Chapter 43: Back to Earth Eunece, Gustohin ko mang matulog ay hindi ko magawa dahil sa hindi ako mapakali mula sa kaisipang kami ay nawawala sa kalawakan at naririto kami sa isang planetang hindi pa malalamang nag e-exist kung hindi pa kami napadpad rito. Nang sumakit na ang ulo ko habang nakahiga ay napagdesisyonan ko nang tumayo na lamang at umupo. Maingat kong ibinangon ang aking sarili at siniguradong hindi tatami ang aking braso sa metal na bahagi ng aking higaan. Iginala ko ang aking paningin at lahat sila’y nakatulog na maliban sa isang lalaki. Huminga ako ng malalim bago ibinaba ang aking mga paa mula sa lupa at kasabay no’n ay ang aking pagtayo at paglakad palapit sa kaniya. “Hindi ka rin makatulpg?” tanong niya sa akin nang umupo ako sa harapan niya, nakatalikod kasi siya sa

