KABANATA 35 Hirap sa paghinga ang gumising sa'kin, ramdam ko kasing may nakadagan sa'kin at may pumulubot na kamay sa beywang ko kaya di ako makagalaw at makahinga. Minulat ko ang aking mga mata at malaki ang pagkagulat ko ng napansin ko ang lalaking nakadagan sa'kin na walang saplot. Mas nagulat pa ako ng namukhaan ko iyon. It was Rejgid. So! Totoo pala ang nangyari kagabi. May nangyari sa'min. Ano ba ang iniisip ko at binigay ko iyon sa kanya. Napatingin ako sa mukha niya ng umungol ito at bahagya siyang gumalaw kaya nakagawa ako nang pagkakataon na maitulak siya ng dahan dahan, buti nalang nakisabay siya sa pagtulak ko pero nakapikit parin. Ngunit may nararamdaman akong kakaiba sa gitna ko, para kasing may nahugot mula doon. Kaya napaungol ako ng kunti at nag react na naman ang kal

