Chapter 1: Fan Girl
Eunece,
"Tulong! Napapalibutan na ako rito!" pagmamakaawa ng kasama ko kaya agad naman akong tumakbo malapit sa kanya at nagtago sa mga matataas na d**o. Ipinuwesto ko ang aking baril sa harapan ng aking katawan, itinapat ang day scope sa aking kanang mata pagkatapos agad kong pinindot ang trigger, bagsak ang isa.
"Dylan, 3 o'cklock 5 meters distance." Command ko sa kasama ko pang isa. "Roger." Itinutok na niya ang baril niya sa taong nakaposisyon sa direksyon na iyon. Bagsak ang isa! "Elly, nakapagreload ka na ba?" tanong ko sa kaniya na kanina'y humihingi ng tulong. "May isang full load na lamang ako." Kinakabahang sagot niya. "Sige lang, kami ang bahala sa likod mo." Sabi ko sa kaniya. Kailangan naming manalo kahit na anong mangyari.
Kaming tatlo ay kinakabahan pero pangalan namin ang naka taya dito. Hindi kami susuko hangga't may pag asa ay patuloy lang kami sa paglaban.
Agresibo kaming nagpaulan ng bala at mahusay na iniwasan at sinangga ang mga bala na ibinabalik ng mga kalaban sa amin. Nagkaroon ng mahabang palitan ng bala hanggang sa unti-unti silang namatay.
"Victory!" anunsyo ng A.I hudyat sa aming pagka panalo. "Good job Majors." Bati ko sa dalawang kasama ko "Wala ka pa ring kupas Commander!" sagot naman ng dalawa, "Siyempre naman! ang matalo ay wala sa aking bokabularyo."
May yabang kong sagot sa kanila at napatawa na lang sila. "Bukas ulit, ilang oras na tayong naglalaro." Sabi ko sakanila at nag log out na ako. Nag unat ako ng aking katawan at tinanggal na ang suot kong headphone.
"03:07 am na pala." Bulong ko sa aking sarili nang makita ang oras mula sa aking orasan. Nakakamangha talaga na kapag nagsasaya tayo ay nalilimutan natin ang oras. Muli akong uminat at saka tumayo na at humiga sa aking kama, ipinikit ang aking mga mata at unti-unti nang nahulog sa mahimbing na pagtulog.
10:35 na ng umaga at kagigising ko lang. Nagbrobrowse ako ngayon sa Acebook at tinitingnan kung ano ang mga boring na nagyayari sa buhay ng mga Acebook friends ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ang tao ay puro share ng kung ano-anong bagay sa kanilang Acebook.
Alam ko namang sakanila iyon pero ewan ko ba parang nakakatawa lang talaga.
Matapos ang higit sa tatlumpung minuto ng pag bo-browse ko sa Acebook ay pumunta naman ako sa Youtube upang manood ng kasalukuyang video ni ZachTv ang pinakai-idolo kong manlalaro.
Sikat siya bilang streamer at ang lalong nagpasikat sa kaniya ay ang paglalaro niya ng Free Shoot 4, ang pinakasikat na laro ngayon. Iyon din ang nilalaro naming tatlo nina Dylan at Elly.
Matapos akong magsawa ng kanunood ng mga videos sa Youtube ay tumayo ako mula sa aking kama at nag inat muna bago pumunta sa maliit kong kusina at nag init ng tubig para sa aking kape.
Habang naghihintay ay nag log in na muna ako sa aking Free Shoot 4 account upang tingnan ang mga kaganapan doon. Gaya ng ibang moba games, pang limahan din ito at may rankings.
Maganda ang laro pero minsan ang komunidad ay medyo toxic.
Matagal nang wala ang aking mga magulang at matagal na din akong walang komunikasyon sa isa kong kapatid. Sa ngayon ay wala akong trabaho at umaasa lang ako sa mga nagpapa commission sa akin.
Nang makabalik ako sa aking munting kusina ay agad kong inabot ang paborito kong tasa at doon ay naglagay ng kape, asukal at gatas. Ibinuhos ko na ang kumukulong tubig sa tasa at hinalo ang laman nito. Sa amoy palang ay na gising na ang aking diwa.
Pagbalik ko matapos magtimpla ng kape ay nakita kong active na ang dalawa kaya nagsimula na kaming maglaro. "Goodmorning Majors." Bati ko sa kanila noong magsisimula na ang laro "Good morning Commander." Sagot naman ni Elly, tahimik naman si Dylan na mukhang kagigising lang dahil rinig ko mula sa kabila ang pag hikab niya.
Gaya ng kinasanayan namin ay naglaro na naman kami ng limang beses at limang beses ring panalo. Aking ipinagmamayabang na hindi ko alam ang matalo. Higit ilang oras ang inubos namin matapos kaming mag log out ulit.
Mas bata sa akin ang dalawa. Sabi nila mga estudyante palang daw sila, ako nama'y graduate na noong isang taon pa.
Habang sumisimsim ako sa aking malamig nang kape ay may natanggap akong notification mula sa Acebook, nag start nang mag stream si ZachTv.
Agad kong binuksan ang aking Acebook at pinindot agad ang profile ni ZachTv sa aking notifications.
"Hello my turkies!" bati niya. "So ngayon pipili ulit ako ng mga taga subaybay ko na makasasama ko sa isang laro, basahin niyo lang ang pinned comment sa comment section kung paano kayo mapipili." Dagdag pa niya sabay kunwareng turo sa baba. Agad akong pumunta sa comment section at ito ang naka pin:
Comment your ign-(in game name)
Iyon lamang ang nakalagay, marami na ring nagco-comment kaya nag comment narin ako baka kasi ito na ang araw na mapili ako. By the way walang nakakaalam sa itsura niya dahil gumagamit siya ng A.I mascot para itago ang mukha niya at ang tanging alam ko lang ay lalaki siya mula sa kaniyang boses at mahusay siyang maglaro.
Mas nagising pa ako sa pagtawag niya sa akin kesa sa kapeng iniinom ko. "Eunamazing," anunsyo niya, oh my god! This is it pancit! Ako iyon! "Okay Enamazing mag log in kana at iinvite na kita." Dagdag pa niya at halos madulas akong pumunta sa harap ng desktop ko and booted up the game.
Invite request: ZachTv, rank game
Accept Deny
Agad kong pinindot ang accept at in on ang microphone nang maisuot ko na ang aking headphone, hindi ma pawi ang ngiti sa aking mukhang mula sa tuwa. "Hi Eunimazing!" maligayang bati niya saakin, napangiti naman ako.
"Oh come on you can call me Commander." May yabang kong sabi ko, mukhang nagulat ang loko "Babae ka pala, ngayon lang ako naka encounter ng babaeng naglalaro ng ganitong klase ng laro." Sabi niya, "Well now ZachTv, stop imagining 'cause I am a dream come true." Sambit ko naman at napangiwi na lang ako.
Lubos ko siyang iniidolo pero ayuko namang magtunog mahina sa kaniya. Dapat puno ako ng tapang at kompyansa. Malay mo may maka scout sa akin na manager diyan at isali ako sa mga famous squads ngayon!
"Ok commander,show me what you've got." Mahinahon niyang sabi at agad na kaming ibinagsak ng fighter jet, siyempre naka parachute ang characters namin. "Commander, position yourself 12 o'cklock." Utos niya, hindi ako sanay na nauutusan dahil ako ang kadalasang namumuno sa amin ng mga kasama ko pero agad ko namang sinunod.
Higit siyam na minuto na kaming naglalro at apat na team nalang ang natitira, wala rin akong ibang natanggap kay ZachTv kundi puro papuri.
Maswerte ka ZachTv dahil nakilala mo ako, kung hindi ay baka hindi ka parin maniniwala na may isang babaeng mapapantayan ka. "Victory!" anunsyo ng A.I and for the thousandth time I heard that word declaring my victory, well OUR victory.
Fun fact, hiningi ni ZachTv ang aking username sa Nstagram na akin namang ikinatuwa dahil may isang celebrity akong follower. Ibinigay ko ang pangalawa kong account na gamit ko para sa updates sa gaming world.
Siyempre parehong in game name ang gamit ko para madaling hanapin. Napabilib ko ata siya dahil naisipan niya akong i-follow sa Nstagram. Itinuloy pa niya ang pag stream pero hindi ko na siya pinanuod dahil medyo nag pa-process pa sa utak ko na si ZachTv ay napahanga ko. Parang napuno ng paruparo ang aking tiyan dahil sa tuwa at parang kinikilig pa ako.
Naisipan kong lumabas muna para bumili ng ice cream sa 12/8 dahil malapit lang ito sa apartment ko. Habang naglalakad ay may napansin akong bagong lipat sa katabing kwarto. Matagal ding nabakante ito kaya medyo nanibago ako, sana naman maayos 'tong kapitbahay ko.
May mga kahon na nakaimbak sa harapan ng pintuan. Dinaanan ko na lamang ito at lumabas na ng building. Malapit lang ako sa pupuntahan ko kaya nilakad ko na lang.
Isa iyong dahilan kung bakit dito ko naisipang mag renta ng silid. Malapit ito sa isang mall, convenient store at may parke din sa tapat nito.
Pagpasok ko sa 12/8 ay agad akong dumiretso sa counter at nag request ng ice cream. "Avocado po." Agad kong sabi kahit na wala pang tinatanong ang cashier. I love avocado, very much! Ewan ko ba basta naglalaway ako tuwing naamoy ko ito lalo na pag natikman ko.
"30php po." Sabi niya and she smiled at me at kinuha ko na mula sa kamay niya ang isang apa na puno ng avocado icecream. Ibinigay ko narin ang 50php na galling sa wallet ko "Thank you and come again!" maligayang bati nito sabay abot ng aking sukli.
Sarap talaga nito! Nakakatakam, sarap ng saktong tamis at lamig na humahagod sa lalamunan! Nakaka refresh matapos ang ilang oras kong pagbabad sa harapan ng desktop. Umupo ako sa bench sa ilalim ng street lamp habang kinakain ang avo ice cream ko at inaalala parin ang laro naming kanina ni ZachTv.
Naisipan ko nang bumalik sa aking silid dahil naalala kong hindi ko pala ito nailock. Patayo na sana ako nang biglang may tumatakbong lalaki ang bumangga saakin at siyempre natumba itong si lampa at naitapon sa damit ko ang aking ICE CREAM!
"Sorry miss, ayos kalang?" tanong niya sa akin at napairap namn ako dahil doon. "Nako okay lang ako, masaya nga akong kayakap tong ice cream ko." Sarakastikong sagot ko naman tapos tumayo na ako at tinanggal na ang apa ng ice cream sa damit ko at itinapon na ito sa basurahan.
"Sa susunod 'wag kang takbo ng takbo baka may maagrabyado ka pa." Pagsusungit ko sa kaniya. Paano ngayon 'to may nakadikit paring ice cream sa damit ko! "Sorry talaga miss, eto gamitin mo nalang." Sabay abot niya ng panyo, aba'y kung may panyo lang ako di ko to tatanggapin.
"Salamat." Pagmamaldita ko at sabay balik ng panyo sa kanya at umalis na ako baka kung ano pang magawa ko at baka mabaril ko pa siya, wala talaga akong baril.
Pag uwi ko nag log in na lang ako sa Free Shoot 4 at doon nalang inubos ang sama ng loob ko. Hindi ko malilimutan ang mukha ng lalaking iyon, sirain ba naman ang napakasarap kong ice cream!