Chapter 1

1613 Words
"Ano ka ba naman, Amaiah. Hanggang ngayon ba wala ka pa ring mapasukang trabaho!" inis na wika ni Aling Lupe kay Amaiah Gabrielle nang malaman na bigo na naman ang lakad niya sa kabayanan. "Kasi po kulang daw po ang mga credentials ko kaya hindi ako natanggap sa pinapasukan kong bangko." nakayokong sabi niya. "L*tse naman oo! Aba'y ilang buwan ka ng graduate, ah! Pero hanggang ngayon wala ka pa ring silbi! Alalahanin mong naisangla sa bangko itong bahay at lupa natin dahil d'yan sa pag-aaral mo na iyan!" lalong nanggagalaiti sa galit ang ginang. Kahit gustung-guto na niyang sumabat dito na ginagawa naman niya ang lahat para makatulong sa lahat ng gastusin dito sa bahay ay mas pinili na lang niyang manahimik na lang. Mas lalo lang kasi itong magagalit sa kaniya kung sasagot pa siya. Ang Tatay Ernesto naman niya ay ilang araw ng hindi nakauwi at nag-aalala na siya. Pero hindi lang naman sa kanyang pag-aaral lang naisangla itong bahay at lupa nila dahil dalawa naman sila ng ate Gemini niya ang nag-aaral. Pero ang akala niya na kapag ga-graduate na ang ate niya sa kursong edukasyon ay makakaluwag na sila pero umalis ito at nagpunta ng Maynila at kamakailan lang bumalik ito rito sa Cebu para magpaalam na sasama na ito sa kasintahan nito sa Amerika. “Sorry po, Nay. Pero baka po sa pinagpasahan ko ng resume sa internet ay matanggap na ako---” “Ay naku, hindi ko na inaasahan iyan, ano?" agad na putol nito sa kaniya. "Kung bakit naman kasi palagi ka pa ring umaasa na matatanggap ka sa mga in-apply-an mong trabaho? Hindi ka pa ba napapagod? Aba’y nakakasawa ng marinig na palaging reject! Pinaaasa mo lang ako na magkakatrabaho na pero sa huli, uuwi ka lang na luhaan dito.” Lihim na lang na nakuyom ni Amaiah ang kamao. Kahit anong pagpapakabait pa ang gagawin niya ay hindi pa rin iyon ma-appreciate ng Nanay Lupe niya. Kahit hindi siya matalino at laging pasang awa ang matatanggap niyang grades mula elementary hanggang college ay nagsusumikap din naman siya na makatapos sa pag-aaral. Isa yata iyon sa mga dahilan kung bakit hindi siya matanggap sa trabaho dahil pagtingin pa lang sa transcript of record niya ay nakakaawa na. “Ewan ko ba! Malayong-malayo ka sa ate Gemini mo na madiskarte sa buhay!” Mas lalong hindi na siya umimik. Kapag sumasagot pa siya at mangangatwiran ay tiyak na lalo lang sasakit ang kanyang kalooban dahil sa mas masasakit na salita na matatanggap niya mula sa Nanay Lupe niya. Hindi na niya kailangang banggitin sa Nanay niya na hindi naman ganoon ka-perfect ang kanyang ate Gemini dahil marami rin itong pagkakamali sa buhay bago nagpunta ng Amerika kasama ang kasintahan nito at ito nga magli-limang taon na pero hindi man lang sila nito naaalalang tawagan. Ngunit kahit parang kinalimutan na sila ng kaniyang ate Gemini ay mas ipinagmamalaki pa rin ito ng Nanay niya kaysa sa kaniya. Siguro mahal lang talaga ni Nanay ang anak nito sa unang lalaking minahal nito. Yes. Ate Gemini is her stepsister. Hindi naman talaga ang Tatay Ernesto niya ang kasintahan ng Nanay Lupe niya. Sinalo lang ito ng Tatay niya nang mabuntis ito at ayaw panagutan ng lalaking nakabuntis dito, ang ama ni ate Gemini. Dahil bukod sa may kaya ang lalaking iyon sa buhay ay hindi naman nagustuhan ang Nanay Lupe niya sa pamilya ng lalaking iyon at nakatakda na ring ikasal ang lalaki sa isang babaeng anak mayaman din. Si Tatay Ernesto naman ay matagal nang gusto ang Nanay niya kaya wala itong pakialam sa nakaraan ni Nanay Lupe at inalok ng kasal nito ang kanyang ina. Dahil ayaw nina Lolo at Lola, ang mga magulang ng kanyang Nanay Lupe, na ma-tsismis ang anak nito na nabuntis at hindi pinanagutan kaya hinihikayat ng mga ito si Nanay na magpakasal na lang ito kay Tatay Ernesto. “P-Papasok na po muna ako sa kuwarto.” “Bahala ka!” sabi nito at nauna pang tumalikod sa kanya. Kagat-labing pumasok siya sa kaniyang kuwarto at doon na lang niya ibinuhos ang pag-iyak na kanina pa nagpapasikip sa kanyang dibdib hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-iyak. Nagising lang siya nang makarinig ng tatlong katok sa pintuan ng bahay nila. Agad siyang bumangon at lumabas ng kanyang kuwarto para pagbuksan ang kung sino man ang kumakatok. “Ano po ang kailangan---Ina!” gulat na sambit ni Amaiah Gabrielle. Ilang beses pa niyang naikurap ang kaniyang mga mata. Sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya nang makita ang kaibigan niya. “Hi,” bati nito at agad siyang dinamba ng mahigpit na yakap. Hindi kaagad siya nakakilos at patuloy lang na nagbagsakan ang luha niya sa kanyang mga mata. Matapos ang makapugtong yakapan nilang dalawa ay agad niya itong pinapapasok sa kanilang bahay. “A-Akala ko hindi na kita makikita dahil ang sabi ng mga kapitbahay niyo may dalawang lalaking kumuha sa’yo sa kubo niyo.” “A-Ako rin, akala ko tuluyan na akong mapahamak sa kamay ni Don Fausto.” anito habang panay ang punas ng masaganang luha na nag-uunahan sa pagbagsak sa magkabilang pisngi nito. Halos gabi-gabi niyang ipinagdarasal ang kaibigan na sana ligtas ito. “Ano ba ang nangyari?” humihikbing tanong niya. Kaagad naman itong nag-kuwento mula umpisa ng pagkuha nito ng mga tauhan ni Don Fausto hanggang ngayon na nandito na ito. Pero alam niyang may nangyari pa rito bago pa man ito nakauwi rito. Kitang-kita niya iyon sa mga mata nito. Malungkot at nasasaktan. Pero ayaw na muna niya itong pangunahan. Pinili nitong hindi iyon sabihin sa kaniya, and she will respect that. Ang importante ay ligtas ito. “Mabuti naman at okay ka lang at walang nangyaring masama sa'yo." sabi na lang niya. "Okay lang ako. Uh, Gabby, kumusta si Lola Guada?" Bigla siyang nalungkot nang banggitin nito ang Lola Guada nito. Kahit na naiinis siya sa matandang iyon dahil sa nangyari sa kaibigan niya pero naawa pa rin siya rito nang magkasakit ito. Ilang ulit din niya itong dinalaw sa hospital. "Nasa kubo niya, puntahan mo na lang. Mabuti na lang talaga at nasa kulungan na ngayon ang hambog na si Don Fausto at naghihirap na siya ngayon." Palatak niya nang maalala niya ang hambog na matandang iyon. Lahat ng taga-rito ay takot sa Don Fausto na iyon kaya nang mabalitaan nila na nakulong na ito ay tila nabunutan sila ng tinik. "Alam mo nagpapasalamat talaga ako sa taong nagpakulong sa matandang iyon, buti nga sa kaniya at sa wakas dumating na sa kaniya ang karma." Litanya pa niya na ikinangiti na lang ng kaibigan niya. Nagkukuwentuhan pa sila ni Jenina nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Nanay Lupe. May bitbit ito na maliit na supot. “Amaiah---” kaagad naman itong natigilan nang makita nito si Jenina. “Magandang tanghali po, Aling Lupe.” ani Jenina at kita niya sa mukha nito ang pag-aalinlangan. Hindi naman kasi maganda ang huling tagpo ng mga ito dahil sa pang-aaway ni Aling Guada sa Nanay niya noon. Nakita naman niyang kumurap ng ilang beses ang Nanay Lupe niya. Tila hindi ito makapaniwala na narito ang kaibigan niya. Alam niya na kahit isa ang Nanay Lupe niya sa mga nam-bully sa kaibigan niya noon pero nang mabalitaan din nito na may kumuhang mga tao kay Ina ay alam niyang kinabahan din ito at nag-aalala para sa kaibigan niya. “Inang mangmang…” sambit ng Nanay niya na ikinangiwi ng kaibigan niya. Pero wala naman siyang makitang galit sa hitsura ng Nanay Lupe niya. Nakita pa nga niyang may kumislap na luha sa mga mata nito kaya alam niyang nakahinga rin ito ng maluwag na nandito na ang kaibigan niya. “Mabuti naman at umuwi ka na at maaalagaan mo na ang Lola Guada mo.” Matigas ang boses na sabi nito sa kaibigan niya, pagkuwan ay bumaling sa kanya. “Ikaw, Amaiah puntahan mo si Chona sa bahay nila dahil naghahanap daw iyon ng makakasama sa Japan.” anito bago tumalikod at pumasok sa loob ng kanilang kusina. “May balak kang mag-abroad?” tanong sa kaniya ni Jenina nang sila na lang dalawa. Sa totoo lang ay ayaw niya. Gusto niya na dito lang sa bansa siya maghahanap ng trabaho pero wala na siyang choice. Noong isang araw pa siya kinausap ni Chona at inalok na sumama rito sa Japan kapag babalik na raw ito roon. Naghahanap daw kasi ang amo nito ng isa pang tauhan sa malaking grocery store nito at dahil sa kagustuhan niyang makahanap ng trabaho ay umuo kaagad siya. Total libre naman lahat ng gagastahin sa pagkuha ng requirements para makapunta sa Japan. “Oo, ilang buwan na kasi mula ng nagtapos ako sa kolehiyo pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makahanap ng trabaho. Wala pa ring kompanya na tatanggap sa akin.” Malungkot ang boses na sumbong nito sa kanya. “Hayaan mo na. Pasasaan ba at makahanap ka rin ng trabaho.” Pang-aalo nito sa kaniya. Marami pa silang napagkuwentuhan na dalawa bago ito nagpaalam na aalis na. "Basta bumalik ka dahil ang dami ko pang ikukuwento sa'yo." aniya. Tumango naman ito at niyakap siya ng mahigpit. “Gusto ko sanang ihatid ka kaya lang kailangan ko pang puntahan si Chona.” Nakangusong dugtong pa niya. Nakakaintinding tumango lang ito bago tumalikod. Tinanaw na lang niya ang kaibigan hanggang sa tuluyan na itong makalayo mula sa bahay nila. Pero ilang araw lang ang dumaan ay nabalitaan na lang niya na namatay na si Aling Guada. Agad naman siyang nalungkot para sa kaibigan dahil alam niyang nagkakamabutihan na ang mga ito at matagal na iyong hiling ni Jenina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD