Chapter 2
" Hi Im Radlegh Abueva. You're Gigi right?" Pakilala sa akin ng isang lalaki at inabot ang kamay para makipag shakehands, kasama siya sa kaibigan ni ate kanina. Siya din ang lalaking katabi ko sa pag picture. Feeling ko may kamukha siya.
"Gizia Gilla Suarez ang full name ko. Gigi lang ang palayaw ko" Paliwanag ko sa kanya, natawa pa ako. Kita ko pang lumingon si ate sa amin, kita ko rin kung paano nagbago ang reaction niya. Ano kaya yon?
" Sis, kay Rejgid ka na lang sumakay. Total two cars lang naman ang pwede. Hatihati na lang tayo." Saad ni ate ng huminto siya pati na ang mga kaibigan niya. Tiningnan ko si Rejgid pero poker face lang siya. Ramdam ko'y di niya gusto ang sinabi ni ate.
" Ikaw Gigi, Bryan, Celene, Susan at Faye ang magkasama ni Rejgid sa kanyang sasakyan. While kami naman kay Radlegh" Utas ni ate while nakangiti. Ramdam ko'y naging mainit ang atmosphere.
Patungo pala kami sa Mall para manuod ng sine. Yon ang sabi nila. Pagkatapos namin mag picture-picture kanina umaarangkada sila agad.
Ayaw ko sanang sumama dahil maiwan si lola sa bahay, kahit may katulong kami, nakakalungkot naman pag naiwan.
"Ah, ikaw nalang Rosan kay Rejgid, si Gigi nalang sa akin. May tanong pa kasi ako kay Gigi. Diba Gigi?" Sabat ni Radlegh kaya nagulat ako. Manhid ba to. Hyst. Ramdam ko ang lungkot na mata ni ate.
Alam kong may gusto siya kay Radlegh. Sinulyapan ko si Rejgid naghintay siya sa sagot ni ate. Kita din niya ang naging reaction ni ate.
Nasasaktan ako, Oo, nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. Baliw na siguro ako. Hyst!
" Siguro mag Motor na lang ako ate. Kasi masikip na siguro ang sasakyan, baka di na kasya eh!" Malumanay kong saad. Kita ko pang sumulyap si Rejgid sa akin.
Napasinghap naman ang ibang kasama ni ate. Ramdam nilang may kong anong nangyari.
"Gigi, dilikado ang magmomotor!"
"Kaya ko naman, yan nga lagi ang dala ko patungo sa school" Dagdag ko.
"Cool! Pwede sayo ako aangkas, Niko ikaw na lang ang mag drive ng kotse ko. Sasabay na lang ako kay Gigi" Excited na sabat ni Radlegh. Habang tinapik si Niko sa kanyang tabi. Kaya nagulat ako.
Tiningnan ko si Radlegh nakangiti siya habang si ate ay bakas ang lungkot sa mukha.
"Wag na. Ayaw kong may sumakay sa Baby V ko" Tanggi ko sa kanya. Kita ko pang namutla siya. Nagitla pa si ate. Wait?
"Violate kasi ang name ng motor ko. Wag kang mag isip na kung ano ano jan!" Saad ko sabay batok kay Radlegh habang natatawa.
"Oh bat nambatok ka? Masama bang magisip. Haha" Pag aasar niya sa akin. Si ate naman ay tahimik lang. Andito padin kami sa kalsada nagtatalo kung saan kami sasakay.
Umiwas ako ng tingin ng dinaluhan ni Rejgid si ate at hinawakan ang siko nito. Habang si Radlegh naman ay putak ng putak. Seriously, ganito ang gusto ni ate parang manok.
"S-sege, kunin ko lang ang motor ko!" Paalam ko sa kanila. Iwan ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Gusto ni ate si Radlegh, pero iwan ko sa lalaking iyon.
Si Rejgid naman ang gusto ko ang lalaking may gusto kay ate. Ganito ba ang mundo pinaglihis ang mga puso.
Pagkarating ko sa garage, sinuot ko agad ang leather jacket, helmet at leather pants at ang boots. Ready na ito lagi. May cabinet kasi ako dito na akin lang ang gamit.
May kotse naman si ate, kulay black. Ako naman ay walang kotse, ayaw ko kasi ng kotse mas gusto ko pa ang motor. Kasi cool iyon. Sa totoo lang minsan ko lang gamitin ang motor ko, gagamitin ko lang to pag may lakad akong magisa.
Tungong school naman ay nag commute lang ako. Nagsinungaling ako kay ate, ayaw ko kasing maging completed lahat. Kung sasama ako kay Radlegh, masasaktan si ate, kung sasama ako kay Rejgid, masasaktan naman si Rejgid.
Dapat magmakasirili ako, pero? Masasaktan ang lalaking gusto ko dahil sa pagmamahal niya kay ate.
Kinasa ko ang baby V motor ko. At pinatakbo ito. Kita kung wala na ang iba, nakasakay na siguro. Sina ate, Radlegh at Rejgid ang nasa labas. Huminto ako sa tapat nila. Nabigla pa ako ng biglang umangkas si Radlegh.
"Ang cool naman nito. Hindi pa ako nakasakay ng motor eh. Dito na lang ako sasakay Gigi" Saad ni Radlegh at humilig sa balikat ko. Nabigla ako kaya natulak ko ang ulo niya sa balikat. Feeling close nito.
"Umalis kanga dyan Kuya Radlegh. Ang bigat mo ah!" Saad ko kanya.
"Di ako mabigat ahh. Diba baby V? At syaka wag ka ng magkuya 20 palang ako" Napatampal ako sa mukha ko. Imaginary, nakahelmet kasi ako.
Tiningnan ko si ate, dali dali siyang tumalikod. Sinabayan pa siya ni Rejgid habang inalalayan. I wish na ako si ate, para ako inaalayan niya. Stop it Gigi!
"Whatever" Saad ko at inikot ang mata. Kahit di niya makita, nakahelmet kasi ako "18 pa ako noh! Kaya pumanaog ka jan kung ayaw mong tadyakan kita kuya"
Diniiin ko pa ang kuya para maintindihan niya. Kaya napatawa nalang siya at umalis sa pagangkas sa motor ko.
"Alam mo ang cool mo talaga. Ngayon pa lang ako nakakita ng babaeng nagmotor!" Saad niya habang tiningnan ako ng mabuti. Naaliwasa naman ako sa mga titig niya. Bolero din to? ang daming babaeng nagmomotor ngayon. tsk!
"Tsk! Jan ka na nga!" Saad ko, sabay takbo ng motor. Dinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko habang natatawa.
Natawa naman ako. Kita ko pa si ate na nakasakay sa front seat ni Rejgid. Hay. Nauna na ako sa kanila ng bahagya pero nakasunod na sila sa akin.
"Hinay hinay lang Gigi" Rinig kung tawag ni Radlegh. Alam kung kanyang boses iyon. Nakakainis talaga. Nagbosena pa siya ng natapat ang sasakyan niya sa akin. Tiningnan ko siya, kita kong natawa siya, pati na ang kasabay niya sa loob.
"Ang cool mo naman Gigi" Bulalas ng isang babae na kasabay ni Radlegh. Binagalan ko ang takbo para mauna sila. Kapantay ko na ngayon ang sasakyan ni Rejgid.
Kita ko ang seryusong mukha ni Rejgid habang wala naman sa mood si ate. Habang ang iba naman ay busy sa kanilang ginawa. Kita ko pang binigyan ng tubig si ate ni Rejgid. Tinangihan iyon ni ate. Kita ko pang napasinghap siya. Hays.
Nagulat pa ko ng tiningnan niya ako, kita ko ang seryusong mukha niya. Galit ba siya? Nasasaktan? I dont know di ko siya mabasa, ang alam ko lang kasi gusto niya si ate.
Toktok
Nabigla si ate ng kumatok ako sa pinto ng kotse kahit tumakbo ito. Binuksan niya ang bintana.
" Gigi, lumayo ka nga baka ma sidesweep ka!!" Bulalas ni ate. Kita ko rin na nagulat ang kasama niya. Kita ko rin ang galit sa mukha ni Rejgid.
"Sang Mall pala tayo ate?" Tanong ko kay ate. Tumahimik siya saglit at sinabi agad kung saang mall kami. Pinatakbo ko agad iyon ng mabilis. Dinig ko pang tinawag ako ni ate. Pero di ko na siya pinansin.
Nasasaktan ako sa mga titig ni Rejgid sa akin. Alam kung gusto niya si ate. Pero bat ganun siya? Di ko namalayang tumulo ang luha ko. Kahit na may helmet na nakaharang pero di iyon hadlang upang di umagos ang luhang kanina pa nababadyang pumatak.