Chapter 8

1813 Words
"WOW!" Namamanghang sambit ni Luna pagkalabas nila sa Narita International Airport. Gustuhin man niyang mamangha rin sa ganda ng lugar na kahit busy at napakaraming mga pasahero ang paroo't parito pero sobrang ganda pa rin, kaya lang ang isip niya ay nasa kina Dolly pa rin. Nagulat na lang sila ni Luna kanina nang lapitan sila ng isang babaeng flight attendant at sinabing hindi na raw tutuloy ang tatlo pa nilang mga kasama. "Amaiah, iyon na yata ang sundo natin," untag sa kaniya ni Luna habang may itinuturo sa may unahan nila. Agad naman niyang sinundan ang direksyong itinuturo nito at mukhang iyon na nga ang sundo nila dahil nakita at nabasa niya ang pangalan nila ni Luna na nakasulat sa isang cardboard na hawak-hawak ng isang lalaki. "Mukha nga, Luna kaya tara na," aniya. Hila-hila niya ang kaniyang malaking maleta ay agad nilang nilapitan ang isang lalaki na may hawak noong cardboard kung saan nakasulat ang pangalan nila. "Kon'nichiwa," bati niya sa lalaki, hula niya ay nasa late 30's lang ang edad nito. Bahagya pa silang yumukod ni Luna sa lalaki para magbigay respeto rito. "Hi, kayo ba sina Miss Luna Trinidad at Amaiah Abelardo?" nakangiting tanong nito sa kanila na ikinagulat naman nila ni Luna ang pagsasalita nito ng Tagalog. Akala niya ay isang Japanese ang susundo sa kanila, hindi naman niya inakalang isa rin palang Pinoy. Nagkatinginan pa sila ni Luna, pagkuwan ay nakangiting binalingan nila ang lalaki at sabay na sumagot. "Oo, kami nga po, Kuya." Nakangiting tumango naman ito at nagpakilala, pagkuwan ay agad sila nitong sinabihan na mauna ng sumakay sa dala nitong sasakyan at ito na ang bahala sa mga gamit nila ni Luna. "Mabuti na lang at Pilipino ka, Kuya kung hindi naku, talagang dudugo ang ilong namin sa pagsasalita ng nihonggo," walang hiya-hiyang sabi ni Luna kay kuya Dindo. Nasa daan na sila patungo sa apartment kung saan sila tutuloy habang nandito sila sa Japan. Mukhang mabait naman ito kaya lang hindi gaanong masalita. Pero sumasagot naman kapag tinatanong ito ni Luna o di kaya ay siya ang nagtatanong dito. "Nandito na po tayo mga Miss," ani kuya Dindo sa kanila ni Luna. Nang ihinto nito sang sasakyan sa isang three-storey building ay agad din silang bumaba ni Luna. "Glad that the two of you are here already!" Agad silang napatingin sa may entrance ng apartment nang marinig nila ang masayang boses ni ate Chona. Tila nakahinga naman siya ng maluwag nang makita niya ito. Agad sila nitong nilapitan ni Luna at niyakap. "Ito ba ang apartment na titirhan natin sa loob ng dalawang taon, ate Chona?" tanong ni Luna nang kumalas na ito mula sa pagkakayakap sa kanila habang iginala ang paningin sa kabuuan ng apartment. "Ah, oo. Dito kayo titira ngunit may mga rules dito na dapat niyong susundin, pero sa loob na natin iyon pag-uusapan." anito. Nakakaunawang tumango-tango naman sila ni Luna. Tinulungan din sila ni Ate Chona sa pagdadala ng kanilang mga gamit. Pagkapasok nila sa loob ng building ay agad naman niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng apartment. Akala niya titira sila sa isang cheap na apartment dahil iyon ang sabi ni Madam Feng na sa cheapest apartment muna sila titira hangga't wala pa silang kinikita at kung papalarin daw na may costumer na magkakagusto sa kanila at patitirahin sila sa isang napakagandang bahay rito ay ang swerte na raw nila. Pero bakit naman sila magugustuhan ng costumer ng isang factory? "Nasa pangalawang palapag ang kuwarto niyong dalawa kaya aakyat na muna tayo," nawala siya sa iniisip