Chapter 39: Project GAMA Oliver, Matapos ang gabi ay kaagad na tumunog ang emergency alarm. Ilang oras lang din naman ang aming naging tulog at bago pa man ang oras na sinabi nila na aming pag alis ay gising na kami. Naunang naligo ang mga recruit na kasama ko at ako ang nahuli. Matapos kong mapatuyo ang aking katawan ay nagsuot na ako ng simpleng damit bago inilagay ang vector sa aking dibdib na kaagad namang dumikit kaya pinindot ko na ito ng tatlong beses. Paglabas ko sa banyo ay naka uniporme na ako. "Mag ehersisyo na muna tayo." Aya ko sa kanila. Hindi ko inaasahan na sasali ang lalaking nagpainit sa aking ulo kaya ikinagulat ko nang pumwesto siya sa unahan at siya ang nanguna sa aming pageehersisyo. Mainam na gawin ito bago kami sumabak sa digmaan. Upang magising na ang aming di

