Unang Kita
PROLONGUE
Aleng Siti si ate ho nasan?"
Tanong ng isang dalagita sa kanilang katulong na kung saan ay nagdidilig ng halaman. Kakarating pa lamang niya galing sa eskwela. Grade 12 na siya sa taong ito sa kursong ICT, at labing walong taong gulang na.
"Nasa library iha. Kasama ang mga kaklase niya"
Sagot ng matanda sa tanong ni Gigi. Nagulat pa siya dahil ngayon lang niya naulingang nagdala ang kanyang ate ng kaklase sa kanilang bahay.
College na ang kanyang ate, 2nd year student sa kursong Business Management.
"Si papa ho?"
Tanong niya muli sa matanda.
"Umalis, kanina lang. Pagkarating ni Ate Rosan mo, umalis siya kaagad"
Nalungkot ang dalagita sa kanyang narinig, di niya palagi maabutan ang kanyang ama. Ramdam niyang di siya gusto nito simulat sapol alam na niya.
"Sige ho aleng Siti punta lang ako kay ate"
Paalam ng dalagita sa matanda na hanggang ngayon ay nagpatuloy sa ginagawa.
"Sige sige iha. Kung nagugutom kana pumunta kalang sa kusina may hinanda na ako don. At kung gusto mo namang may ibang kainin sabihin mo lang sa akin at ng maluto ko pagkatapos nito"
Pahabol ng matanda sa dalagita.
"Sandwich na lang ho aleng Siti"
Saad ng dalagita bago pumasok ng bahay. Malaki ang kanilang bahay na may dalawang palapag di naman kinaiilang mayaman ang kanilang pamilya. Nagpatuloy siya sa pag-akyat patungo sa library kung nasaan ang kanyang ate. Magpatulong kasi siya sa kanyang takdang aralin sa Math. Ang subject na pinaka ayaw niya. Close naman siya sa kanyang ate ngunit di gaano ka close dahil feeling padin niyang may space pa sa kanilang dalawa.
"Ate?"
Tawag niya sa kanyang ate pagkapasok niya sa loob ng library nila. Pagkapasok niya di niya nahagilap ang kanyang ate kundi ang isang lalaking bago lang sa kanya.
"Kapatid kaba ni Rosan?"
Malalim na tanong ng lalaki. Di alam ng dalagita kung bakit siya kinabahan sa mga tingin ng binata. At kumabog ng malakas ang puso niya. Ngayon lang niya iyon nararamdaman sa lalaking ngayon lang niya nasilayan kung saan may malalim na mga mata ngunit magandang pagmasdam, perpektong mukha, katamtaman ang puti matangos ang ilong at may magandang hugis ng labi.
"Oh Gigi andito kana pala?"
Naalimpungatan lang ang dalagita ng narinig ang boses ng kanyang ate.
"Ano kailangan mo't naparito ka?"
Tanong ng ate Rosan niya. Hinahanap pa niya ang kanyang hininga na kanina pa hinahanap.
"A-h m-agpapatulong lang sana ako ate, ngunit busy ka pala" Utal niyang sagot sa kanyang ate.
"Ganun ba ano iyon at ng matulungan kita pagkatapos nito?"
"A-ah wag na ate, kaya ko lang naman at syaka busy ka pa"
"Sige ikaw bahala"
Sagot ng ate niya. At umupo muli sa upuan kung saan kaharap ang lalaki.
Di mapahinto ng dalagita ang t***k ng kanyang dibdib at di matingnan muli ang mukha ng lalaki dahil sa kabog ng kanyang dibdib, di mahanap ang sarili at umaapaw ang panginginig. Napangiti siya sa kanyang sarili ng napagtanto niya na siyang umiibig sa lalaking ngayon lang nahagilap ng kanyang titig.
"Tama na siguro ito Rejgid!"
Ngunit ang ngiti na iyon ay biglang naglaho ng nasilayan niya muli mula sa malayo ang titig na iba ang pinahiwatig na ang lalaking kanyang iniibig ay umiibig sa kanyang nakakatandang kapatid.