EPILOGUE Eunece, Hinawi ko ang aking buhok habang naka upo ako dito sa isang bench sa may park. Hawak ko ang isang malamig na avocado icecream habang tinititigan ang masayang pamilyang naglalaro kasama ang kanilang dalawang cute na anak. Siguro nasa apat na taong gulang na sila at napagtanto ko rin na kambal pala. Huminga ako ng malalim bago panandaliang sinulyapan ang gusali kung saan ako nanirahan ng tatlong taon. Wala naman itong naging pinsala mula sa digmaan walong buwan na ang nakakalipas. Habang nakatitig ako dito ay bumalik sa aking isipan ang mga alaala nang una kaming magkita ni Oliver, napaingon ako sa kaniyang direksyon at binigyan naman niya ako ng isang ngiti. Kakaabot lang niya ng bayad sa mamang magsosorbetero kaya ngayon ay mabilis ang kaniyang paghakbang palapit sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


