Chapter 5

2305 Words
“WHY ARE YOU DOING THIS TO ME, DAD?” inis na tanong ni Brant sa kaniyang abuelo. Napasugod siya rito sa Cebu branch ng Paterson's Winery dahil sa ginawa nitong pag-block sa lahat ng bank accounts niya. “Because you’re still irresponsible, Brant. Hindi ka na bumabata para magliwaliw sa kung saan-saan na parang walang plano sa buhay.” Maawtoridad ang boses na sagot nito sa kaniya. Nagtagis ang bagang niya at nag-iwas ng tingin dito. He’s 27 now, at hindi na nga siya bata para pakialaman pa nito kung ano ang mga gusto niyang gawin sa buhay. He is a b*stard grandson of George Paterson but also his only grandson. Anak siya ng kaisa-isa nitong anak na si Benjamin Paterson at ng kaniyang inang si Cadessa, ang ex-girlfriend ng kaniyang ama. Pero usap-usapan noon na minahal ni Papa ang kaniyang Mama at siya sanang pakasalan pero hindi nagustuhan ng kaniyang abuela ang kaniyang ina kaya pilit ang mga itong pinaghihiwalay at ipinakasal ang kaniyang ama sa babaeng gusto ng kaniyang abuela. Hindi alam ng mga ito na nagdadalantao na ang kaniyang ina. Limang taon siya noon nang mapilitan siyang lumapit sa mga Paterson para humingi ng tulong dahil may sakit ang kaniyang ina. Agad din naman siyang tinulungan ng kaniyang abuelo dahil naniniwala ito na apo nga siya nito at isa talaga siyang Paterson. Napakabuti kasi nito except kay abuela na hindi naniniwala hangga’t hindi lumabas ang DNA test na isinagawa ng mga ito. Sa tulong ni abuelo ay nadugtungan ang buhay ng kaniyang ina pero isang taon lang din iyon dahil bumalik ang sakit nitong cancer at wala ng nagawa ang mga doctor. Anim na taon siya nang tumira siya sa mga Paterson. Spoiled siya sa kaniyang abuelo kaya mas malapit ang loob niya rito. He even called him Daddy. Papa naman ang tawag niya sa kaniyang tunay na ama. Hindi siya tanggap ng asawa nito kaya sa kaniyang abuelo at abuela siya nakatira. “I have a plan, Dad but not today or tomorrow.” sagot niya sa kaniyang abuelo. May plano naman talaga siya sa buhay. He is a pilot at malaki rin naman ang kaniyang sahod pero iniipon naman niya iyon para makapagpatayo siya ng restaurant. Kaya kailangan niya ang allowance nito para hindi mabawasan iyong iniipon niyang pera galing sa kaniyang sahod. Gusto kasi niyang maipatayo ang dream restaurant ng kaniyang ina sa sarili niyang pera. Ayaw niyang makarinig na naman ng panunumbat mula kay abuela na lingid naman sa kaalaman ni abuelo. “So, when is that, Brant? Kung kailan wala na ako?” anito na ikinakunot ng noo niya. “What are---” “Excuse me, Sir. Mr. and Mrs. Elizalde have arrived, and they are already inside the conference room.” Narinig nilang sabi ng secretary nito kaya natigil siya sa sasabihin pa sana niya. “Tell them I’ll be there in a minute, Miss Vera.” sagot ni abuelo sa secretary nito, pagkuwan ay muli siya nitong hinarap at nagpakawala ng malalim na hininga. “Grow up, son,” anito pa bago tumayo kaya nakuyom na lang niya ang kaniyang mga kamay. “Daddy---” “Hangga’t hindi mo tatanggapin ang posisyon mo sa emperyong ito, hindi ko bubuksan ulit ang mga bank accounts mo,” putol nito sa sasabihin pa sana niya, pagkuwan ay naglakad na ito palabas ng opisina nito. Leaving him devastated. “F*ck!” malakas na mura niya at naglakad na rin palabas ng opisina nito. Kaya naman niyang tanggapin ang posisyon nito kung ibibigay naman nito iyon sa kaniya nang hindi na niya kailangang magpakasal pa. And the word marriage is not in his vocabulary. “Sir, aalis na po kayo?” Vera asked, ang secretary ni abuelo kaya napatingin siya sa babae. Isa rin ito sa mga babaeng nahumaling sa kaniyang hitsura at lantaran nitong ipinapakita sa kaniya na gusto siya nito. Maganda ito, matangkad, maganda ang hubog ng katawan at matalino. Mga tipong hinahanap niya sa isang babae pero wala siyang balak na patulan ito lalo pa at nagtatrabaho ito sa kompanya ni abuelo. Baka hindi lang bank accounts niya ang i-freeze ng matanda kapag ginawa niya iyon. He is known as a playboy. Basta maganda at pasok sa standards niya ay pinapakialaman niya pero nililinaw naman niya sa mga babaeng iyon na katawan lang talaga niya ang makukuha ng mga ito sa kaniya. Isang beses lang din niyang ipinagkaloob ang katawan niya sa mga babaeng iyon at hindi na talaga iyon mauulit pa. As they said, sharing is caring and