Chapter 53: The Chase Oliver, "Hold your fire!" Natigil kami sa aming pagpapaputok sa bahay na nasa aming harapan at nilingon ko ng may pagtataka ang aking ama. "He's already gone." Kumento niya at itinuro niya ang isang sasakyan na napakaliit na sa aming paningin dahil sa sobrang layo. "Let's go!" Mabilisan akong tumayo sa aking mga paa at kasabay ng aking mga miyembro ay sumakay na kami sa aming mga rover. Kaagad namang umandar ang makina ng aming sasakyan bago mabilis na umandar upang habulin ang nakatakas na lalaki. Hindi pa man kami nakakalahati sa distansyang nasa aming pagitan ay nakatanggap ako ng isang tawag mula sa aking ama. "Unahin niyo nang hanapin si Dr, Aguillera!" napalingon ako sa aking mga kasama. Tumango ako na para bang nasa harapan ko lang ang aking kausap.

