kasi ano.."
"ano?"mataray na tanong ko sa pagkakautal nito.
"n-nagpustahan kami nila Jinky.. S-Sabi nila alamin daw namin kung may something kayo ni Art tapos ano.."nag aatubili itong sabihin sa akin ang lahat.
"spill it Gela o ipapahabol kita sa aso.."nanlaki ang mata nito sa sinabi ko.
"nag batobatopik kami kung sino ang mag sspy sa'yo at ako ang natalo kaya ito ako.."yumuko ito pagkasabi 'nun.
I sighed.
"mga kalokohan niyo talaga, tara nood tayo movie tutal nandito ka na.."wala itong nagawa ng hatakin ko na papasok.
Pagdating sa bahay ay napansin kong tumaas ang kilay ni mom nang makita na may kasama ako.
"classmate ko po.."sabi ko.
Hinila ko na si Gela paakyat sa kwarto ko at doon palang siya nagsalita pagsara ko ng pintuan ng room ko.
"nakakatakot naman ang mother mo.."
Natawa ako sa sinabi nito.
"well, overprotective kasi sila sa akin ni dad alam mo naman diba.."kibit na paliwanag ko.
She nod na para bang alam nga nito ang sinasabi ko kahit na nasa mukha nito na wala itong idea.
Habang nanunuod kami ay tinapik ako nito kaya nabaling ang tingin ko dito mula sa pinapanood.
"huwag mo sabihin na nahuli mo ako ah.."nakapeace sign na pakiusap nito.
I rolled my eyes.
"fine basta libre mo ko.."tumango ito sa akin na para bang napakaganda ng sinabi ko.
Napailing ako dito. Mga kalokohan talaga ng mga kaibigan ko minsan hindi ko maimagine. To think na mag sspy sila dito para alamin kung may something kami ng Arthur na 'yun.
Kung tatanungin lang sana nila ako, kahit ako ay walang ideya edi sana si Arthur ang inispy namin harhar!
Kinabukasan ay nakangising sinalubong ako nila Diego sa bungad palang ng room.
"anong tingin' yan?"nagtataray na tanong ko.
Siniko ako ni Diego sabay turo sa table ko. Kumunot kaagad ang noo ko ng makakita ng bulaklak.
"one stem of rose for you naks!"tumitiling anas ni Jinky sa akin.
Kumabog ang dibdib ko. Sino naman kaya ang magbibigay nito? Naglakad ako palapit sa table ko at nakitang may papel na nakabalot sa stem ng bulaklak kaya kinuha ko iyon.
For the kindest person.
-Captain
Lalong nagsalubong ang kilay ko sa nabasa. Captain? Sinong captain naman ito?
"psh.. May nalalaman pang ganito.."ingos ko.
Sinilip nila Jinky ang binasa kong sulat bago ako tinignan ng may panunukso.
"sinong captain kaya 'yan?"napairap ako sa kunyaring nag iisip na si Diego.
"captain daw, hayaan mo na siya magyabang gusto lang nitong ipaalam na captain siya."balewalang sabi ko.
Nanlaki naman ang mga mata ni Diego sa inasal ko at hinampas ako.
"aray!"daing ko bago hinawakan ang balikat ko na pinalo nito.
"baka kasing gwapo naman siya ni captain america.."nangangarap na wika nito sa akin.
"captain barbel lang bakla nasa pinas tayo."singit ni Jinky kaya nagbago kaagad ang nangangarap na mga mata ni Diego at napalitan ng paniningkit.
"alam mo panira ka ng pangarap!"asik nito kay Jinky.
"bakla kung mangangarap ka iyong makatotohanan naman tulad nung nakaupo doon, ano nga uling pangalan 'nun? Diba captain din yan?"napanganga si Diego nang ituro ni Jinky ang pinsan ni Arthur.
"OMG!"bulalas ni Diego at nagkatinginan muna sila ni Jinky na para bang may naiisip.
"Spy sa mga captain na ito!"tumitiling sambit nila.
Spy nanaman!
Napatingin ako sa pumasok ng room. Natahimik naman ang dalawa nang makita ang pumasok.
"captain din siya diba.."bulong ni Jinky sa amin.
Ayokong umasa pero bakit parang mas gusto ko kung siya nga ang captain na nasa sulat.
"Arthur.."