at napatingin siya kay ate Chona na nauna ng naglakad. Nang umakyat ito sa hagdanan ay sumunod kaagad sila rito. Kagaya nang naunang palapag ay napakatahimik din ng pangalawang palapag. Marami rin siyang nakikitang pinto kaya sa tingin niya ay marami rin ang nakatira sa building na ito. Lahat kayang nakatira rito ay nagtatrabaho rin kaya sa iisang factory? "Ate, wala bang tao rito? Nasa trabaho ba silang lahat?" puno ng kuryusidad ang boses na tanong ni Luna kay ate Chona. Kahit naman siya ay nahihiwagaan sa sobrang tahimik ng apartment. Pero siguro dahil sanay lang siya sa maingay na paligid kaya naninibago siya. Nakita naman niyang umiling si ate Chona. "They are sleeping, mamaya pang gabi ang mga duty nila. Agad naman na kumunot ang noo niya sa sagot nito. Sa gabi sila nagtatrabaho? Napaisip naman siya kung sila ni Luna ay gano'n din, na sa gabi rin sila magtatrabaho. "Hali kayong dalawa, dito ang kuwarto niyo," ani ate Chona at agad din nitong binuksan ang sliding door na gawa sa capiz. When she saw ate Chona removes her shoes before entering the room, ay gano'n na rin ang ginawa niya at ni Luna. Nang tuluyan na silang nakapasok sa loob ay saka lang siya nakaramdam ng kaginhawaan. Sobrang lamig kasi sa labas na kung hindi lang siya balot na balot ay baka nagyeyelo na siya sa sobrang lamig ng panahon dito. Agad naman niyang nakita ang dalawang bed na may isang metro ang distansiya. "Dalawa lang kayo ni Luna pero 'wag kayong mag-aalala at magkatabi lang tayo ng room. Next to this room is my room and don't hesitate to call me if you two need something. Dalawa rin kami doon." Tumango-tango siya habang inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Maganda at komportable ang silid kaya okay na siya. "And about the rules and regulations, bawal kayong lumabas ng apartment na walang kasama na matagal na rito." dugtong pa nitong sabi. Agad namang kumunot ang noo niyang tiningnan ang babae. Gusto niyang magtanong pero pinili na lang niyang manahimik. Baka naman gusto lang ng management na safety sila dahil bago pa lang sila rito sa bansa. Kahit naman known ang bansang Japan na crime free pero hindi pa rin naman sila nakasisiguro sa kaligtasan nila lalo na at isa silang Pilipina at bago lang dito. "Ate, bakit pala hindi na tumuloy sina Dolly, Mary at Karra rito?" tanong niya nang hindi na siya makatiis. Iyon talaga ang iniisip niya kanina pa. Alam niya kung gaano kagusto ni Dolly na pumunta rito para magtrabaho pero bakit ito tumakas sa airport at isinama pa sina Karra at Marry? "Well, I tell you later." nakangiting tugon lang nito sa kaniya. Pero may kakaiba sa ngiti nito na ni minsan ay hindi pa niya nakikita rito nang nandoon pa lang sila sa Pilipinas. Ewan, pero kinakabahan siya sa pwedeng sabihin nito sa kanila ni Luna. No. Hindi naman siguro sila ipapahamak ni ate Chona. Agad niyang ipinilig ang ulo para alisin ang masasamang iniisip niya tungkol sa babae. "Anyway, magpahinga na kayo. May welcome party sa inyong mga baguhan mamayang 6 ng gabi kaya babalikan ko kayo ng mga 5:30 ng hapon at dapat nakaligo na kayo para aayusan na lang kayo mamaya, okay?" nakangiti pa ring sabi ni ate Chona sa kanila ni Luna. Naguguluhan man sa pangyayari ay tumango-tango na lang sila. Pagkalabas ni ate Chona ng silid na uukupahin nila ay agad niyang hinarap si Luna na abala na sa pag-aayos ng gamit nito sa cabinet na naroon. "Hindi ka ba kinakabahan, Lu?" tanong niya sa dalaga. "Kinakabahan, pakiramdam ko hindi ko magugustuhan ang magiging trabaho natin dito," kunot din ang noong sagot nito sa kaniya kaya mas lalo lang din siyang kinakabahan. "Pero baka tayo lang ang nag-iisip ng hindi maganda." anito pa. Ngumiti siya pero nauwi lang din sa pag-ngiwi at marahang tumango rito. "Baka nga," sabi na lang niya. Pero hindi naman kasi niya maiwasan na mag-isip ng hindi maganda dahil sa mga ipinapakitang kilos ni ate Chona. Dagdagan pa na tumakas sina Dolly, Mary at Karra. Alam niyang may malalim na dahilan si Dolly kung bakit nito ginagawa iyon at kung ano man 'yon, iyon ang kailangan niyang paghandaan. Hindi pwedeng pumalpak ang pagpunta niya rito. Hindi pwedeng mauwi lang sa wala ang lahat dahil bahay at lupa, lalo na ang kalayaan ng Tatay Ernesto niya ang pwedeng mawala kapag totoo itong mga iniisip niya. Hindi na siya nakatulog at in-arrange na lang niya sa closet ang mga damit niya pagkatapos ay tumungo siya sa banyo at naligo. Hindi rin naman siya makatulog kung ganitong kinakabahan siya sa pwedeng malaman niya kung ano ang tunay nilang trabaho rito sa Japan. Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya ng banyo. Nagulat pa siya nang makita niya si ate Chona na bihis na bihis na. Si Luna ay kagigising lang at mukhang nagising lang ito dahil kay ate Chona. "Mabuti naman at nakaligo ka na, ikaw ang una kong aayosan," nakangiting sabi ni ate Chona. Napalunok pa siya at medyo nailang siya sa klase ng suot nitong damit o damit pa ba itong matatawag. She's wearing a white see-through lingerie. Kitang-kita na niya ang buong kaluluwa nito. Parang hindi na ito ang ate Chona na kilala niya. Maganda ito, yes lalo na at naka-make up at pulang lipstick ito pero ang sagwa talaga nitong tingnan sa suot nito. Para itong prostitute. Natigilan siya at agad na nanlaki ang mga mata niya sa naisip. "Hey, are you okay?" tanong nito pero umiling-iling siya. "A-Are you..." nauutal na sambit niya. Parang hindi niya kayang bigkasin ang salitang iyon. "Oh, you want to ask if I am a prostitute?" nakataas ang kilay na balik-tanong nito. "Yes, I am." malamig ang boses na dugtong nito. Malakas siyang napasinghap at agad na napaatras. "At kung itatanong mo rin kung iyon din ang magiging trabaho niyo ni Luna rito, then yes. You and Luna will work in a bar as an entertainer." Napailing-iling siya. "No!" sigaw niya pero tumawa lang ito. "You, b*tch. Akala ko napakabuti mo, akala ko hindi totoo lahat ng mga tsismis na naririnig ko sa mga taong nakakilala sa'yo, akala ko matino ka pero talagang nakakamatay talaga ang mga akala, ano?" sarkastikong sabi niya rito. Natahimik naman ito at mariin siyang tinititigan. "Then, shame on you, I fooled you. At wala ka ng magagawa dahil narito ka na, baby girl," napasinghap pa siya nang lapitan siya nito at hinawakan ang buhok niya. Agad siyang napaatras at matalim ang mga matang tiningnan niya ito. If looks could kill, siguro matagal na itong nakahandusay sa sahig at wala ng buhay. "Yes, naloko mo nga ako, pero hindi ako tanga para gayahin ka na lang. Whether you like it or not, I'm going home." aniya at mabilis na tinungo ang closet at binuksan iyon para ilabas lahat ng mga gamit niya. "Bakit? May pamasahe ka ba pauwi?" Natigilan siya at nahinto sa pag-iimpake. Wala nga siyang pera para pambili ng ticket pauwi ng Pilipinas. "Kung uuwi ka, paano na ang lupang gusto mong tubusin? And one more thing, baby girl, paano na ang tatay mo? Hahayaan mo na lang ba siyang makulong at mabulok sa kulungan habang buhay?" Para siyang sinuntok at agad na nanigas ang katawan sa mga pinagsasabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD