PROLOGUE
Prologue
May mga bagay na ang akala natin ay hindi totoo at pawing kathang isip lamang ngunit sa likod pala nito'y may mga taong magpapatunay ngunit hindi nila ibinubunyag ang kanilang kaalaman tungkol dito.
Isinisikreto nila ang kanilang nalalaman mula sa ibang tao upang sila'y maprotektahan at upang maiwasan ang kaguluhan.
Nangyari ito sa akin, isang mangmang na nilalang na inuubos lamang ang oras sa paglalaro ng sikat na laro sa buong mundo. Hanggang sa may kababalaghang nangyari.
Isang pangyayari na hindi ko inaasahan at kung ako'y pipiliin ay hindi ko gugustuhing mangyari iyon.
Natuklasan ko ang isang bagay na hindi ko dapat natuklasan. Nagyon, isa na ako sa kanila, taga pangalaga ng sikreto't taga pagtanggol ng mundo.
Iyan ang aking naging tungkulin sa organisasyong nagbahagi sa akin ng isang kaalaman na kung inyong malalaman ay kayo'y tatawa. Ngunit, sinasabi ko sa inyo.
Ang inyong nalalaman ay mas mababa pa sa aking nalaman. Itong isang sikretong aking ibabahagi ay nawa'y hindi kayo matawa dahil masisiguro ko.
Kukunin din nila kayo.
Ang mundong ating kinalakhan ay may itinatago pa lang kababalaghan. Ang lihim ng iba't ibang mundo na magkakatulad ay aking nalaman at ngayo'y pinuprotektahan.
Pinoprotektahan mula sa isang nilalang na ang akala natin ay hindi makatotoohanan.
Babala bago ipagpatuloy ang pagbabasa. Kapag nalaman mo na ito, mag iingat ka. Kukunin ka nila. Bago ko ipagpatuloy ito, dapat lang na malaman niyo na ang kaalamang ito ay hindi gawagawa at pawing katutuhanan lamang.
Ngayong nabalaan ko na kayo at gusto niyo paring magpatuloy sa pagtuklas ng kaalamang ito. Wala na akong pake sa inyo. Ang inyong kapalaran ay nasasa inyo.
Ang maipapayo ko lamang ay sa pagpili, dapat kayong maging mabusisi dahil kung hindi, maari niyong pagsisihan sa huli.
Sisimulan ko ang aking kwento sa pagpapakilala ng aking sarili. Ako si Eunece Alexander, isang Variant, protektor ng mundo, tagapaslang ng nilalang na tinatawag naming Leemur.
Ikaw, sino ka? Ano ang iyong pangalan? Bakit mo gustong malaman angnatatagong kaalaman?