NAGISING si Amaiah na masama ang pakiramdam. Hawak ang kaniyang tiyan ay dahan-dahan siyang bumangon. Napangiwi pa siya nang makaramdam ng panghahapdi sa pagitan nang kaniyang mga hita. Saka lang nag-sink in sa utak niya ang nangyari sa kanila ni Brant kagabi. Agad siyang napatingin sa kaniyang tabi pero agad din siyang nadismaya na wala na roon ang lalaki. But what would she expect? Hindi sila normal na mag-asawa para ika-cuddle siya nito after ng nangyari sa kanila. I want to f**k you. Agad na nag-init ang mukha niya nang parang video recorder na nag-replay sa utak niya ang sinabi ng asawa niya kagabi at nagpaubaya naman siya. f**k ang term na ginamit nito at hindi make love kaya malinaw na isang panandaliang aliw lang talaga ang papel niya sa set up na ito. Let’s fill the lust with

