Can you relate kung sasabihin kong hindi ko siya gusto pero feeling ko may meaning ang mga ngiti niya sa akin.
Lawrence is a nice guy. Iyon ang naririnig ko so far, ibang iba sa ka teammates nito. He's the captain at balitang lilipat ito ng sports. I wonder if that's true.
Kung hindi ako nagkakamali ay baka sa basketball ito lumipat. Napatingin ako kay Gela ng dumaan sa harapan namin si Astrid Leandra Navarro.
"the beauty queen.."komento ng katabi kong si Gela.
"the ice queen.."bulong din ni Jinky na nasa kabila ko naman.
"sa tingin mo bakit sila nagclick ng maarteng si Vivian? Ang alam ko ay close na close ang dalawang 'yon."tanong sa akin ni Gela pero dahil wala naman akong maisagot dahil wala naman akong alam tungkol dito ay mas pinili kong manahimik.
She's a model. Madaming nagtatangkang lumapit dito pero walang makagawa dahil snob ito at sabi nga ng iba ay cold.
Siniko ako ni Jinky kaya napunta dito ang pansin ko.
"si Art.."bulong nito habang may tinitignan sa likod ko kaya napalingon din tuloy ako doon.
He was grinning from ear to ear habang naglolokohan ang mga kaibigan nito. Tom is busy reading a book habang si Ricky at Leo naman ay nag aasaran.
"nakakamiss si Jace, siya lang ang kulang.."ani ni Jinky.
Lihim na sumang ayon ako sa sinabi nito. Iba ang dulot ni Jace sa team noong high school kami. Mas kapansin pansin sila noon dahil sa itsura nito at tangkad ito rin ang nagdidisiplina sa team noon.
"tara na.."niyaya ko silang umuwi na at huwag nang tumambay sa bench. Mahirap na at baka mapasama pa ang pagtambay namin dito.
Nabangga ko si Vivian nang paalis na kami. Sumimangot kaagad ito sa amin.
"blind? Sa ganda kong 'to nabulag ka na ba?"ani nito sa akin.
"sorry.."yumuko pa ako dito para malaman nitong sincere ang sinabi ko.
She mocked.
"sorry nalang?"nakataas ang kilay nito habang sinasabi' yon.
"ayoko ng gulo.."wika ko dito.
She gave me a dagger look.
"then get lost! Paawa sus!"binangga ako nito bago nilagpasan.
"naku! Hindi naman siya maganda hindi ako bulag noh!"ingos ni Jinky.
"mukhang ako ngayon palang mabubulag, nagdidilim ang paningin ko sa haliparot na 'yon!"napangiti ako sa bulalas ni Gela.
Mabuti at hindi namin kasama si Diego kung hindi ay baka magkagulo.
"Celestine!"napalingon ako sa bench kung saan naroon si Arthur.
"bakit?"tanong ko dito.
He shook his head.
"wala.. Ingat!"paalam nito.
Narinig ko pang naghiyawan ang mga kasama nito, actually ay pati ang dalawang kasama ko ay halos balatan na ako sa diin ng kurot sa akin sa pagpipigil ng kilig.
"thanks!"nakangiting sabi ko dito bago ako tumalikod at bumaling sa dalawang kaibigan.
"o.a niyo.."reklamo ko bago tinanggal ang kamay nila sa akin.
"Tin bakit ikaw lang ang pinag iingat niya? Paano naman kami?"natawa ako kay Gela.
"sasabihin ko ba na pati kayo sabihan niya?"nang sabihin ko 'yon ay sumimangot sila at hinatak na ako paalis doon.
Napangisi ako sa tinuran nila. Nauna silang naglakad sa akin at iniwan talaga ako.
"hey.."natatawang anas ko bago sumunod.
Kinabukasan ay hindi ko naman inakala na kakalat sa school ang sinabi ni Arthur sa akin. Pagpasok ko palang sa room ay sinalubong na kaagad ako ni Gela na para bang natatakot ito.
"morning, bakit ka namumutla masakit ba tyan mo?"puna ko dito.
"Tin uwi ka nalang muna.."sambit nito sa nanginginig na tinig.
"ha? Bakit?"natatawang pinagmasdan ko ito.
"kasi.."
"there she is!"napabaling ako sa pinto ng may sumigaw at tinuro ako.
Ako ba talaga?
Nilapitan nila ako at sigurado akong hindi ko sila kaklase.
"anong ginagawa ng cheering squad dito sa room nami--aray!"napangiwi ako ng bigla akong sabunutan ni Jenny.
"teka! Aray ko!"daing ko dahil dalawa na ang humihila sa buhok ko.
"Tin!"nang marinig ko ang boses ni Diego ay naramdaman ko nalang na nahatak ako palayo sa dalawa.
"hoy mga insecure na witch doll tantanan niyo nga ang kaibigan ko!"sigaw nito.
Ang mga kaklase ko na naroon ay nagulat din sa nangyari.
"umpisa palang 'yan Gitana!"nagbababalang wika ni Jenny bago lumabas ng room.
Hinawakan kaagad ni Diego ang buhok ko.
"thank God at hindi ka pa napanot.."sabi nito habang nakataas ang kilay.
"salamat.."usal ko.
"mukhang mahirap ang sem na' to para sa'yo Tin.."saad nito.
Napabuntong hininga ako. Tahimik na buhay estudyante lang ang hiling ko please Lord.