Chapter 7

2339 Words
PAGKABABA ni Amaiah mula sa eroplanong sinasakyan kasama si ate Chona ay agad niyang inilibot ang kaniyang paningin sa bagong lugar na ngayon pa lang niya napuntahan. Buong buhay niya ay bahay-eskwela lang ang routine niya sa Cebu. Hindi niya akalain na makakarating siya rito sa Metro Manila. Hindi niya inakala na makaya niyang iwan ang lugar kung saan siya ipinanganak at lumaki. Pero para sa kaniyang pamilya, lalong-lalo na sa Tatay niya ay gagawin niya ang lahat. Kaya mula sa araw na ito ay burahin niya sa bokabularyo niya ang salitang takot. “Let’s go, baka naghihintay na ang susundo sa atin,” ani ate Chona sa kaniya. “Susundo? May sundo tayo?” namamanghang tanong niya rito. Ngumiti naman ito, pagkuwan ay tumango. “Oo naman, kaya halika na.” Tumango naman siya at agad na kinuha ang mga gamit niya at sumunod dito. Namamanghang inilibot niya pa ang paningin sa loob ng NAIA. Mas lalo siyang namangha nang tuluyan na silang makalabas ng airport at nakita niya ang dagat ng mga tao na nag-uunahan sa pagsakay ng taxi. Mabuti na lang pala at may sundo sila kaya hindi na nila kailangan pang makipag-unahan sa pagpara sa mga dadaang taxi na siguradong ang mahal din ng pamashe. Wala pa naman siyang extra-money para doon. May pera naman siya pero kailangan niya iyong pagkasyahin hangga't makaalis sila ng Maynila. “Sabi na nga ba at nandito na ang sundo natin,” nakangiti pa ring sabi ni ate Chona sa kaniya. Nakita naman niyang may lumapit na isang middle age na lalaki kay ate Chona. Ito na yata ang susundo sa kanila. “Manong, kumusta?” bati kaagad ni ate Chona kaya alam niyang ito na nga ang susundo sa kanila. Mukhang close rin ito at si ate Chona. “Okay lang ako, Miss C. Ito na ba ang bagong recruit mo?” tanong ni Manong na hinagod pa siya ng tingin na ikinailang niya. “Ah, oo. Si Amaiah, Manong Rado,” pagpapakilala sa kaniya ni ate Chona doon sa lalaking sa tingin niya ay nasa late 40's na, pagkuwan ay siya naman ang binalingan ni ate Chona. “And baby girl, si Manong Rado. Siya ang driver ng agency natin.” Ah, kaya pala parang close na close ang mga ito. “Hello po,” aniya kay Manong Rado at tipid na ngumiti siya sa lalaki. “Oh, siya, hali na kayo at inip na inip na si Madam na makita itong bagong recruit mo,” ani Manong kay ate Chona at sinimulan na nitong pinasok ang mga gamit na dala nila sa baggage compartment ng mamahaling sasakyan na dala nito. Ang bongga pala ng agency na in-apply-an niya at may mamahalin pang kotse. Kunsabagay, kung ang agency nga ang nag-provide sa kaniyang pamasahe at lahat ng requirements, kotse pa kaya ang hindi ng mga ito ma-provide para sunduin sila? Kaya sana sa pakikipagsapalaran niya ay magiging maswerte siya. Napasimangot siya nang matagal na silang nakahinto sa gitna ng daan. Totoo nga ang kwento sa kaniya noon ni Jenina na grabe ang trapiko rito sa Metro Manila. Heto nga at mag-iisang-oras na silang nakahinto pero hindi pa rin sila umuusad. Napabuntonghinga siya nang maalala niya ang matalik na kaibigan. Kumusta na kaya ito? Isang buwan na ang lumipas mula nang dinala ito sa Greece ng totoong ama nito. Busy siya sa buhay kaya hindi na siya nakatawag dito para mangamusta. “Thanks God, umusad din sa wakas!” Narinig niyang bulalas ni ate Chona nang umusad na ang kotseng sinasakyan nila. Halata na sa mukha nito ang sobrang inis at bagot. Tatlong araw silang mananatili dito sa Maynila para sa kaniyang training. Unang araw nila ay sinanay sila kung paano magsasalita ng Nihonggo. Pangalawang araw naman nila ay sinanay naman sila sa pagsasayaw at pagkanta at iyon ang hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nilang matutong sumayaw at kumanta. “Ate, bakit kailangan kong matutong sumayaw, eh sa factory naman ako magtatrabaho doon sa Japan, hindi ba?” tanong niya kay ate Chona nang matiyempuhan niya ito. Ngayon ang huling araw nila sa pagte-training at bukas ng gabi ay tutuloy na sila papuntang Japan. “Oo nga, te,” sabat ni Mary, isa sa mga kasamahan niya na pupunta rin ng Japan. “Hindi sa nagrereklamo kami, ah, pero hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit kailangan pa namin na matutong sumayaw at kumanta kung hindi naman club ang pagtatrabahuan namin.” Matapang na dugtong pa ni Mary. Nakita naman niyang nagkamot ng ulo si ate Chona. “Ah,” anito na parang hindi alam kung ano ang isasagot. Medyo kinabahan tuloy siya. Hindi naman siguro siya niloloko nito dahil malinaw naman niyang binasa lahat ng mga papeles na pinirmahan niya na magtatrabaho siya bilang isa sa mga factory workers ng isang kompanya sa Japan. Kaya imposible naman siguro. “Hindi naman club ang papasukan naming trabaho, hindi ba ate Chona?” tanong din niya. “O-of course,” piyok ang boses na sagot nito at nagkamot na naman sa ulo. “Of course not. Kailangan lang ninyong mag-ensayo sa pagsasayaw at pagkanta para handa na kayo kung tatanungin kayo ng interviewer niyo kung ano ang mga talent niyo.” Marahang tumango-tango na lang si Mary at ang iba pang mga kasamahan nila maliban sa kaniya, pakiramdam niya may mali sa mga pinagsasabi ni ate Chona. Pero sa kaniya na lang iyon. Ayaw naman niyang ipagsabi sa mga kasamahan nila at baka mapag-initan pa siya ng manager ng agency nila. Napaka-istrikta pa naman n’yon, akala mo kung sinong maganda. Napailing na lang siya sa mga pinag-iisip niya. “Wala na ba kayong ibang tanong? Aalis na ako at mag-iimpake pa ng mga gamit ko.” ani ate Chona sa kanila. Nang sinabi nilang wala na ay lumabas na ito sa silid nila. Malaki ang silid at may limang bed na nakahanay kaya lima rin silang mga babae ang nandirito. So far, sa tatlong araw na nakasama niya ang mga ito ay mga mababait naman ang mga ito sa kaniya lalo na si Karra, ang bunso sa kanilang lima. Nagulat nga siya nang malaman niyang 19-year-old pa lang ito. “Ate, naniniwala ka ba sa sinasabi ni ate Chona?” tanong ni Karra kaya natigil siya sa ginagawang pagliligpit ng kaniyang mga gamit at tiningnan ito. “Bakit? Hindi ka ba naniniwala?” balik-tanong niya rito. Napasimangot na naupo naman ito sa gilid ng kama nito paharap sa kaniya. “Ewan, pero pakiramdam ko may mali sa mga pinagsasabi niya,” sagot nito. Napangiwi siya, akala niya siya lang ang may ganoong pakiramdam pero pati din pala ito. “Ako rin, kaya nga ako napatanong kanina, ‘di ba?” sabat naman ni Mary at naupo na rin sa tabi ni Karra. “Nah, kahit naman hindi maganda ang kutob natin, eh, hawak na nila tayo dahil malaki na ang nagastos nila sa atin, kaya kung ano man ang naghihintay sa atin na trabaho roon sa Japan, papatusin ko na.” ani naman ni Dolly. Sa kanilang lima, ito ang pinaka-wild mag-isip. Lagi nga itong pumupuslit sa gabi kapag tulog na ang lahat para mamamasyal dito. Hinayaan na lang din naman nila dahil hindi naman ito katulad ni Karra na kailangan pa ang gabay nilang mas nakakatanda rito. Sa palagay nga niya ay sanay na itong si Dolly na magliwaliw sa kalagitnaan ng gabi. Pero mabait naman ito sa kanila. Ito nga ang laging nagtatanggol sa kaniya kahit hindi naman kailangan kapag pinapagalitan siya ng instructor dahil ang lamya raw niyang sumayaw. Ordinaryo lang daw ang beauty niya at hindi pa matangkad kaya sana naman daw ay bumawi naman siya sa talent. Kayang-kaya naman niyang ipagtanggol ang sarili pero may pasensya pa naman siya kaya hinahayaan na lang muna niya ang babaeng iyon. “Ako rin,” si Luna. Nakahiga na ito sa kama nito at kanina pa nakikinig sa kanila. Pero mukhang hindi na ito nakatiis kaya nagsalita na rin. “Matindi kasi ang pangangailangan ko dahil may sakit ang anak ko kaya kailangan kong kumayod.” dugtong pa nitong sabi. Sa pagkakaalam niya ay taga-Negros Occidental si Luna. Napilitan lang din itong mag-abroad dahil sa matinding pangangailangan ng pera. Sila naman lahat dito ay gano’n ang dahilan kaya gustong magtrabaho sa Japan pero kung ihahambing niya ang problema niya sa problema ng babae ay mas malala ang problema nito. Kaya sana hindi lang sila niloloko ni ate Chona. “Ikaw Amaiah, bakit gusto mong magtrabaho sa Japan?” tanong ni Dolly sa kaniya kaya napatingin siya rito. Nasa harap na ito ng salamin habang naglalagay ng kolorete sa mukha. Kung sila ay naghahanda na para matulog, ito naman ay naghahanda na para gumala. “Oo nga ate, tingin ko naman sa’yo ay may pinag-aralan ka. Hindi gaya namin na hanggang high school lang ang natapos.” ani naman ni Karra. Bumuntonghininga siya at naupo na rin sa gilid ng kaniyang kama paharap sa mga ito. “Kagaya niyo, ay matindi rin ang pangangailangan ng pera ng pamilya ko,” aniya at itinago ang lungkot sa pamamagitan ng pagngiti niya ng tipid sa mga ito. "Nakasanla ang bahay at lupa namin sa Cebu at nanganganib na maremata at mawalan kami ng tirahan." Malamlam ang mga matang napatango-tango naman ang mga ito. Nakikisimpatiya rin sa kaniya. Marami pa silang napagkuwentuhan tungkol sa mga buhay-buhay nila sa probinsiya. Pagsapit ng alas nuwebe ng gabi ay nagpaalam na si Dolly. Sila naman ay natulog na rin. Alam naman ni Dolly kung saan ito dadaan pag-uwi nito. Kinabukasan ay maaga silang nagising lahat. Nag-umagahan lang sila, then nagsimula naman ang training nila. Pagsapit ng alas singko ng hapon ay ready na silang lahat para aalis na papuntang Japan. “Dolly, okay ka lang?” untag niya sa babae. Mula kaninang umaga ay tahimik lang ito habang nagpa-practice sila ng pagsasayaw. Lagi itong tulala na parang may malalim na iniisip. Madalas din itong nakatingin kay Karra at Mary. Nasa sala na sila ng malaking bahay. Naghihintay na sunduin sila ni Manong Rado papuntang airport. Inuna kasi nitong ihatid ang kabilang grupo. “O-Oo naman,” anito at tipid na ngumiti pa sa kaniya. Hindi niya alam kung totoo ba ang nakita niya o pagtingin lang niya iyon dito. May nakita kasi siyang takot na dumaan sa mga mata nito. “Okay, napapansin ko kasi na lagi kang wala sa sarili mula pa kaninang umaga.” “Uh, napuyat lang ako sa pagliwaliw kagabi, kaya ito sobrang bangag.” anito at binuntutan pa nito ng mahinang tawa kaya napangiti na lang siya at tumango-tango. Kunsabagy, nang magising siya kagabi ng 11 p.m ay wala pa ito. Nakatulog na lang din siya ulit pero hindi pa ito dumating. “Ate, nakita mo ba si ate Chona?” tanong sa kaniya ni Karra. Isa rin ang babaeng iyon, mula pa kaninang umaga ay hindi na niya ito nakita. “Nauna siyang bumiyahe papuntang Japan. Tinawagan ako kagabi ng amo niya na mauna na raw ito dahil kailangan na ito roon.” Sabat sa kanila ni Madam Feng. Nagulat pa nga siya at hindi man lang nila namalayan na nandito na pala ito. Napabuntonghiningang tumango-tango na lang siya. Akala pa naman niya ay magkasama pa rin sila nito papuntang Japan. Pero naiintindihan naman niya iyon. Pagdating ni Manong Rado ay agad na silang sumakay sa van na dala nito. Nagulat na naman siya na sumakay rin si Madam Feng ng sasakyan. “Well, gusto ko lang siguraduhin na makakarating talaga kayo sa airport. You know, baka may magloko,” sabi nito habang ang mga mata ay nakatingin kay Dolly. Kita naman niyang umirap si Dolly, hindi man lang natakot kahit nakikita iyon ni Madam Feng. Hindi siya bobo para hindi makaramdam na may kakaibang nangyayari. Nag-away ba ang mga ito at hindi lang nila alam? Ito kaya ang dahilan kung bakit tulala at laging may malalim na iniisip si Dolly? Tahimik lang silang lahat. Mukhang nagpapakiramdaman lang. Kung wala lang itong si Madam Feng ay baka sobrang ingay na nila. Hanggang sa makarating sila ng NAIA. Saka lang sila naging maingay nang makapasok na sila sa loob ng NAIA at wala na si Madam Feng dahil hindi naman ito pwedeng pumasok dahil hindi naman ito kasali at wala itong ticket. “Sinong sasama sa akin mag-banyo?” tanong ni Dolly, hindi pa man sila nakaupo sa may bleachers na naroon sa waiting area. “Ako ate,” ani Karra na ikinangiti ni Dolly. “Ikaw Amaiah?” baling nito sa kaniya. Umiling naman siya dahil hindi naman siya naiihi o ano. Ganoon din si Luna at Mary. “Ay naku, Mary, sumama ka na sa akin na mag-banyo. Aayusin natin iyang hitsura mo para naman maganda ka pagka-touch na pagka-touch natin sa Japan.” sabi pa ni Dolly kay Mary. Hindi na rin nakahuma ang babae nang hawakan ito sa pulsuhan ng una at hinila na papuntang banyo. Natatawa na lang sila ni Luna na sinundan ng tingin ang mga ito. Narinig pa nila ang panay na pagprotesta ni Mary pero wala na itong magawa dahil hila-hila na ito ni Dolly. Pero dumaan na lang ang isang oras ay hindi pa ang mga ito bumalik. Pangalawang beses na rin nilang narinig ni Luna ang flight number ng eroplanong sasakyan nila papuntang Japan. “Mauna na lang tayo, Amaiah baka susunod na lang ang mga iyon,” ani Luna sa kaniya. At first, she was hesitant pero pumayag na lang din siya. Pero nag-aalala talaga siya sa tatlo. Bakit hindi na ang mga ito bumalik? May nangyari kaya sa mga ito? Napailing-iling siya. Hindi. Wala naman siguro. Nasa loob na sila ng eroplano at panay ang sulyap niya sa may entrance ng eroplano kung pumasok na ba sila Dolly pero isinara na lang ng crew ang entrance ng airplane ay hindi pa rin ang mga ito pumasok. Napapikit siya at isinandal ang ulo ang headrest ng upuan. Mukhang nagbago na ang isip ng mga ito, pero bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD