Cake

1232 Words
Chapter 1 "Congrats sis, graduate kana" Bati ni ate Rosan sa akin. Marso ngayon at araw ng aking pagtatapos sa Senior High. May gantimpala naman akong natanggap bilang nangunguna sa klase may nakuha din akong best in award except sa Math. Alam niyo namang mahina ako don, diba? haha. "Regalo ko pala at syaka kay papa" Saad ni ate at inabot ang regalo niya. Nalungkot naman ako ng wala si papa. Wala nga siya sa graduation ko eh, si lola lang ang naghatid sa akin. "Sorry sis huh, if wala ako sa graduation mo, alam mo namang may exam ako. At syaka si papa ay may business meeting. Di pa siya makakauwi ngayon siguro mga tatlong araw pa" Saad niya sa akin. "San pala si lola, nauna kasi yon sa akin? Iniwan ako don." Tanong ko kay ate. Nawala kasi si lola kanina. " Nasa kusina. Tara" Sagot niya. Tapos dinala ako sa kusina. Di parin mawala ang lungkot ko. Graduation ko ngayon pero walang saya akong naramdaman, laging kulang. Pagkarating namin sa kusina wala si lola don. May pagkain naman, pero ang tahimik. "Akala ko ba nandito si lol-" Di ko na natapos ang tanong ko kay ate ng may narinig akong boses. Madami sila di ko sila mamukhaan. "Congratulations!" Bungad nila habang nakangiti sa akin. "Mag celebrate tayo ngayon sis. Alam kong wala dito ang mga friends mo dahil nag celebrate din sila. kaya inivite ko ang mga friends ko sa college. By the way siya ang sister ko si Gizia. Kayo na lang ang magpakilala sa kanya ang dami niyo kasi. Hehe " Ngiti ni ate sa akin pati ang mga friends niya. Mga friends niya pala to. Pero ang di alam ni ate na wala akong kaibigan sa school. Iwan ko kung bakit, siguro di ako kaaya aya sa kanilang paningin. Loner ako kung baga. "Kahit na di mo pa birthday ngayon kailangan mag blow candle ka? Asan pala ang cake?" Saad ni ate sa akin habang hawak ang balikat ko. Pero bigla akong nagulat ng marinig ang boses ng isang lalaki. Narinig ko na ang boses na yon. "Make a wish na Gigi. Then blow your candle" Naalimpungatan lang ako ng tapikin ako ni ate muli. Nakatulala lang pala ako sa lalaking may hawak sa cake. Kahit na kumabog ang puso ko, nagwish na lang ako at binoblow ang cake. Nanginginig pa ang labi ko. Ano ba Gigi, tumigil ka nga? Gusto niya ang ate mo! Di ko alam kung bakit kumirot ang puso ko sa sariling kunsinti ko sa sarili. "Oh hali na kayo kainan na!" Rinig kong tawag ni lola, galing lamesa. Kaya naging maingay ang lahat at nasilapit sa lamesa at kanya kanyang upo. "Oh apo, halikana. Kumain kana" Tawag ni lola sa akin. Niyakap pa niya ako at ginaya sa lamesa at umupo sa upuan, nasa center ako bali isa akong prinsesa. " Grabe lola, ang sarap ng skabetche mo!" Rinig kong sabi ng kaibigan ni ate kay lola. " Ganun ba iha. Salamat" Pasalamat ni lola. Dahil nagustuhan nila ang luto niya. Si lola ay mahilig magluto, siya ang ina ni mama. Di ko na lang sila pinansin at tinuon ko na lang ang aking sarili sa pagkain. "Ang sarap tumira dito Rosan pag ganito kasarap ang mga niluto. Hehe" Palatak naman ng isa habang ngumunguya pa. "Magsitigil ka nga Celene, basta pagkain ganyan ka naman. Haha" Bara naman nong isa kay Celene. Medyo chabe si Celene pero cute naman siya. "Wait a minute! ngayon ko lang pansin na may kapatid ka pala Rosan" Sabi ng isa sa kaibigan niya. Kaya napatingin ako sa kanila. Napadapo ang tingin ko kay ate na tahimik, habang katabi niya si Rejgid at ang yong isang lalaki. Pansin koy may something sa kanilang tatlo. At di ko alam kung bakit kumirot bigla ang puso ko. "Paano ko sabihin sa inyo kong di kayo nagtanong!" Sagot ni ate sa mga kaibigan niya. Ngayon ko lang din pansin na sampu sila. Anim na babae at apat na lalaki. Pero napangiti na lang ako ng makita kong buhol buhol sa mga bibig nila ang mga kinain nila. Napailing na lang ako. Kahit wala sina mama at papa masaya parin ako. Kasi may kasama ako sa graduation ko. "Apo ito pala ang regalo ko sayo" Sabi ni lola at abot ng regalo niya. Katamtaman lang ang laki ng kahon. "Salamat lola. I love you" Pasalamat ko kay lola at humalik sa pisngi niya. Love na love ko talga si lola. "Cege na Sis. Buksan mo na ang regalo mo. Para naman makapag picture na tayo" Atat na saad ni ate. Kaya binuksan ko na ang regalong bigay sa akin. Nakatingin silang lahat sa akin na nakangiti except sa lalaking tinitibok ng puso ko. Di niya ako tinitingnan at uminom lang siya ng tubig. Nabigla pa ako ng bigla siyang tumingin sa akin. Inalis ko ang tingin ko sa kanya, at ngumiti sa kanilang lahat. Binuksan ko una kay ate. Maliit lang iyon. Pagbukas ko, kita ko agad ang kulay purple na relo. Napangiti ako, alam talaga ni ate kung ano ang paporito kung kulay. Sinoot ko iyon agad. "Salamat ate!" Pasalamat ko kay ate. Ngumiti naman siya. Di ko na sila pinansin, dahil abala ako sa pagbukas ng regalo, sinunod ko kay papa, maliit din ang box gaya kay ate. Pagbukas ko, isang maliit din na box ang bungad sa akin. Alam kung kwentas laman niyon at may papel itong nakatupi. Tinabi ko muna ang papel, mamaya ko na lang iyon babasahin sa kwarto ko. Binuksan ko ang box at tama nga ako kwentas ang laman. Napangiti naman ako, kahit wala si papa pero di naman siya nakalimot. "Hali ka sis isuot natin, wag kang umiyak jan!" Nabigla pa ako kay ate at pinahid ang luhang pumatak sa aking mata. Di ko na pala nalaman na umiyak ako. Sinuot agad ni ate ang kwentas na bigay ni papa. Hinawakan ko pa ito at ngumiti kay ate. Umalis siya agad pagka suot niyon sa akin. Sinunod ko pa kay lola, napahalik pa ako kay lola ng nakita ko regalo niya. Napatawa nga ang mga kaibigan ni ate dahil sa tuwa ko. Art materials kasi ang regalo niya. Mahilig ako sa arts kaya tuwang tuwa talaga ako. Pagkatapos non nagpicture na kami. Una si lola, si ate, tapos yong kaibigang babae ni ate. At ang mas malala sa lahat na nagbibigay lakas ng pintig ng puso ko ng pinagitnaan ako ng mga lalaki. "Rejgid at Radlegh pagitnaan niyo si Gigi at kayong dalawa naman Bryan at Niko sa bawat kilid nila" Sabat ng isang kaibigan ni ate. Siya kasi ang nagpicture, di lang siya pati si lola at ate din. Sobrang pula ko na. Di ako makangiti ng maayos dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. " Sis ngumiti ka nga!" Saad ni ate. Napangiti na lang ako ng hilaw. Nanginginig na kasi ako. Napangiti pa ang mga kaibigan ni ate dahil sa reaction ko, inakbayan kasi ako ni Radlegh noong wacky pose na habang si Rejgid naman ay half smile habang nakatingin kay ate. Kita ko pang nag iba ang reaction ni ate pero kalaunan nawala din. Bakit? Maganda si ate, talagang maraming makagusto sa kanya. Ang swerte niya, minahal siya ng lalaking tinitibok ng puso ko. Ngumiti na lang ako ng mapakla, habang binaliwala ang kirot ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD