Chapter 9

1947 Words
NANININGKIT ang mga matang tiningnan ni Amaiah ang kanyang ate Chona. Hindi niya inaasahan na ganito pala ka-demonya ang babaeng pinagkakatiwalaan niya at itinuring niyang ate at kaibigan. Totoo talaga ang kasabihang 'looks can be deceiving.' Dahil kung ano ang ikinaganda ng babaeng ito ay siya namang ikinasama ng ugali nito. "Oh, bakit ganiyan ka kung makatingin? Hindi ba at tama naman ako?" nakangisi at puno ng pang-uuyam ang boses na sabi nito. Napalunok siya at tila nawala ang tapang niya sa sarili. Bigla ring nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Napayuko siya at napakuyom ang dalawa niyang mga kamay. Oo, totoo lahat ng mga sinabi nito pero hindi naman umabot sa isip niya na magpapakababa para lang sa perang hinahangad niya. "Amaiah, sabi ni ate Chona pwede naman daw tayong maging entertainer lang sa bar na pagtatrabahuan natin." Narinig niyang sabi ni Luna kaya kunot ang noong nag-angat siya ng tingin at nang-aakusang tiningnan niya ang babae. "Alam mo?" tanong niya rito. Kagat ang pang-ibabang labing tumango-tango ito. "Oo, sabi niya sa akin kanina pagkapasok pa lang niya rito sa silid natin." Napailing-iling siya. Nagpunta siya rito dahil akala niya matinong trabaho ang papasukan niya. Umaasa siya na sa paglayo niya sa sarili niyang bansa ay gaganda ang buhay ng kanyang pamilya pero hindi niya inaasahang ganito pala ang mapapala niya, na lolokohin lang pala siya ng taong pinagkakatiwalaan niya. "At naniniwala ka talaga na iyon lang ang ipapagawa niyang babaeng iyan sa atin?" Hindi makapaniwalang tanong niya kaya Luna. Hindi siya matalino, yes, pero hindi naman siya bobo para paniwalaan iyon. Napailing siya ulit. Hindi siya pakawalang babae, kaya hindi niya matatanggap ang trabahong iyon. Hindi nagpapakahirap ang Nanay at Tatay niya para lang maigapang ang pag-aaral niya para lang maging ganito ang kahihinatnan ang lahat. "P-Pasensya na, pero buo na ang pasya kong uuwi." aniya at itinuloy na ang pag-iimpake. "For once, isipin mo ang pamilya mo, Amaiah." si ate Chona na hinablot ang mga damit niyang hawak niya. Hindi niya iyon inaasahan kaya nakuha kaagad nito ang mga iyon. "Look, I'm sorry kung nagsinungaling ako, sa'yo. Yes, sa bar kayo magtatrabaho pero bilang isang entertainer lang. Nasa sa'yo na iyon kung papayag kang lalabas kayo ng magiging costumer mo. May mga rules din naman ang bar na iyon." Naniningkit ang mga matang tinititigan niya ang babae. "Entertainer lang," puno ng sarkasmong sabi niya. "Yeah, entertainer lang..." ulit pa niya at hinagod ito ng tingin mula ulo hanggang paa, pabalik. And she makes sure, ate Chona saw how disgusted she was on her looks, her outfits, everything. "Stop insulting me, Amaiah." matigas ang tonong saway nito sa kanya. She smirked. Tatablan pa pala ito ng hiya. Huminga siya ng malalim at nag-iwas ng tingin dito. "Alam kong hindi mo matanggap na niloko kita, pero nandito ka na at hindi ka naman sasama sa akin kung hindi talaga matindi ang pangangailangan mo. Amaiah, be practical. Wala kang mapapala kung paiiralin mo iyang kainosentihan mo, hindi mo mapapakain n'yan ang pamilya mo. You're here not for your own benefits, right?" Mariin siyang napapikit nang maalala niya ang mukha ng Tatay niya na luhaan at takot na takot na makulong at ang binitiwan niyang pangako kay Mr. Paterson. Somehow, ate Chona was right. She's here not because she wanted this, she's here because of her family. Nagmulat siya ng mga mata at mariing tinititigan niya ito. "F-Fine," napipilitang sabi niya. "But in one condition," dugtong pa niya. Agad naman itong napatango. Bakas din sa mukha nito ang kasiyahan. "Sure, what is it, baby girl?" "Pagiging entertainer lang ang magiging trabaho ko, wala ng iba." mariin niyang sabi sa gusto niyang mangyari. Pero alam niya sa sarili niya na hindi na niya kaya pa itong pagkakatiwalaan. "Okay," "At uuwi ako, after six months." Hindi niya kayang magtagal sa ganoong trabaho. Hindi naman siya bobo para hindi alam kung ano ang mga kadalasang mangyayari kapag sa club nagtatrabahao. Kung hindi pa sapat ang perang naipon niya sa loob ng anim na buwan, then gagawan na lang niya ng paraan. "Okay, sabihan ko na lang ang boss natin." Matapos nilang magkasundo ay agad na siya nitong inayusan. Pagkatapos ng welcome party ay papasok na raw sila ni Luna sa trabaho. May dalawa raw na branch ang bar na pagtatrabahuan nila at sa main branch siya in-assign. Si Luna naman ay doon sa pangalawa. "Ang kati pala nito," mahinang reklamo niya at kinakamot ang mata pero agad ding tinampal ni ate Chona ang kamay niya. "Huwag mong hawakan, matatanggal iyan. Sanayin mo na lang ang sarili mo sa make up dahil gabi-gabi 'yan." Sinimangutan niya ito. "Hindi ba pwedeng magtrabaho na lang na walang ganito?" "Hindi, required talaga ni boss ang magpaganda. Maganda nga ito na makapal ang make up natin para kung maisipan mong magliwaliw sa umaga ay walang makakakilala sa'yong tao. You know, mga lalaking mahilig magpalipas ng gabi sa loob ng bar." She sighed heavily, at marahan niyang hinipan ang eyelashes niya. "Ikaw, bakit pumasok ka bilang prostitute? Sorry, for the word pero iyon naman talaga ang trabaho mo, 'di ba?" Huminga ito ng malalim at tumigil sa paglalagay ng blush on sa kaniyang pisngi. "Dahil sa kapatid ko na may sakit. At first, entertainer lang din ang gusto ko pero in-offer na rin sa club ang escort and I badly needed a money so, I applied." kibit-balikat na sagot naman nito. "So, escort ka?" "Oo, sumasama ako sa costumer na lalaki rito para aliwin sila at nasa akin naman kung magpapagamit ako sa kanila. Pero kung magugustuhan ko ang lalaki at gusto rin nila akong maikama, so why not?" Nakangising sabi nito na ikinangiwi naman niya. "Alam ba ng mga magulang mo kung ano ang trabaho mo rito?" tanong pa niya para maibsan naman ang kabang nararamdaman niya. "Noong una, hindi. Pero noong nagpabalik-balik na ako rito at marami na rin ang usap-usapan sa mga taong tsismoso at tsismosa na walang magawa sa buhay kundi pag-usapan ang buhay ng ibang tao kaya ayon, tinanong nila ako. Sabi ko, oo. Noong una hindi nila matanggap pero dahil naman sa ginawa ko kaya nailigtas namin ang kapatid ko kaya natanggap na rin nila kalaunan." mahabang sabi nito. Tumango siya. Wala naman silang magagawa sa ganoong isip ng mga tao kaya mas ayos na rin kung hindi sila papansinin hangga't alam natin sa sarili kung sino tayo. Pero hindi ibig sabihin na pinapalampas na niya ito sa ginawa nitong pag-scam sa kanila ni Luna. Kailangan pa rin niyang magsumbong sa batas lalo pa at kumukuha ito ng below 20's. Siguro nalaman ni Dolly ang totoong trabaho rito kaya itinakas nito sina Marry at Karra na ipinagpasalamat niya. Dahil kung nangyaring naisama ang mga iyon dito ay baka malilintikan na talaga niya si ate Chona. "At wala kang balak na tumigil?" "Meron, kapag tapos na ang dalawa kong kapatid sa college." Napatango-tango na lang siya. "Done!" anito at nakangiting tiningnan ang mukha niya. Mukhang na-satisfied naman ito sa ginawa nito sa mukha niya. "Sige na, magbihis ka na." "Pero sana naman 'wag kayong mandamay ng mga minor de edad." aniya habang dinampot mula sa kama ang maiikling damit na ipapasuot nito sa kanya. "Alam ko, pero sila naman ang lumalapit sa akin kaya grab the opportunity rin ako." Matalim niya itong tiningnan, pagkuwan ay napangiwi siya at pikit-matang isinuot na lang ang damit. "Sus! Ganyan din ang naging reaksiyon ko dati, no'ng virgin pa ako, pero simula nang lukuhin ako ng boyfriend ko, tila nawala na rin ang inhibisyon ko sa katawan pero dapat safe, ano? Ang hirap magkasakit." Panay ang buntonghininga niya habang pababa na sila sa unang palapag kung saan daw gaganapin ang pa-welcome party. Nakapulupot pa sa braso niya si Luna na tila kinakabahan din. "Relax, they will just welcome you, hindi kayo bibitayin." natatawang sabi ni ate Chona nang lingunin sila nito at nakita ang hindi maipinta nilang mga mukha. Inirapan niya ito. Mabuti na lang at hindi siya nito pinilit kanina sa gusto nitong ipasuot na damit para sa kaniya. Kung hindi baka tuluyan na niya itong masabunutan. Humanda ka talaga kapag nakauwi na ako ng Pilipinas, bruha ka! Pagdating nila sa may hall ay ang dami ng mga babaeng naroon. Para pa siyang gate crasher sa suot niyang isang fitted off-shoulder blouse at mini skirt, panay pa ang ang pagbaba niya sa dulo n'yon dahil masyadong maikli, hindi katulad sa mga suot ng mga ito na bagamat may mga damit nga pero mas maikli pa kaysa sa kaniya. May mga nagsusuot din kagaya ng suot ni ate Chona, mga kapwa yata mga escort nito. "Amaiah, kakayanin kaya natin ang ganito?" bulong sa kaniya ni Luna. "Kailangan kong magkapera kaya titiisin ko hanggang six months, Luna." sagot naman niya. Nakita naman niya itong marahang tumango-tango. "Okay, guys!" malakas na sabi ni ate Chona para kuhanin ang atensyon ng mga babaeng narito at nagtagumpay naman ito. "These two ladies here are my friend. Papasok sila bilang entertainer so be good to them everyone!" Kita niya ang iba't ibang reaksiyon ng mga babae. May ibang ngumingiti lang sa kanila, ang iba ay tiningnan lang sila, pagkuwan ay magtataas pa ng kilay. Iyong iba naman ay parang wala lang. Walang paki kumbaga. Nang sumapit ang alas siyete ng gabi ay kailangan na nilang pumunta sa bar na pagtatrabahuan nila. Sabay sila ni ate Chona dahil sa main branch din ito. Si Luna naman ay kay Hera, isa sa mga friend ni ate Chona na Pilipina rin dahil doon ito sa pangalawang branch. "Miss Kelly!" malakas na sabi ni ate Chona nang marating nila ang opisina ng boss nito. Hindi pa niya nakita ang club na sinasabi ni ate Chona dahil sa may likuran sila dumaan patungo rito sa opisina nitong si Miss Kelly pero dinig naman niya ang ingay ng musika na nagmula roon. Nakita niyang nagbeso-beso ang dalawa, mukhang close si ate Chona sa boss nito. Nasa tapat lang siya ng pinto at hinayaan na lang niya si ate Chona na ito muna ang lumapit sa babaeng nakaupo sa likod ng isang mamahaling glass table. Maganda ito at sa tingin niya ay pure Japanese ang babae. With her large, double-lidded eyes, small sharp nose, narrow face, and tall figure. Para itong artista sa sobrang ganda. Pero may kung ano sa hitsura nito na nagpapakaba sa kaniya. Tinuro siya ni ate Chona kay Miss Kelly, kaya napatuwid ang mga balikat niyang bagsak dahil sa kabang nararamdaman. Sabi sa kaniya ni ate Chona kanina ay hindi siya pwedeng magpakita na mahiyain at mahinhin dahil hindi iyon pwede sa trabahong papasukin niya. Lumakad si Miss Kelly papunta sa kaniya at umikot, ramdam niya ang pagpasada ng tingin nito sa mga binti niya at nang marating ang harapan niya ay tumitig ito sa mukha niya. Ngumisi ang mapupulang mga labi nito. "So beautiful, right Miss?" hagikhik ni ate Chona sa likuran niya. Sumenyas pa ito na ngumiti raw siya na mukhang naiirita na dahil sa ipinapakita niyang reaksiyon. Kaya nahihiya man ay ngumiti na lang siya pero nanatili pa rin siyang tuwid na nakatayo. "She's like a stump, Chona. Does she know how to dance?" "Yes, Miss Kelly but she wants to work as an entertainer," sagot naman ni ate Chona. Nakita niyang tumalim ang tingin ni Miss Kelly kay ate Chona na ikinaputla ng babae. "B-But don't worry, Miss, I will convince her to be like me," kinakabahang dugtong pa ni ate Chona sa boss nito. "Good, good. Well, I trusted your taste, Chona. So, now bring her to her dressing room and start fixing her." Lihim na nagtagis ang mga bagang niya. Humanda ka talaga sa akin babae ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD