Chapter 11

2061 Words
AGAD natigil si Amaiah sa pagpasok niya sa kanilang kuwarto ni Luna nang madatnan na naman niya si Chona na prenteng nakaupo sa silyang naroon. Tiningnan niya ito ng masama pero hindi man lang ito natinag. "Ano na naman ang kailangan mo at nandito ka na naman?" malamig niyang tanong sa babae. Dumiretso siya sa kaniyang kama at inilapag niya ang bag niya roon bago ito hinarap. "I know, I made a mistake on deceiving you," mahinahon ang boses na sabi nito. Tumayo ito at malungkot ang mga matang nakatingin sa kaniya. "Uh, bababa na muna ako, Amaiah. Bibili na muna ako ng pagkain natin." Narinig niyang paalam ni Luna. Tiningnan naman niya ito sandali at tumango, saka ibinalik niya ang tingin kay Chona. "Deretsahin mo na ako sa kung ano talaga ang pakay mo kung bakit ka na naman nandito." aniya nang sila na lang dalawa ang naiwan. "I'm sorry, kung niloko ko kayo. Aaminin kong nagkamali ako sa part na iyon, pero Amaiah makatutulong naman talaga ito sa mga problema ng pamilya mo, 'di ba?" Hindi siya sumagot at naupo sa gilid ng kaniyang kama paharap dito. "Oo, nakatutulong pero kung sinabi mo sa akin kung ano ang magiging trabaho namin dito, hinding-hindi ako sasama sa'yo rito, ate Chona." "Kung nandidiri ka talaga sa trabahong iyan, puwede mong kausapin si Miss Kelly. May iaalok daw siya sa'yong ibang trabaho." Kunot ang noong tinititigan niya ito. "What do you mean?" puno ng pagdududang tanong niya rito. "Miss Kelly wants to talk to you tomorrow night. At siya na ang magsabi sa'yo kung ano ang trabahong gustong i-offer niya, sa'yo. I have to go, good night." anito at lumabas na ng silid. Napabuntonghininga na lang siya at pabagsak na inihiga ang katawan sa malambot niyang kama. Ano kaya ang offer sa kaniya ng boss nila? Muli siyang napabuntonghininga at ipinikit niya ang mga mata. Pero agad din siyang nagdilat ng mga mata at bumangon nang maalala niya na kailangan niya palang tumawag sa Tatay niya. Kinuha niya ang cellphone na nasa drawer sa gilid ng kaniyang kama. Malaki ang binili niyang load noong nasa Maynila pa siya kaya pwede pa siyang makatawag sa mga ito. Pero nakailang ring na lang ay hindi pa rin sinasagot ng Tatay niya. Sinubukan din niyang tawagan ang numero ng Nanay niya pero hindi naman makontak kaya sumuko na lang din siya at nahiga ulit sa kama. Baka busy lang o di kaya'y natutulog na. Nang dumating si Luna ay sabay na silang naghapunan. Sinabi rin niya kay Luna ang sinabi sa kaniya ni ate Chona kanina. "Sa tingin mo ano kaya ang puwede niyang i-offer sa'yo?" tanong ni Luna sa kaniya. Pareho na silang nakahiga sa kama nila. Nakatagilid ito paharap sa kaniya, siya naman ay nakatihaya lang at nakipagtitigan sa puting kisame ng kanilang silid. "Hindi ko alam," sagot niya. KINABUKASAN ay maaga silang nagising ni Luna dahil pupunta sila sa The Wajima Morning Market para mamili ng mga kakailanganin nila. Pagdating ng alas sais ng gabi ay kinatok na siya ni ate Chona. Sasamahan siya nitong pumunta sa opisina ni Miss Kelly. "Kung ano man ang magiging offer niya sa'yo, please grab the opportunity, okay?" bilin pa nito sa kaniya, bago siya iniwan nito sa opisina ni Miss Kelly. Wala pa kasi ang babaeng boss dahil may kliyente pa raw itong kinakausap. Hindi mapakaling naupo na lang muna siya sa may visitor's chair na naroon sa harap ng table ni Miss Kelly. Inilibot niya ang paningin sa buong opisina para kahit papaano ay maibsan man lang ang kaba na nararamdaman niya, bagay na hindi niya nagawa noong unang nakapasok siya rito. The whole room was covered with thick transparent glass. Kita niya ang mga nagkikislapang mga ilaw sa labas nitong opisina. Bahagya pa siyang napaigtad nang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok doon si Miss Kelly. She's wearing an expensive red body hugging dress. Well, the woman has a body to flaunt. Napakababa rin ng neckline n'yon kaya kitang-kita niya ang cleavage nito. "I apologize for waiting on me," anito pero hindi man lang ngumiti. Napatayo siya at magalang na yumukod dito ng bahagya. "It's