Chapter 3:Invitation
Eunce,
Nag inat ako at dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng lamig na siyang nag pa nginig sa buong katawan ko. Umupo ako at pinakiramdaman ang aking sarili.
Nang magising na ang aking diwa ay tumayo na ako, sumilip ako sa aking bintana at malakas parin ang ulan. Baka bukas pa raw lilihis ng direksyon itong bagyo.
Tinahak ko ang munting espasyo sa pagitan ng aking kama at ang aking kusina. Maliit lang kasi ang aking silid, tanging ang shelf lang na kinalalagyan ng aking TV ang humati sa silid.
Agad akong naglagay ng tubig sa takori at ipinatong ito sa apoy ng gas stove. Sa isa namang kalan ay ipinatong ko ang palayok, nilagyan ko ng kunting mantika at binasag ang isang itlog.
Naunang naluto ang itlog, inihain ko ito sa platito at isinunod na nag toast ng bread sa toaster.
Habang hinihintay kong kumulo ang tubig at tumaas ang dalawang bread na inilagay ko sa toaster ay itinaas ko ang dalawa kong paa sa upuan at niyakap ang mga ito.
Matapos ang ilang minutong paghihintay ay kumulo na ang tubig, kanina ko pa nailagay sa platito ang toastesd bread ko. Ibinuhos ko sa tasa ang mainit na tubig at hinalo ang mga ingredients na inilagay ko sa tasa.
Inihipan ko ang aking kape bago sumimsim, nilagyan ko din ng butter ang tosted bread ko at pinatong ang sunny side up na itlog na niluto ko bago kumagat.
Refreshing indeed.
Umupo ako sa aking maliit na mesa na nasa sala at inilapag doon ang aking pagkain. Binuksan ko ang aking TV upang manood ng news.
Nakaramdam ulit ako ng lamig kaya binalot ko ang sarili ko ng kumot, tinatamad kasi akong tumayo at kumuha ng mas makapal na damit. Habang nanonood ako ay may kumatok aking pintauan kaya napalingon ako sa direksyong iyon.
Kung magpanggap na lang kaya akong tulog at hintayin na lang na umalis kung sino man ang nasa pintuan ko. Lumipas ang ilang minuto pero patuloy parin sa pagkataok ang kung sino mang nasa labas.
No choice.
Tumayo na ako at sinilip muna kung sino ang nasa labas, si Oliver. Nagdalawang isip ako kung dapat ko ba siyang pagbuksan pero sa huli ay binuksan ko din ang pinto.
Tiningnan ako ni Oliver mula ulo hanggang paa. "What?" tanong ko naman at ginaya ko ang ginawa niya. "Spring roll." Sagot naman niya sabay ngisi na ani mo'y may nakakatawa.
"Tss, dami mong alam, anong kailangan mo?" tanong ko naman habang tulayan nang binuksan ang pintuan. "Kakamustahin lang ulit kita." Sagot niya sabay abot ng ice cream, tiningnan ko siya ng mula sa ulo hanggang sa paa, may sakit ba 'to?
Umagang umaga, papakainin niya ako ng ice cream.
"Pampaganda lang ng mood mo." Nakangiti niyang sabi at napakamot sa kaniyang pisngi, bakit? Maayos naman mood ko ah. "Pwede ba akong pumasok?" tanong naman niya, nagtanong pa eh halos nakapasok na siya.
Wala na akong nagawa alangan namang paalisin ko pa siya. Umupo siya sa couch at inilabas ang kanyang Switch at narinig ang opening ng Splatoon. "Naglalaro ka pala niyan?" tanong ko, siyempre inilabas ko narin ang akin 'yon nga lang ay 'yong lite version lang ang meron ako.
"Don't ask the obvious Eunece." Nakangisi niyang sagot na panandaliang tumingin sa akin bago ibinalik ang focus sa linalaro niya. Nagkibit balikat ako at sinamaan ko nalang siya ng tingin at umupo narin sa harapan niya matapos kung maisara ang pinto. "Bakit mo linock?" curious na tanong niya, "Don't tell me your planning something." Dagdag pa niya.
"If I would do a murder I would do it quietly, so brace yourself 'cause I'm gonna butcher you!" pananakot ko naman, diko naman talaga gaagwin 'yon. "Oh no! somebody save this handsome guy over here!" pag aarte naman niya, kung batuhin ko kaya 'to?
Ako nga dapat kabahan sa kaniya eh, pinapasok ko ba naman ang isang lalaki sa silid ko.
Naglaro narin ako ng Splatoon at nagparamihan kami ng panalo. Ayaw niya kasing mag connect kaming dalawa ang sabi niya baka sirain ko daw records niya.
Ipakita ko kaya sakaniya records ko bawat games ko, I always win Mr. Oliver. "Hindi ka ba nagtataka na walang kahit na anong balita tungkol sa nakita natin kagabi?" pagbabago niya ng topic matapos kaming maglaro nang halos apat na oras "What?" tanong ko naman, ano pinagsasabi nito?
"The gunshot last night." Pagpapaalala niya saakin, "What?" so it wasn't a nightmare after all. "Really Eunece? You have two working ears right?" sarkastiko naman niyang tanong, tumango naman ako at inirapan siya.
"I thought that was just a nightmare." Nagaalangan kong sabi, kung totoo nga 'yon bakit walang kahit na anomang balita tungkol dito.
"Baka hindi gunshot iyon, baka spark lang galing sa wires." Suhestyon ko naman, "There's a possibility dahil nga umuulan pero kung spark nga diba dapat nawala ang power supply, even for just a second?" pagkuntra naman niya sa aking sinabi.
Mukhang gunshot nga talaga iyon.
"Pero bakit walang balita rito? Kahit na tsismis man lang ay wala." Napapaisip kong sabi at ibinaba ko na ang aking Switch lite, tumayo ako mula sa aking kinauupuan at naobliga akong maghanda ng meryenda para sa aming dalawa.
"Kaya nga iyan ang bumabagabag saakin, was it covered by the government?" hula niya, sumandal naman siya sa couch at tumingin sa bintana.
"What if it was really covered by the government, pag nalaman nila na may witness baka ipahuli nila or worst patayin!" bigla akong napatigil sa pagtitimpla ko at tiningnan siya, I don't wanna die yet! Gumana na naman ang pagka nega ko.
"Eunece, don't make yourself panic." Bumalik ang tingin niya sa akin. What if lang naman pero there is a possibility.
"You know what, let's forget it and just enjoy this day na kasama mo ako." Komportable niyang isinandal ang kanyang sarilis sa aking couch. Napailing naman ako mula sa sinabi niya na akala mo naman maswerte kong kasama siya eh ako nga itong isasakripisyo ang sariling pagkain para sa kaniya.
"Ang hangin!" pagpaparinig ko naman at gwapo lang siya pero hindi siya celebrity, pasalamat nga siya pinaghahanda ko siya. "Why? Are you an influencer? Celebrity? Or something?" tanong ko naman at inilapag ko na ang mga titchirya na pinamili ko kahapon.
Umagang-umaga pero titcherya agad ang inihanda ko, wala akong ibang pagpipilian eh, hindi ko namang hininging magkaroon ng bisita sa ganitong oras.
Ewan ko ba kung bakit napaka gaan ng loob ko sa taong 'to kahit na ang una naming pagkikita ay napakasama.
"You'll know it someday." Sabi niya na animo'y may itinatago sa akin. Sabay bukas ng Twomi, No! not my favorite. "Napaka hangin mo naman po." Kinuha ko ang remote pagkasabi ko no'n at napatawa nalamang ito, binuksan ko narin ang TV para manuod sa Youtube.
Ipapanood ko nga sa mokong nato ang galing ni ZachTv, he plays Splatoon too. "Hey you know ZachTv?" tanong ko sa kaniya hbanag nasa TV ang tingin, hinahanap ko kasi ang video ni ZachTv upang ipanood ko sa kaniya ang galling niya.
"Hey, ok kalang ba?" tanong ko, bigla kasing nabulunan ang loko, dahil ba iyon sa tanong ko? "Yeah, I'm ok, bigla ko lang kasi nalunok ang malaking piraso ng Twomi," sagot naman niya habang pinupunasan ang bibig niya. "ZachTv is great." dagdag niya matapos uminom ng coke at sabay ayos sa damit niya.
"Nanunood ka rin ng videos niya?" tanong ko at iplinay na angvideo na hinahanp ko kanina. "Kilala ko pa nga siya." Sagot naman niya, wait—How did that happen! "Alam kong maraming humahanga sa kaniya pero huwag ka namang magbiro na kilala mo siya." Sabi ko sabay tapik sa balikat niya.
"Totoo ang sinasabi ko, Eunece." May paniniguradong sagot naman niya, napaka ganda ng mata niya, I'm fan girling again and I hate that! "I don't care." Iniwas ko ang aking mga mata at ibinalik na lamng ito sa screen ng aking TV.
Matapos ng unang video ay nanood pa kami ng iba pang videos ni ZachTv at mukhang alam niya ang aming pinapanood, aakalain mo talagang siya si ZachTv eh.
Hindi namin namalayan ang oras at tanghaling tapat na pala, masyado naming in-enjoy ang panonood at paglalaro. Ngpaalam na siya, may gagawin pa raw siya. "Next time ulit." Iwinagayway niya ang kaniyang kamay bago lumabas sa aking silid.
Kaya ngayon mag-isa na lang ako. Magliligpit na sana ako ng may nakita akong papel sa may bintana ko kaya agad ko itong kinuha at tiningnan ito.
"I know you but you don't know me, I'm watching you." Pagbasa ko sa nakasulat, after that wala nang ibang nakasulat kundi ang parang family crest sa ibaba ng papel.
Kurteng leon iyon at silver ang katawan. "So I have stalker now." Bulong ko sa aking sarili bago muling itinupi ang papel. Agad kong isinara ang bintana ko at ibinaba ang kurtina.
After that inilagay ko nalang sa drawer ko ang papel at nag log in na ako sa Free Shoot 4.
Saktong online rin sina Dylan at Elly. "What happened here?" tanong ko sa dalawa, bumaba kami ng isang rank mula sa dati! "Commander si Major D kasi pinilit parin niya akong mag Rank Game kahit na wala ka kaya ayan tuloy." pagpapaliwanag naman ni Elly, "Sorry commander, I was just trying to prove my worth to be in this squad." Pagpapaliwanag naman ni Dylan.
"You don't have to prove yourself Major D, you're a friend and you are someone to fight for." Paninigurado kong sagot sa kaniya. Ilang saglit pa'y nagtawanan nalang kaming tatlo, I never met them in person pero talaga namang matatag na ang aming pagkakaibigan.
Naglaro kami ng hanggang sa makabalik kami sa dati naming rank, we are in Mythical Glory now so we stopped and rest ourselves a bit.
Pumunta naman ako ngayon sa Acebook ko para tingnan kung buhay pa mga Acebook friends ko kahit na cringe ang mga post nila ay maganda paring updated ako. Meron lang akong higit sa dalawang daang mutual friends, hindi ako social na tao.
Matapos ko sa Acebook ay pumunta naman ako sa Nstagram at binuksan ang pangalawa kong account. Nasiyahan naman ako nang makit ang direct message ni ZachTv.
"Hey eunimazing, wanna play a game agin?" tanong niya.
"Sure, but with my team mates." Reply ko, that's a request, probably
"As long as they want." Reply naman niya.
"BTW, areyou streaming rightnow?"
"Later, before we start playing"
"OK" magiging sikat na kami!
Agad kong ipinaalam ang tungkol dito sa Majors ko, pumayag naman sila. Binuksan ko na ang aking pc at nag log in sa aking Free Shoot 4 account.
Nasa kalagitnaan kami ng laro, maganda din ang koordinasyon naming kahit na ngayon lang makalaro ng aking majors si ZachTv. Sabi pa niya ay natutuwa siya sa tawagan naming magkakasama.
Matatapos na sana ang laban nang biglang nag black out ang screen ng aking pc at lumabas ang isang envelope. "Anong klaseng virus 'to?" tanong ko sa aking sarili.
Masyado akong nacurious kaya pinindot koi to at agad namang bumukas. Ang ganda ng animation, ma effort ang nag send nito.
Hello Eunece Alexander, tenant of Subin Apartment Building, room 21,
Your presence is very much welcomed in Silver Company, Rosewell Street
Come tomorrow at exactly 7:00 pm
William Bones,
ADMIN
Nang mabasa ko na ang nilalaman nito ay bigla na itong naglaho at nagbalik na sa dati ang aking screen. Ni hindi ko napansin na kanina pa pala nagsasalita si Dylan at Elly at agad namang tinapos ni ZachTv ang stream niya.
Tinanong ko ang dalawa kong Major kung naexperience din nila iyon pero hindi raw.
Tanging ako at si ZachTv ang nakaranas no'n. May pumasok sa aking isipan na isang alala, mabilis kung inabot ag drawer ko at binuksan ito. Kinuha ko ang liham na nakuha ko mula sa bintana at binasang muli.
Mukhang iisa lang ang nagpadala ng mensahe dahil naalala ko sa liham na nagpakita sa monitor ko ay meron ding parang family crest at pareho ito sa hawak kong liham ngayon.
Agad akong tumayo at marahas na binuksan ang aking pintuan. Dumiretso ako sa harapan ng silid ni Oliver at kumatok ako ng ilang ulit at nang walang sumagot ay pinihit ko ang door knob.
Hindi ito naka lock at nang tuluyan koi tong buksan ay nagulat ako sa aking nakita. "Ano ang iyong ginagawa?!" gulat kong tanong, mukhang mali ang pagpasok ko sa silid ng isang lalaki.