they lust his body and love his face so why not share it in just one night, right? But this woman in front of him is an exemption. Hindi pa siya baliw para patulan ito dahil alam niyang hindi lang hitsura at katawan niya ang gusto nito kundi alam niyang lagi siya nitong inaakit dahil sa pera at mana na matatanggap niya. “Yes,” tipid at walang kangiti-ngiting sagot niya. He can see lust in her chocolate brown eyes. “How about coffee, Sir? Or if you want, we can make---” “Just do your job, as my grandfather's secretary, Miss. Not the other way around.” putol niya sa sasabihin pa sana nito. “You're not a prostitute, are you?” maanghang na dugtong pa niya na ikinalaki ng mga mata nito. Hindi yata nito inaasahan na sasabihin niya iyon dito. He knew that what he said to her was below the belt, but he can be cruel sometimes when he was pissed. Iiling-iling na iniwan niya ito at mabilis niyang tinungo ang private lift. He hit the ground floor. Pupuntahan na lang muna niya ang kaniyang Tiya Carly. Kapatid ito kaniyang Mama Cadessa na ipinasok din ni abuelo bilang head ng mga janitress dito sa kumpanya. Nang bumukas ang lift, hudyat na nasa ground floor na siya ay agad siyang lumabas mula sa lift at tinungo ang pasilyo papunta sa quarter na madalas tambayan ni Tiya Carly. “Damn!” malakas na mura niya nang may bumangga sa kaniya. Mabuti na lang at mabilis niya itong nahawakan kaya naagapan ang pagkatumba nito. She’s petite, beautiful but her beauty is too ordinary for his like. “Miss are you okay?” tanong niya sa babae. Binitawan na rin niya ito. Pero agad na kumunot ang noo niya at nag-iisang linya ang mga kilay nang nakatulalang nakatitig lang ito sa kaniya. "Miss? Are you hurt?" tanong pa niya ulit pero parang tangang umiling-iling lang ito kaya binitiwan na niya ito at umiling-iling. “Damn, woman you’re wasting my time.” Inis na sambit niya at agad na itong tinalikuran. Nang makarating siya sa quarter ng mga janitress ay agad na nagsitayuan at yuumuko ang mga janitress na naabutan niyang nagpapahinga. “Good morning, Sir.” Sabay-sabay rin na bati ng mga ito sa kaniya. Kilala na siya ng mga ito dahil hindi naman ito ang unang beses na nagpunta siya rito para bisitahin si Tiya Carly. Tumango lang siya at hinanap ng mga mata niya ang kaniyang tiyahin pero wala ito rito. “Si Miss Carly po ba ang hinahanap niyo, Sir?” lakas loob na tanong ng isang janitress sa kaniya. Nanatili pa rin ang mga ito na nakatayo. Kita niya sa mga hitsura ng mga ito ang pagkailang sa presensya niya. “Yeah, where is she?” tanong niya. “Nasa comfort room pa siya, Sir. Sandali, maupo na muna kayo,” ani ng isang janitress na sa tingin niya ay hindi nalalayo ang edad sa kaniyang Tiya Carly. His Tiya Carly is an old maid. Ayaw nitong mag-asawa sa anumang dahilan ay hindi niya alam. Pero may pakiramdam siya na takot lang itong masaktan dahil sa nangyari sa mga magulang at sa kapatid nito, which is ang kaniyang Mama. Nagmahal pero nasaktan lang din. Panganay si Tiya Carly sa tatlong magkakapatid, pangalawa ang kaniyang Mama Cadessa at bunso naman si Tiyo Roger. Si Tiyo Roger naman ay noong isang taon lang nag-asawa at nasa Davao na ito nakatira ngayon dahil taga-roon ang napapangasawa nito. Bata pa lang ang mga ito nang iwan ang mga ito ni Lolo Cardo dahil sumama sa ibang babae at maagang namulat sa isang responsibilidad si Tiya Carly. Kaya sa tingin niya ay takot lang ang kaniyang Tiya Carly na magkaroon ng karelasyon dahil nasa isip nito na sa huli ay iiwan lang din ito. Napabuntonghiningang nagtungo na lang siya sa malaking couch na naroon at naupo. At bago pa man siya mainip ay dumating na ang kaniyang Tiya Carly. “Hijo,” nakangiting sambit nito. Tumayo siya at nagmano rito. “May problema ka ba?’’ tanong nito at pinagmasdan ang mukha niya. He sighed at inalalayan itong maupo sa may couch. Natawa naman ito. “Ikaw na bata ka, hindi pa ako ganoon ka tanda para alalayan mo,” nakangiting sita nito sa kaniya pero nagpapaalalay naman na ikinangiti na lang niya. Nang makaupo na ito ay tumabi rin siya sa pag-upo rito. “It's Mama’s death anniversary tomorrow, remember?” aniya. Napatango-tango naman ito, pagkuwan ay ngumiti. Pero may ngiti man na nakapaskil sa mga labi nito, ngunit makikita naman sa mga mata nito kung ano ang tunay nitong nararamdaman. Alam niya na kung ano man ang nararamdaman niya sa tuwing sasapit ang death anniversary ng Mama niya ay ganoon din ito. Pangungulila, iyon ang nararamdaman niya kahit ilang taon na ang nakalipas nang mawala ang kaniyang ina. “At ano’ng plano mo?” tanong naman nito at malamlam ang mga matang tinititigan siya. “It’s still the same as previous years how we celebrate, Tiya.” aniya. Tumango naman ito, pagkuwan ay kinabig siya para mayakap. Malalim na bumuntonghininga siya at niyakap din niya ito ng mahigpit. He misses his Mama so much, every day. Kaya siya hindi mapirmi sa isang lugar dahil tinutupad lang niya ang mga pangarap nila noon ng kaniyang ina. At iyon ay ang malibot nilang dalawa ang buong mundo. Umuuwi lang siya ng Pilipinas at mag-stay ng ilang araw dito sa Cebu kapag birthday ni Mama Cadessa at death anniversary nito. Minsan umuuwi rin siya kapag birthday ni Tiya Carly pero hindi rin siya magtatagal at aalis na naman. Ginawa lang niyang excuse ang pagiging piloto niya para makapunta kahit saan mang bansa. Nakikipag-usap pa siya kay Tiya Carly ng ilang minuto, pagkuwan ay nagpaalam din siya. Dumiretso siya sa bar ni Craigh. Gusto muna niyang magpapakalunod sa alak para maibsan man lang ang sama ng loob niya sa kaniyang abuelo at makalimutan din niya sandali ang pangungulila niya sa kaniyang ina. “Hey, what’s up!” bati niya sa kaibigang si Matthew Craigh De Sandiego at naupo sa isa sa mga high stool na naroon sa prestige bar nito dito sa Cebu. Maswerte rin yata siya ngayon dahil narito ito. Minsan lang kasi itong magawi rito sa branch na ito. Craigh only glanced at him and smirked. He’s busy mixing a cocktail drink. “What do you want?” tanong nito na ang mga mata ay nasa ginagawa. “The hardest one,” aniya. Nakita naman niyang natigilan ito at sandali pa siyang sinulyapan. Pagkuwan ay tumango rin naman at tinawag ang isa pang bartender. Mukhang nakuha kaagad nito kung bakit siya magpapakalasing. “Give him the hardest liquor we can offer here,” anito nang makalapit na rito ang isang bartender. “Where are the others anyway?” tanong nito at pinagpatuloy na ang ginagawa. “They are busy---” “And who’s busy, Paterson?” Agad naman siyang napalingon nang marinig niya ang boses ni El Greco. And there he saw his friends, Edward Marco El Greco, and Atty. Damon Phoenix Del Fierro. Agad na kumunot ang noo niya. Nakauwi na pala ng Pilipinas itong si Del Fierro at pumunta pa talaga ang mga ito rito sa Cebu. They give him a fist bump, pagkuwan ay tumabi ang mga ito sa pag-upo sa kaniya kaya ngayon ay napagitnaan siya ng dalawa. "Do you think, we will miss this night before Tita Cadessa's death anniversary?" ani Edward at naupo ito sa katabing high stool kung saan siya nakaupo. "Thanks brute." aniya. Mula nang malaman ng mga ito kung gaano siya kamiserable tuwing pasapit na ang death anniversary ng Mama niya ay lagi na lang ang mga itong sumusulpot bigla kahit hindi naman niya ang mga ito sinasabihan. Nang mai-served ang order niya ay tahimik na siyang umiinom kasama ang dalawa na mukhang kagaya niya ay may mga problema rin. Well, he knew Del Fierro’s problem, namomoroblema ito kung paano nito mapaparusahan ang pumatay sa kinakapatid nito. As per El Greco, hindi niya alam. “I heard you pretended as a husband to your stepbrother's wife, Del Fierro.” aniya sa kaibigan. He tsked and grinned. “How was it? Did you enjoy her company?” nanunukso ang boses na tanong niya. “Quit it, Paterson. Ginagawa ko ito para---” “Nah, you’re ruthless and merciless inside the court, Del Fierro.” Putol niya sa pangangatwiran pa nito. “At sa kaso ng kinakapatid mo ay mani lang iyon para sa’yo kaya alam kong may iba ka pang agenda.” Natahimik naman ito. He knew it! Napailing na lang siya. Narinig naman niyang mahinang tumawa si El Greco. “I agree,” si Craigh. Tapos na ito sa ginagawa at nakaupo na ito sa harap nilang tatlo. “Well, whatever it is, Attorney. Let's chairs to that.” dugtong pa ni Craigh at dinampot ang wine glass nito at itinaas. Ginaya naman nila ito at pinagpingki ang mga baso nilang apat, pagkuwan ay sabay-sabay na tinungga ang mga laman ng baso nila. He smirked. Kung ano man ang agenda nitong kaibigan niya ay alam naman niyang hindi ito gagawa ng hakbang nang hindi nito pinag-iisipan ng mabuti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD