Kumakain kami sa likod ng building at nasa lilim ng puno kasama ko ang tatlo.
Gumagawa ako ng assignment namin na ipapasa bukas at kanina lang ibinigay sa first subject. Ayoko kasi na matambakan kaya ginawa ko na may oras naman ako.
"Tin may PTA nanaman, sino ang pupunta sa'yo?"nag angat ako ng tingin sa tanong na iyon ni Gela.
"baka si dad.."ani ko.
"siya uli? Ang mom mo ba busy? Tinatanong kasi ako ng mga kaklase natin kung pwedeng mother mo ang pumunta para sa botohan.."napakurap ako sa sinabi nito.
"right! Ayaw kasi ng dad mo sumaling officer baka 'yung mother pumayag."nakangising sabi din ni Jinky.
"hay naku! Kung ako sa inyo magpasalamat kayo na hindi ang ina ng babae na' yan ang pumupunta dahil baka pagnanalo iyon tapos na ang beauty rest natin at lagi tayong may mga utos na susundin.."natatawang sambit ni Diego.
I sighed.
"mas gusto kong si dad ang pumupunta kapag tungkol sa school kasi mas approachable siya, hindi naman sa snob ang mom ko pero kasi perfectionist 'yon baka mahirapan ang ibang magulang na pakisamahan siya.."nahihiyang usal ko.
"sabagay you have a point there."pagsang ayon ni Gela sa sinabi ko.
"may gig ba sa sabado?"tanong ko habang umiinom ng buko juice.
Ibinaba ko na ang mga notes ko at ipinasok sa bag ko.
"baka wala muna busy ang kapatid ko.."sagot ni Gela.
"sa babae?"pang aasar ni Jinky dito.
"ewan ko, mas okay na 'yun kesa sa bakla."natawa ako ng manlaki ang mga mata ni Diego sa sinagot ni Gela.
"hoy babae! Anong masama sa amin?!"bulalas nito.
"hindi ko naman nilalahat Diego, ayoko lang na magkasakit siya.."lalo kaming natawa ni Jinky sa sinagot ni Gela dito.
Habang nagtatawanan kami ay nakuha ng papalapit na bulto ang atensyon namin.
"hi.."bati nito.
"Leo.."anas ko ng makilala ito.
"hinahanap ko si Tom napansin niyo ba?"umiling kami dito.
"nga pala Tin, kilala mo ba si Gio?"tumango ako dito.
"oo, pinsan ko siya sa side ng mother ko bakit?"nagkibit lang ito ng balikat.
"paano niyo siya nakilala?"nakuha kaagad nito ang kuryosidad ko.
Kilala ko si Gio, hindi kami close pero naririnig ko kila mom na badboy daw ito at may mga binubully lagi sa school nito.
"nakilala lang.."maikling sagot nito.
"Leo.."tinawag ko ito ng akmang aalis na ito.
"oh?"baling nito sa akin.
"layuan niyo siya.."ang nakapaskil na ngiti sa labi nito ay biglang nabura dahil sa sinabi ko.
"we can't, he can help us para mahanap si Anjenette.."seryosong sambit nito bago kami tinalikuran.
"savage!"bulalas ni Gela ng makalayo na si Leo sa amin.
"hindi ba gangster ang pinsan mong 'yon?"tanong ni Jinky sa akin.
"oo.. Kaya nga ayoko sana silang mainvolve.."ani ko dito.
"sa tingin mo may binabalak silang masama? Kasi diba iyon yung babae na umextra para maghiwalay si Leo at iyong jowa niya?"napalingon ako kay Diego dahil sa sinabi nito.
Ayoko mang isipin pero posible.
"hindi papayag si Jace.."ani ni Gela.
Tama din ito.
Kaibigan parin nila si Anjenette kahit na may nagawa itong masama kay Leo.
Pabalik na kami sa classroom ng mapansin ko na wala ang isang notebook ko. Naiwan ko yata sa likod ng building.
"guys balik ako sa likod may naiwan ako.."paalam ko sa kanila bago tumakbo pabalik sa likod.
"bilisan mo baka mahuli ka sa klase!"sigaw nila.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang notebook ko na nasa lilim. Kinuha ko iyon at inilagay sa bag ko.
Pabalik na ako ng may humila sa kamay ko kaya bumangga ako dito.
"ouch!"daing ko.
"sorry, nahulog mo kasi.."napayuko ako ng iabot nito sa akin ang panyo ko.
"salamat.."
"ako nga pala si Renz.."pakilala nito sa akin.
"ah oo! Kilala kita pinsan ka ni Arthur.."Kumunot ang noo nito sa sinabi ko.
"kilala mo si Art?"tanong nito.
"oo.. Hindi lang siya pati iyong team ng basketball.."ngumisi ito sa sinabi ko.
"may I know why?"napalunok ako sa tanong nito.
"kinuha kasi nila akong ahm..ano muse.."nahihiyang sambit ko.
The side of his lips rose bago ito muling nagsalita.
"parang gusto na ring sumali sa basketball team.."