"WE'RE HERE, MISS." Napapitlag si Amaiah nang magsalita ang driver ng sinasakyan niyang kotse. Nakahinto na sila sa isang modern Japanese style penthouse. Tinanggal niya ang seatbelt. Nang marinig niya ang tinig palatandaan na bukas ng ang sasakyan ay agad niyang pinihit pabukas ang pintong nasa gilid niya. "Thank you, Sir," magalang niyang sabi sa driver bago umibis pababa ng kotse. Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa penthouse na pag-aari ni Miss Kelly. Kinakabahan siya na baka naroon ang asawa nito at baka agad-agad ay gagawin na niya kung ano ang mapagkakasunduan nila ni Miss Kelly matapos niya itong makausap. Isa pang buntonghininga ang pinakawalan niya bago niya pinindot ang doorbell. "Seems you change your mind, huh?" Bungad kaagad sa kaniya ni Miss Kelly nang pagbuk