okay, Miss." aniya. "Anyway, have a seat." anito at naupo na rin sa swivel chair nito. "I guessed Chona already told you that I have an offer for you, Amaiah." "Yes, Miss." "Good." anito at tumango-tango. "You see, Amaiah," anito na ipinakita nito ang kaliwang kamay nito. Agad namang kumunot ang noo niya. Hindi niya ma-gets kung ano ang gusto nitong ipakita, pero agad din naman niyang naunawaan nang magsalita na naman ito. "I am married woman and my husband wants us to have a child, but I'm not yet ready. I'm still young and I don't want to ruin my figure." Kaagad nalukot ang mukha niya sa huling sinabi nito. Kunsabagay, napakaganda ng katawan nito at kung magbuntis ito ay posible talagang masira ang katawan nitong iyon. Pero kung mahal naman nito ang asawa nito ay hindi naman nito iyon maiisip pa, hindi ba? "I love him, okay? And I want a child too but not today or tomorrow just like my husband's wants. So, I came up with this plan. You're beautiful and I bet you're still virgin so, you're the perfect candidate to be my child's surrogate mother." Napasinghap siya at napaawang pa ang mga labi niyang nakatitig lang sa boss niya. Siya? Gawin nitong surrogate mother sa anak nito? "Two hundred million Yen, just bear my husband’s child.” What?! "I—I'm sorry, Miss Kelly, but I can't do that, sorry..." aniya at agad ng tumayo. "I have to go," paalam niya bago mabilis na naglakad palabas ng opisina nito. Dumiretso siya sa banyo para kalmahin niya ang sarili. No. Hindi niya iyon kayang gawin. Yes, she badly needed that large amount of money pero hindi niya kayang gawin ang offer nito sa kaniya. That's absurd! Ilang oras pa siyang nanatili sa loob ng banyo bago siya lumabas at tinungo ang room ng mga waitress. "Amaiah, hindi ka na muna ngayon magwe-waitress." Agad na salubong sa kaniya ni ate Rowena. "Bakit?" tanong niya na pilit pinapasigla ang boses. "Bumalik si Mr. Takahashi, iyong matandang hapon na kinausap mo noong isang gabi. Gusto ka raw niyang makausap hanggang sa off mo." Gusto sana niyang tumanggi at sabihinng ayaw niyang makipag-usap pero wala naman siyang magagawa. Pinasok niya ang ganitong trabaho kaya wala talaga siyang choice. "Sige, Ate," aniya at dumiretso na sa kaniyang puwesto para mag-ayos ng sarili. Sa ilang araw niyang pagtatrabaho rito ay natuto na siyang mag-make up na siya lang at hindi na umaasa pa sa iba. Mas gusto din niyang siya na lang ang nag-aayos sa kaniyang sarili dahil gusto niyang sobrang kapal ng kaniyang make-up nang wala talagang makakakilala sa kaniya sa umaga kung gusto niyang mamasyal sa labas. Paglabas niya ay dumiretso kaagad siya sa kung saan nakapuwesto ang matanda. Napakagalang talaga nito, and she admired him for that. Hindi man lang ito nag-take advantage sa kaniya. Kahit ang paghawak sa kaniyang kamay na madalas niyang nakikita sa ibang costumer sa mga kasamahan niya ay hindi nito ginawa. Nag-uusap lang talaga sila. Nasa early 60's na ito. Hindi lang halata dahil mayaman ito at hindi nagbibilad ng init para may maiuwing pagkain pagsapit ng gabi sa pamilya nito. Pero malungkot naman ito dahil mayaman nga ito but at the end of the day, wala itong pamilyang mauuwian dahil divorce na ito sa asawa nito. May mga anak daw ito sa iba't ibang babae pero may mga sarili na raw na pamilya. Nagpasalamat na rin siya at nakausap niya ito dahil nawala saglit ang mga iniisip niya tungkol sa naging offer sa kaniya ni Miss Kelly. Pero nang makauwi siya sa apartment at mag-isa na lang sa kwarto nila ni Luna dahil male-late raw ito ng uwi ay naiisip na naman niya. Nahahapong ibinagsak niya ang katawan sa malambot niyang kama. Pero agad din siyang bumangon nang maalala niya ang mga magulang. Kailangang niyang tawagan ang mga ito ulit. Sana naman sa pagkakataong ito ay sasagot na ang mga ito. "Hello," aniya nang sagutin ng Nanay niya ang tawag. "Hello, Nay." "Mabuti naman at tumawag ka na, Amaiah." Agad na kumunot ang noo niya nang marinig niya ang paos na boses ng kaniyang ina na tila kagagaling lang nito sa pag-iyak. "Opo, uh...okay lang po ba kayo, Nay?" puno ng pag-aalalang tanong niya sa ina. "B-Binigyan na ako ng notice for closure ng taga-Bangko. May dalawang araw na lang tayong natitira kung..." natigil ito sa pagsasalita at narinig niya itong suminghot. "Kung hindi tayo makapagbayad kahit interest lang ay rerematahin na talaga nila itong Bahay at lupa natin. Kaya please, naman Amaiah, gumawa ka naman ng paraan para makabayad tayo kahit interest lang." anito at tuluyan ng umiyak. Napatingala siya at mariin niyang ipinikit ang mga mata. "S-Sige, gagawan ko ng paraan," aniya. "Talaga? Kailan ka magpapadala? Kailangan bukas o sa makalawa ay makapagpadala ka na para mabayaran natin ang interest." Napalunok muna siya bago sumagot. "S-Sige po." Nang pinatay na nito ang tawag ay nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kama. Nasapo ng dalawang palad niya ang mukha. Umuklo siya at itinukod ang dalawang siko sa magkabilang tuhod niya. Ano ba ang gagawin niya? Saan siya kukuha ngayon ng pera? Nang maalala niya ang offer ni Miss Kelly ay agad siyang tumayo at bumalik sa opisina nito pero ang sabi ng guard ay nakauwi na raw ang boss nila kaya umuwi na lang siya sa apartment at dumiretso siya sa kuwarto ni ate Chona. Baka alam nito ang numero ng telepono ni Miss Kelly. "Baby girl, may kailangan ka?" tanong nito sa kaniya nang pagbuksan siya nito ng pinto. Mula nang malaman niya ang panloloko nito ay ngayon lang siya natuwa rito. "Uh... halika pasok ka na muna." Pumasok naman siya. Ito na rin ang nagsara ng pinto. "Kumusta? Anong in-offer sa'yo ni Miss Kelly?" tanong kaagad nito sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang sobrang excitement. "She wants me to be—" natigil siya at umiling. "Nothing, ahm... puwede ko bang mahingi ang number niya?" Agad naman itong natigilan at mataman siya nitong tinititigan. "Why?" "Kailangang-kailangan ko na ng pera dahil mareremata na ang bahay at lupa namin." pag-amin niya rito. Wala naman siyang mapapala kung magsisinungaling siya. Nakita naman niyang ngumisi ito. "Iyon, iyon ang sinasabi ko sa'yo na kung paiiralin mo iyang pride mo ay matatalo ka talaga ng buhay." ngingisi-ngisi pa ring sabi nito sa kaniya. "Pero hindi sa paraan ng mga ginagawa mo." sikmat niya rito para man lang ibangon ang pride niya pero tinaasan lang siya nito ng kilay. "Whatever," ismid nito, saka kinuha ang phone sa bag nito. "Ako na ang tatawag sa kaniya kung pwede ka ba niya ngayong kitain." anito. May kinalikot ito sa phone sandali saka idinikit ang phone sa tainga nito. Ilang sandali pa ay kausap na nito si Miss Kelly. Nakatingin lang siya rito habang nakikipag-usap ito sa boss nila. Sana naman hindi nagalit si Miss Kelly sa kaniya sa biglang pagwo-walk-out niya kanina at bukas pa rin ang offer nito sa kaniya. "A-Anong sabi niya?" hindi mapakaling tanong niya nang matapos na itong makipag-usap kay Miss Kelly. "Pumunta ka raw sa penthouse niya." anito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang hindi naman niya alam kung nasaan ang penthouse ni Miss kelly. "Don't worry, susunduin ka ng driver niya rito." Agad naman siyang nabuhayan ng loob. Tumango-tango siya. "Salamat," aniya at akmang lalabas na sana siya nang silid nito nang hawakan nito ang braso niya kaya napaharap siya ulit dito. "Baka may balak ka namang sabihin sa akin kung ano ang mga pinag-usapan niyong dalawa?" anito at matalim ang mga matang tinititigan siya nito. "I'm sorry, pero hindi ko puwedeng sabihin, sa'yo." aniya at kinuha ang braso niyang hawak pa rin nito. "Anong ginawa mo? Bakit papupuntahin ka niya sa penthouse niya?" hindi sumusukong tanong pa rin nito. "Wala akong ginawa, siya ang may kailangan sa akin." aniya at tuluyan ng lumabas ng silid nito. Huminga siya ng malalim at bumaba sa unang palapag ng apartment. Lulunukin na niya ang prinsipyo niya at tatanggapin na niya ang offer ni Miss Kelly. Mali man pero para sa pamilya niya ay kailangan niya itong gawin. Agad niyang pinahiran ng kamay ang luhang lumandas sa pisngi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD