Chapter 6

1367 Words
“NAY,” sambit ni Amaiah at inisang hakbang niya ang kaniyang Nanay Lupe at yumakap dito nang mahigpit. Ngayon ang araw ng pag-alis niya papuntang Maynila. Ito ang unang araw na mawalay siya ng sobrang tagal dito. “Ano bang kadramahan iyan, Amaiah,” sita nito sa kaniya na nabigla yata sa ginawa niya. Pero kalaunan ay yumakap din naman ito sa kaniya kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. Kahit lagi siya nitong pinapagalitan at pinupuna ang mga kapalpakang ginagawa niya pero alam niya na mahal siya ng kaniyang Nanay Lupe. "Mami-miss ko kayo ni Tatay, Nay." pigil ang emosyong sambit niya. Sobrang mami-miss talaga niya ang mga ito. Dalawang taon ang pinirmahan niyang kontrata kaya dalawang taon din siyang magtitiis sa pangungulilang nararamdaman niya sa parents niya. “Oh, siya tama na nga ito,” anito at marahan siyang itinulak paalis mula sa pagkakayakap dito. “Nagugutom na ako, may pagkain na ba? Ano bang ulam ang niluto mo?” sunud-sunod na tanong nito habang tinitingnan ang mga nakahaing pagkain sa hapag, pagkuwan ay naghila ito ng upuan at naupo na roon. Malungkot na nakatingin lang siya sa kaniyang ina. Alam niya na kahit ganiyan katigas ang puso ng Nanay niya pero mahal na mahal sila nito ng ate Gemini niya. Kahit na madalas na ikinukumpara siya sa ate niya pero alam niyang mahal siya nito, siguro gano'n lang talaga ito at tanggap na niya ang ugaling iyon ng Nanay niya. “Oh, ano pa ang hinihintay mo? Kumain ka na at ng makaalis ka na.” Untag nito sa kaniya nang makita siya nitong hindi man lang natinag sa kaniyang kinatatayuan at nakatingin lang siya rito. Marahang tumango lang siya at agad na hinila niya ang upuan na nasa tapat nito. Akmang uupo na sana siya nang dumating ang Tatay Ernesto niya na may dalang bayong na puno ng mga pinamamalengke nito. Agad niya itong nilapitan at kinuha niya ang dala nitong bayong at nagmano rito. “Kaawaan ka ng Diyos, Anak.” anito sa kaniya, pagkuwan ay malamlam ang mga matang tumingin kay Nanay. “Tsk. Aalis na ako, Amaiah.” Narinig niyang sabi ng kaniyang Nanay at padarag na tumayo. “Mag-ingat ka doon sa Maynila. Tumawag ka kung nasa Japan ka na at ‘wag mong kakalimutang magpadala ng pera nang matubos na natin itong bahay at lupa.” anito pa at naglakad na palabas ng kusina. "Sige po," aniya rito. “At isa pa, ‘wag kang tutulad d’yan sa Tatay mong magnanakaw.” Dugtong pa nitong sabi bago tuluyang lumabas ng kusina. Napakurap siya at kagat ang pang-ibabang labing napatingin siya sa kaniyang ama na nakatingin lang kay Nanay. Nasasaktan siya sa mga sinasabi ng kaniyang ina sa tatay niya. She sighed. She knows what her father did was not really good and it's not easy to forgive but they are family, aren't they? At ang pamilya ay dapat na nagtutulungan para malutas ang problema nila instead na magsasakitan. She sighed again and look at her father. “Tay,” tawag niya rito. “Sorry, sana pagpasensyahan niyo na lang si Nanay.” Umiling lang ito, pagkuwan ay tumango. “Ngayon ka na pala aalis,” pag-iiba nito sa usapan. Tumango-tango naman siya. Nagulat pa siya nang yakapin siya nito ng sobrang higpit. Hindi niya alam pero biglang nagsisikip ang dibdib niya. Pakiramdam niya ito na ang huling beses na mayakap niya ang kaniyang Tatay Ernesto. "Sorry, anak. Hindi ako magsasawang humingi sa'yo ng sorry. Sa inyo ng Nanay mo. Nang dahil sa ginawa ko ay nadagdagan ang problema natin at aalis ka pa ng bansa dahil doon." Naiiyak na umiling-iling siya. Kahit naman hindi ito nagnakaw ay may balak na talaga siyang sumama kay ate Chona. "Hindi naman po dahil sa ginawa niyo ay aalis ako, Tay. Aalis ako dahil gusto kong makatulong sa inyo." aniya. "At dumagdag pa ang ginawa ko..." puno ng pagsisising sabi nito sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tinititigan niya ang mukha ng ama. "H'wag na kayong mag-isip pa ng kung anu-ano, Tay. Basta malalampasan natin ito, okay?" puno ng determinasyong sabi niya sa ama. Matagal naman itong tumitig sa mga mata niya na tila ba hinahanap nito sa mga mata niya ang kasiguraduhan. "Proud ako sa'yo, Anak. Iyan ang tatandaan mo, ha?" Naluluhang napatango naman siya at napayakap dito ulit. Matapos nilang mag-agahan ng Tatay niya ay naghahanda na siya sa pag-alis. Sa airport na raw kasi sila magkikita ni ate Chona kaya doon na siya didiretso. “Mag-iingat ka doon, anak, huh? Kapag may pagkakataon ka, tawagan mo kami ng Nanay mo.” Bilin sa kaniya ng Tatay Ernesto niya. Nasa labas na sila ng airport at hinihintay na lang niya si ate Chona na dumating para sabay na silang papasok sa loob. “Opo, Tay. Kayo rin ni Nanay mag-iingat kayo rito. At saka sana pagbalik ko okay na kayo ni Nanay.” aniya. Naiiyak na niyakap naman siya nito. “Mahal na mahal ko kayo ng Nanay mo, Amaiah. Kaya ipapangako ko na magkakaayos din kami ng Nanay mo. ‘Wag mo na kaming alalahanin dito." Pagkarating ni ate Chona ay sakto naman na tinawag na ang flight number ng eroplanong sasakyan nila. Papasok na sila sa loob ng airport nang may mahagip ang kaniyang mga mata. Natigil pa siya para tingnan niya ng mabuti kung ang lalaking siyang nabangga niya kahapon ay ang lalaking kakababa lang ng isang itim at mamahaling sasakyan. Her heart pummeled when she recognized the man. Ito nga ang lalaking nabangga niya kahapon sa Paterson’s Winery building. Nakasuot ito ng uniporme ng isang piloto. Nakasuot din ito ng makapal na shades kaya hindi niya makita ang kulay berde nitong mga mata at nakaramdam siya ng panghihinayang doon. Para itong haring naglakad papasok sa loob ng Mactan-Cebu International Airport. Nakita pa niyang lahat ng mga taong nadadaanan nito, lalong-lalo na ang mga babae ay napapasunod ng tingin sa lalaki. Nakita rin niyang yumuko rito ang gwardiya na nagbabantay sa may entrance ng airport. “Wow! He’s amazingly gorgeous!” Narinig niyang impit na tili ni ate Chona kaya napatingin siya rito. Puno ng paghangang sinusundan nito ng tingin ang lalaki. “Damn! Mukhang siya na yata ang itinadhana para sa akin,” nangangarap na sabi pa ni ate Chona. “Oh, my heart! Sana siya ang magiging piloto natin.” Narinig niyang sambit nang isa pang babae. Nakahawak pa ito sa tapat ng dibdib nito habang nakatingin sa kung saan dumaan iyong lalaki. Bayolente siyang napalunok nang tila may nararamdaman siyang kunting panibugho sa iniwang reaksyon ng lalaking iyon sa mga babae. Hanggang sa makasakay na sila ni ate Chona ng eroplano ay bukambibig pa rin nito iyong lalaki. Sinubukan pa nitong hanapin ang lalaki sa f*******: pero hindi naman nito iyon mahanap dahil hindi naman nito alam kung ano ang pangalan noon. Sinubukan din nitong tanungin kanina iyong guard pero sinabi lang nang guard na bawal daw ang mga itong i-disclosed ang information ng piloto nila. “Ladies and gentlemen, the captain has turned on the Fasten Seat Belt sign…” nang marinig nila ang announcement ay agad niyang inayos ang kaniyang seatbelt. Gano’n din si ate Chona pero panay naman ang talak nito. “Pambihira naman kasi iyong guard na iyon. Bakit ayaw pa nitong sabihin kung sino iyong gwapong piloto na iyon.” “Hayaan mo na, te. Kung siya talaga ang itinadhana para sa’yo, for sure makilala mo rin iyon,” aniya na lang dito para matigil na ito. Pinagtitinginan na kasi sila ng ibang mga pasahero dahil medyo malakas ang boses ni ate Chona. “Well, tama ka baby girl,” anito at ngumiti pa sa kaniya. “Pero hindi talaga ako titigil hangga’t hindi makilala ang gwapong piloto na iyon. By hook or by crook.” Puno ng determinasyong sabi nito bago tumahimik. Naiiling na lang siyang isinandal niya ang ulo sa may headrest ng upuan. Malalim siyang napabuntonghininga bago ipinikit niya ang mga mata. Kinakabahan siya sa magiging sitwasyon niya kung nasa Japan na siya. Ano kayang kapalaran ang maghihintay sa kaniya sa bansang iyon? Sana rin magkakaayos na ang kaniyang Nanay at Tatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD