"DID BRANT CADDEN BLACKMAILED YOU, HIJA?" Gulat na napaayos ng pagkakaupo si Amaiah Gabrielle sa naging tanong ng matandang Paterson sa kaniya. Matapos itong mag-breakfast ay dinala siya nito sa library dahil gusto raw siya nitong makausap na sila lang dalawa. Kinabahan siya sa naging hitsura nito. Seryoso ito at wala man lang siyang emosyon na nakikita sa mga mata nito. Ito iyong hitsura nito noong una niya itong makaharap sa opisina nito sa Paterson's Winery building doon sa Cebu. Kagat ang pang-ibabang labing napailing siya. Hindi pwedeng malaman nito na bin-blackmail nga siya ni Brant na makukulong ang Nanay niya kapag hindi siya tutupad sa usapan niya at sa abuelo nito. "M-May usapan po tayo na kapag hindi pa po ako nakapag-bayad sa perang ninakaw ng Tatay ko ay ipapakasal niyo po

