Chapter 3
Nasa loob ng sine kami ngayon, katabi ko si Ate pero may upuan pa sa pagitan namin. Iwan ko din kung bakit di ako don umupo, feeling ko kasi ayaw ni ate na katabi kami. Hyst! Ang girls naman nasa unahan namin habang ang mga boys wala pa, bibili kasi sila ng food's.
Mayamaya dumating na ang mga boys dala ang mga pagkain, gaya ng popcorn, miniral water, chicherya and so on, di ko kasi alam kung ano ang ibang bili nila.
"Here!" Abot ng isang lalaki sa akin ng popcorn at mountain dew. Ngumiti ako sa kanya at tinanggap iyon.
"Nikolee pala, Niko na lang ang tawag mo. At syaka yong nasa dulo naman sa ating lima ay si Bryanlee, kakambal ko" Pakilala ni Niko sa akin. Kambal pala sila? Kaya pala magkamukha.
Tiningnan ko si Bryan na busy na ngayon sa pagkain ng kanyang popcorn. Tiningnan ko din si ate, parang di siya maka focus sa pinanonood namin, kaya pala katabi niya si Radlegh at si Rejgid naman nasa tabi ni Radlegh kung baga pinagitnaan nila ni Bryan at Radlegh.
Kita ko pang sumulyap siya kay ate, at si ate naman ay nakaw tingin kay Radlegh. Hyst! Bumuntong hinga ako. Ganun ba talaga love triangle? Kasali naba ako don? Hyst!
Gusto kong ihinto itong nararamdaman ko, para di na masyadong masakit. Pero paano? Paano ko iyon sisimulan? Kung saan ako'y lunod na lunod na.
Nagtawanan sila, mukhang ang saya saya. Pati si ate ngumiti narin, si Radlegh naman ay ang lakas ng halakhak, tinapik pa siya ni ate kaya napatawa na lang ng masyado si Radlegh, napatingin naman si Rejgid sa ginawa niya mukhang di masaya.
Hyst ako lang ba? Ako lang ba ang di nakakaintindi sa palabas dahil sa pagkabalisa o pati siya? Di siya maka focus dahil sa harutan ng dalawa. Alam kung nasasaktan siya, kita ko sa kanyang mga mata.
Ganun ba talaga? Makikita mo pag malungkot o nasasaktan ang lalaking palihim mong minahal?
Di ko na pala namalayan na tapos na ang movie na walang naintindihan. Busy ako sa pag intindi sa situation. Hyst!
At ngayon palabas na kami sa sinehan, kami na lang ang tao, hinintay pa kasi naming lumabas ang lahat para di masyadong magulo, satsat pa sila ng satsat dahil sa palabas na kanilang pinanonood, matatawa pa sila habang inaalala ang mga pangyayari, kung paano katarantado ang bida.
Kita ko pa ang mga gesture nila dahil nasa hulihan ako. Nasa unahan ko naman si Rejgid, si ate at ang mga girl bestfriend niya.
"Hey! Ang lalim ng iniisip mo ahh!" Nagitla ako ng may nagsalita sa aking tabi, may kasabay pala ako? Tiningnan ko iyon si Niko lang pala.
"Oo nga anong problema mo Gigi tell me?" Tanong pa ng isa sa akin. Alam kong si Radlegh iyon.
"Wala baka siguro gutom lang ako" Pagsisinungaling ko.
"Guys, kain muna tayo!" Rinig kung sabi ni ate.
"Good idea. Gutom na kasi daw si Gigi!" Sabat ni Radlegh habang umakbay sa akin. Dali dali ko iyon kinuha ng mapansin ko ang reaction ni ate. Napatikhim pa nga si Niko eh. Alam ba niya ang situation? O ako lang?
"Buti naman gutom na kasi ako!" Sabat naman ni Bryan na nasa unahan namin.
" Lets go guys, gutom na ako" Sabat naman ni Susan. Hyst. Paano ba tumakas dito? Ang init kasi ng atmosphere eh.
"Ahem. Pwede i text mo nalang ate? kung saang restu tayo kakain. Susunod na lang ako, may naalala kasi akong na may bibilhin ngayon sa loob, ngayon ko lang natatandaan"
"Akala ko ba gutom ka?" Tanong naman ni Radlegh.
"Oo nga Gigi, bukas mo nalang iyan bilhin" Sekunda naman ni Niko.
"Di!" Nagulat pa sila ng sumigaw ako
"Ma-mag babanyo kasi ako at bilhin ko narin para tipid ang araw" Paliwanag ko. Nauutal pa ako don huh.
Rinig ko pang tumawa si Radlegh, Niko at si Bryan, sila lang kasi ang hibang dito, tiningnan ko ng palihim si Rejgid, tahimik lang siya habang nakapamulsa. Sakto lang ang height niya mataas kunti kay Radlegh, nasa balikat lang si ate sa kanya, kung titingnan mo siya ang ideal man ng mga babae, tulad ko.
At alam niyo bang di lahat ng kaibigan ni ate ay gusto ako, si Celene lang siguro at Susan ang mabait sa kanila. Ang ibang girls kasi ang tahimik parang iba iba ang takbo ng isip.
Bago pa sila magtatanong muli, ay tumalikod na ako sa kanila at pumasok muli sa loob ng mall. Nagdadahilan lang ako. Pero pumasok lang ako para di mahalata. Sa totoo lang, naiihi lang ako at walang bibilhin.
Pumasok na ako sa Cr at umihi pagkatapos ay lumabas. Lalabas na sana ako ng may nagsalita sa likod ko.
"I though na may bibilhin ka?" Tanong ng isang lalaki. Malamig ang tono ng boses niya, matatakot ka talaga pag narinig mo iyon.
Ramdam ko na nanginginig ang tuhod ko. Lumingon ako at nagitla ako ng kung sino iyon, si Rejgid. Anong ginawa niya dito? Alam niya bang naging baliw ang puso ko pag andyan siya.
"Ah- wala na palang s-stock, kaya sa susunod na lang siguro" Pagsisinungaling ko. Pero ramdam ko na di siya maniniwala sa akin.
Tiningnan pa niya ako sa mata kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo, naalidbadbaran ako sa tingin niya kaya umiwas ako, at tumalikod para lumabas sa mall.
Alam kung naging bastos ako, dapat nagpakitang gilas ako sa kanyang harapan para ma notice niya ako. Hay nako Gigi, dreamed on! Di ka niya mapapansin. Tsk!
"Ang close niyo ah!!" Asar niyang tanong. Nakasunod pala siya sa akin, di ko iyon pansin at nasa harapan ko siya ngayon at seryuso.
"Nino?" Tanong ko sa kanya, di ko kasi batid kung sino ang pinahihiwatig niya.
"Its Radlegh, my cousin" Malaming padin niyang saad. Wait? Pinsan niya si Radlegh. Kaya pala may kapareho sila.
"Stay away from him!" Nagitla ako sa sinabi niya. Bakit?
"Bakit? Di kaba masaya don? Dapat maging masaya ka nga eh!" Honest guys, nanginginig ako. Pero di ko iyon pinahalata sa kanya baka isipin niyang gusto ko siya which is totoo naman.
"Do what I said!" Matigas niyang saad, malinaw, mababa ang boses pero malalim iyon. Kaya natawa ako ng bahagya, nagulat pa siya sa inasal ko.
"Look! Mr. Moody! I dont know kung bakit ka galit dyan" mahinahun ko ding sabi sa kanya, per pressure.
"Dapat maging masaya ka, dahil sa wakas ma sa iyo ang atensyon ng ate ko" Dagdag ko pa. Lumukot ang noo niya habang seryuso parin ang mga mata.
"I know na may gusto ka kay ate" dagdag ko at nagitla siya. I know it. Masakit pala na tama talaga ang pansin ko.
"Di happy na kayo, at wala ng Raglegh na hahadlang pa" Plastik kung saad kahit na surely masasaktan ako.
"WHO ARE YOU PARA DIKTAHAN ANG NARARAMDAMAN KO!" Nagitla ako ng sumigaw siya, matigas at malalim iyon parang pinipiga ang puso ko ng sumigaw siya ng ganun .
Ramdam ko ring tutulo ang luha ko na sa bawat oras ay papatak na nang di ko na mapigilan pa. Wait tears please, wag ngayon, ipakita mong matapang ka.
"I DONT WANT TO SEE HER TO BE HURT!! BECAUSE OF YOU!!!" Dagdag pa niya. Talaga ayaw niyang masaktan si ate ng dahil sa akin. At... ako pa ang sinisisi. Paano naman ako? Di nasasaktan? Shits!!
"Get it" Matigas niyang saad habang hinawakan ang pulso ko. Masakit iyon oo, ramdam kung mamumula ito. Pagkatapos noon umalis siya sa harapan ko na walang nangyari, at sumakay ng taksi.
Wait! nagpaiwan talaga siya para sabihin ang mga bagay na iyon? Love talaga niya si ate. Dahil sa katagang iyon ay nababadyang tumulo ang mga luha ko. Akala ko mapapansin niya ako, yon lang pala pinansin niya ako para lang sa salitang iyon.
Di pa ako kamahal mahal, bat ganito na lang ba lagi ang buhay ko. Damn, Im such a loser, Im such a Hopeless women who are secretly inlove those freaking man.
Beepbeep
Tunog ng Cp ko, pinahid ko muna ang luha sa mata ko bago tiningnan ang mensahe, iyon si ate lang pala, nag text siya kung saang restu sila. Hyst. Pupunta ba ako o hindi? Gigi please wag mo ipakitang hopeless ka talaga.
Buo na ang desisyon ko pupunta ako.
Sumakay na ako sa motor na nasa parking area ng mall, suot ang gloves, helmet at leather jacket. Ramdam ko rin na sumakit ang pulso ko dahil sa higpit nang pagkahawak niya.
Iwan ko sa kabila ng lahat, sa kabila ng galit niya kanina napangiti pa ako na parang hibang kahit masakit, siguro dahil napansin niya ako kahit sa ganong situation, dahil kahit sa ganong sitwasyon masasabi ko pa ring gusto ko parin siya.