Mangga

1650 Words
Chapter 5 Sampung araw na ang nakakalipas simula sa araw na iyon. Its April at andito lang ako sa bahay, arts lang ang naisipan kong gawin. Si ate naman ay may klasse pa. Mayo pa mag end ang klasse nila. Nabasa ko na rin ang papel na galing sa regalo ni papa, excited pa ako ng buksan iyon pero Congratulations lang pala ang nakasulat. Ang laki ng papel yon lang? Inaamin kong umiyak talaga ako, akala ko kasi heart talk heart talk iyon! Yon lang pala. Nadagdagan talaga ang sakit na ininda ko sa araw na iyon. Iwan ko ba! Kahit sa simpleng galawan lang nasasaktan na ako. Ano bang karapatan ko para masaktan? Ilang beses ko lang naman siyang nakita? Sa unang beses na iyon don ko siya nasumpungan at minahal ng musmusing puso ko. Andito ako sa study table ko habang pinagpatuloy ang ginawa. Kanina pa ako nag dra-drawing at di pa tapos. Tiningnan ko muli ang drawing ko. Its him. Iwan ko bakit ko siya ginuhit. "Bat ba kita nagustuhan?" I paused" Ang manhid mo? Parang bato! Ang swerte ni ate dahil siya ang gusto mo!" Saad ko, habang hinaplos ang guhit na iyon. Kuhang kuha talaga ang mukha niya. "Ok na sa akin na minahal kita ng palihim at masilayan ka sa malayo. Kaysa pansinin mo naman ako pero galit na galit ka naman dahil lang kay ate" Hays. Napasinghap na lang ako dahil sa aking mga iniisip at sinasabi sa aking sarili habang kinausap ang guhit na sa aking harap. Tinanaw ko ang kalangitan maaliwalas iyon. Its 4 Pm ng hapon, at di na masyadong mainit sa labas. Kita ko pa ang malawak na swimming pool namin at may tatlong cottage, isang malaking mesa kung saan dyan gaganapin ang kainan pag may party. May apat ding maliit na mesa na may tatlong upuan sa bawat gilid nito at may payong nakatayo sa center nito. May malaking puno naman sa kilid ng pool at di gaano pumasok ang init. Ang pool na iyon ay centro sa bintana ng kawarto ko. Tumayo ako at pumunta sa terrace kung saan ang mga magagandang bulaklak naman ang aking masisilayan. Malawak iyon at iba ibang uri ng halaman ang nandoon. Si aleng Siti ang nangangalaga ng mga bulaklak kasama pa ang ibang katulong, tumutulong din ako pag wala akong ginawa. Napangiti na lang ako ng nakita ko ang pula at puting rosas na namumukadkad, ako kasi ang nag tanim non katabi nito ang orchidya. Ito ang pinakapaborito kung tanawin sa bahay, para kasi sa akin ito ay naghahatid ng kapayapaan at kaginhawaan. Sa kwarto naman ni ate at papa ay makikita ang malawak na golf field ni papa, diyan sila lagi naglalaro ng kanyang mga kumpare pag nagkayayaan sila. Two story lang ang bahay namin pero malaki iyon. Limang kwarto sa taas, ang tatlo ay para sa amin at guest room ang isa, may office kasi si papa dito at ikaanim ang library namin. At may living area din dito. Malaki din ito. May dalawang Tv, 3 computer at 3 computer games. Sa firstfloor. May limang kwarto din, para sa mga katulong at iba pang bisita. Malawak na living room at kitchen at all around restroom. Hati na iyon for men and women. Sa kwarto ko naman, may sarili akong banyo, lahat naman sa kwartong ito ay may sariling banyo. Kulay purple ang kwarto, mula sa kama, sa sahig pati curtain at sa kagamitan ay purple. Di naman siguro ipakailang yon ang gusto kung kulay no. Hehe. Talagang gusto ko ang kulay na iyon. May secret room din ako, kung saan nandon ang collection ng mga pockets books, Artworks painting, sketching at planning. Kasama na don ang dalawa kong guitara, blue at purple iyon, dalawang violen at isang piano. Dito ko nilagay sa kwarto ko. Di alam ito ni papa, di niya alam na mahilig ako sa music. May grand piano naman kami sa living area pero si ate lang ang gumamit non. Ang alam ni papa na si ate lang ang marunong gumamit non. Di alam ni papa na bumili ako ng mga iyon for my own allowance, wala kasi siya lagi sa bahay at si ate din di alam dahil busy din siya lagi sa school niya. Tanging si aleng Siti lang at ibang katulong ang nakakaalam. Tumugtog naman ako dito pero di madidinig sa labas dahil sound proff ang kwarto ko. Naalimpungatan ako sa aking pagmuni muni ng may nag bell galing sa pinto ko. " Iha, hinanap ka ng ate mo!" Sabi ni yaya pagbukas ko ng pinto. "At mag snack ka na din. Punta ka lang sa kitchen, may sandwich akong hinanda don" Dagdag niya muli. Bakit kaya ako hinanap ni ate. Siya na pala iyong nakarating kanina, tatlo kasing sasakyan ang nakita ko, akala ko di siya. "Cge ho aleng Siti, papanaog ho ako pagkatapos ko dito. At salamat" Sagot ko kay aleng Siti. " Cge² iha. Papanaog na ako" Paalam niya sa akin. Bumuntong hinga muna ako at sinarado ang pinto, at bumalik sa terrace, tiningnan ko muli ang harden namin. Gusto kong pumunta don para pagmasdan ang mga iyon. Pumasok ako muli sa kwarto galing terrace. At umupo muli sa study table ko. Tiningnan ko muli ang skecth ko, at bumaling sa bintana. Kita kung may tao don. Ang ingay nila ramdam kong nagtatawanan sila tungkol sa isang bagay. Tiningnan ko silang mabuti mula sa aking bintana. Mga kaibigan pala ni ate, pero kita kong kulang sila. Sa di malayo, malapit sa cottage may nakita akong nakatayong lalaki doon na nakatingin sa bintana at may hawak siyang baso sa kanyang kamay. Sa akin ba siya nakitingin? Tiningnan ko siya muli. Taimtim siyang nakitingin. Nakita ba niya ako? Dahil don biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Umiwas ako sa kanyang tingin at binaling muli ang pansin sa sketch. "Anong tingin tingin mo sa akin?" Kausap ko sa drawing ko. "Gusto mo ba ako?" Saad ko muli. Tsk! "Tsk! Come on Gigi he never like you. He likes your sister!" Di ko alam kung bakit nasasaktan ako sa sarili kong kunsinti na kahit kailan di ako magugustuhan non. Tumingin ako muli sa bintana. Buti nalang di na siya dito nakatingin. May kausap na kasi siya, si Georgia. Tsk! Inayos ko muna ang sarili ko at sinuot ang salamin. Sa totoo lang di naman masakit ang mata ko, talagang sinadya ko lang magsuot nito. Pagkatapos ng lahat ay lumabas na ako sa kwarto at pumanaog ng hagdan. Ramdam ko pang may tao sa labas. Ng nawala ang ingay ay pinagpatuloy ko na ang pagpanaog. Kita ko agad si aleng Siti ng may hinanda. "Oh Gigi, hali ka, kainin mo na ito. At ng maihatid ko na ito sa kanila" " Kanino ho?" Maang maangan kong tanong, kahit alam kung sino naman iyon. "Sa ate mo at pati na sa mga kaklase niya. Andon sila sa swimming pool" Dagdag pa niya. Habang pinag patuloy ang ginawa niya. "Imelda ihatid mo na itong burger sa kanila, pati na itong juice" Tugon ni aleng Siti kay Imelda. Imelda is 25 years old. Bata pa siya. Dali dali naman iyong kinuha ni ate Imelda at pumanhik patungo sa swimming pool. "Heto para sayo iha" Abot ni Aleng Siti sa akin. Sandwich at burger kasama na ang juice. "Salamat aleng Siti" Kuha at pasalamat ko sa kanya. Ngumiti naman siya kaya ngumiti nadin ako pabalik. Tumalikod na ako kay Aleng Siti at pumunta sa kabilang pinto kung saan ang malawak na harden namin. Ako lang lagi dito, di kasi mahilig si ate sa bulaklak, alergy kasi siya. Lagi siyang bumabahing pag nakaamoy ng bulaklak. Pagkarating ko umupo ako agad sa upuang kahoy na kitang kita ang mga bulaklak, may lamesang kahoy din na nasa aking harapan kong saan ko nilagay ang dala kong pagkain. Nilibot ko muna ang aking paningin sa buong harden at huminga ng malaki. "Wow ang ganda naman dito!" Nagulat ako ng may nagsalita sa tabi ko. Tiningnan ko kung sino iyon. Its kuya Radlegh. Ano kaya ang ginawa niya dito. "Anong ginawa mo dito? Andon sila sa pool" Paliwanag ko sa kanya. Naguguluhan kasi ako kung bakit siya nandito. Simula noong nanood kami ng sine di ko na sila nakita pa. Palagi naman sila dito pero di na ako nagbabasakaling makita pa sila. Naririnig ko na lang na may umabot na sasakyan at umalis. "Nakita kasi kitang pumasok dito, pagkapasok ko sa bahay niyo. Kaya na curious ako kaya sinundan kita" He paused "At ngayon ko lang din nakita na may magandang harden dito!" Mangha niyang saad habang nilibot ang paningin sa buong paligid. " Pinagawa ko to sa tulong nina aleng Siti at sa iba pang katulong. Mahilig kasi ako sa bulaklak" Saad ko habang nakangiti. Kita ko pang may bitbit siyang dalawang plastik. Napansin naman niyang tiningnan ko iyon. "Ah siya nga pala. Sa iyo itong isa" Abot niya sa akin. Curious naman ako kaya tinanggap ko iyon at tiningnan. Mangga? Tiningnan ko siya muli, malawak ang kanyang ngiti. "Alam kong mahilig ka sa maanghang kaya may alamang na maanghang diyan" dagdag niya pa, kaya pala may bottle din don. " Bat mo ko binigyan nito?" Nagugulumihan kong tanong sa kanya. "Sa pagkakaalam ko kasi. Pag ang babaeng di mahilig sa matamis eh mahilig sila sa Maanghang o maasim. Kaya nang nakita ko ang manggang iyan ikaw agad ang naisip ko" Dagdag niya habang nakangiti. Tiningnan ko siya ng maigi. May kapareha sila ni Rejgid sa mata. Bumalikwas ako ng tingin. Naaliwasa kasi ako sa ngiti niya. Bumuntong hinga muna ako at bumaling sa kanya. "Salamat sa Mangga favorate fruits ko to" Saad ko na lalong nagpamangha sa kanya. Bakit kaya di siya ang nagustuhan ko. Mabait at palangiti siya iba sa stone boy na iyon! Pero di iyon mangyari, kasi kahit anong gawin ko! Tumutibok lamang sa iisang tao itong puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD