Chapter 12
Ilang araw na ang nakalipas, simula sa gabing iyon. Lage na akong kinukulit ni kuya Joseph na magpatugtog ng guitara.
Dati, sa drawing siya nangungulit, at ngayon? nasa guitara na! At si kuya Edward naman ay nagpaturo sa akin. Ginawa akong teacher. Tinatawanan lang siya ni Tay Isko minsan dahil napagalitan ko siya, dahil di nakikinig.
Marami rami nadin akong na drawing, simula pagkarating ko dito. Pag may mga bagay akong nagustuhan, e-drawing ko iyon agad. Gaya ng bulaklak, mga batang naglalaro, nadrawing ko na din ang kalabaw. Pati nga motor extension ni kuya Joseph na drawing ko na.
"Tapos ka na ba Gigi" Tanong agad ni ate Imelda pagpasok niya sa loob.
"Wow! Ang ganda mo! Bagay na bagay sayo" Sambit niya. Nagsuot kasi ako ngayon ng puting bestida, galing kay ate Imelda, pinahiram din niya ako ng bakya na kulay kahel iyon.
Mag simba kasi kami, pero wala akong masusuot, kaya, pinahiram niya ako.
"Salamat ate Imelda" Pasalamat ko, sabay sout ng eyeglasses ko. Pero nagulat ako ng tanggalin niya iyon.
"You know what? Your too, pretty. No need to wear you're Eyeglasses. Di naman masakit mata mo e ano?" Saad niya. At pinaupo ako muli. Tumango na lang ako sa kanya.
"Yan mas bagay, then put lipgloss, para mag shine ang lips mo. Mapula naman ang labi mo kaya lipgloss na lang" dagdag niya sabay lagay sa labi ko ng lipgloss. Nag powder lang ako. No need to put make-up on it.
"Then your hair, need to fix ng kunti" She said, and breading my hair at pinikot ikot iyon. Then she get some on my hair in front of my face.
"Perfect!"
"Tara naghintay na sila sa labas!" Sambit ni ate. Tukoy niya kay kuya Edward at Joseph. Kami lang kasi ang magsimba dahil may lakad sina Nay Lorna at Tay Isko.
Lumabas na kami sa kwarto, bitbit ang boracay hot, mainit kasi. Nadatnan pa namin si tay Isko na nanunuod ng Tv. Si nanay Lorna naman nasa kusina. Nadatnan pa namin sa labas si Lorenzo na naglalaro ng laruang regalo namin sa kanya.
"Enzo! Pasok na sa loob, at ng kumain!" Tawag ni ate Imelda sa kanya. Dalidali namang pumasok ang bata, sa takot ng mapagalitan ng ate.
"Tagal niyo!" Bulyaw agad ni kuya Edward sa amin. Nagulat siya ng nakita niya ako. What? Simple lang naman ang suot ko! Puting bistida na hapit na hapit sa akin. At kay ate naman, dilaw iyon na may kunting bulaklak sa bawat gilid nito.
"Mag bihis ka Gigi!" Ni kuya Edward. What?
"Oo nga bunso, maraming lalaki doon, baka mapansin ka nila!" Pout namang dadag ni kuya Joseph. Kaya agad binatukan sila ni ate Imelda.
"Kayong dalawa huh! Ober protective kuya kayo! Dalaga naman itong si Gigi. Walang problema don. Syaka, ang ganda niya sa damit na suot niya. Tapos gusto nyo siyang magpalit!" Pangaral ni ate Imelda sa kanila. Napakamot naman sila sa kanilang batok.
"Kasi naman ate, sa daming makatingin sa kanya doon, di namin makayang maprotektahan itong bunso, baby girl namin" Seryosong saad ni kuya Edward, napa pout naman ako. Baby girl talaga?
"Sos! Iwan ko sa inyo! Dali na't tumakbo ang oras!" Ni ate. Sabay angkas kay kuya Edward, kinuha niya na kahapon ang extension, para wala daw sagabal. Kay kuya Joseph naman ako sumakay. Kung baga hati hati kami.
"Wag kang lumayo samin doon ah!" Saad agad ni kuya Joseph pagkasakay ko, sinuot ko rin ang boracay hot.
"Peace be with you!"
"Peace be with you"
Turan ng lahat, pagkatapos ng mesa. Mainit sa loob. Kaya dali dali kaming lumas sa loob.
Andon parin ang tatlong sasakyan. Nadatnan namin iyan kanina. Nagsimba siguro ang may ari. Nasa hulihan kasi kami nakaupo, dahil late kami kunti.
"Bili muna ako ng panlamig" sambit ni kuya Edward at umalis. Andito kami sa gilid ng simbahan, malapit sa gusali, may puno kasi dito.
"Kanino palang sasakyan iyan kuya?"
"Sa pamilyang Martinez" Sagot niya. So andito ang mga Martinez?
"Siguro may celebration sila?" Tanong ko. Tumango naman siya.
Mayamaya, kita kong may lumabas sa loob ng simbahan na kita mo talagang mayaman dahil sa tindig at purma.
"Yan ang pamilyang Martinez!" Saad ni kuya. Nanatili kaming nakatayo, habang tinanaw sila. Si ate naman ay umupo sa bato.
Maya maya may lumabas na dalawang lalaki sa loob ng simbahan.
"O my God!" Sambit ko at dali daling tumalikod. Nagulat pa nga si kuya Joseph sa inakto ko.
"May problema ka ba Gigi?" Tanong niya pero di ko siya sinagot. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Bakit sila nandito? Pamilyang Martinez ba sila?
"Yan ang apo ni Donya Francisca at Don. Marco sa anak na babae" Sabat ni Kuya Joseph. Sumilip ako kunti para makita sila, kita kong may kausap pa sila. Magtagal pa ba sila jan?
"May anak naman silang lalaki. At may apo na don. Yon sila?" Turo naman niya sa ibang bahagi na malapit sa sasakyan. Tatlong babae, na maganda talaga, at dalawang lalaki na may magandang tindig. So 7 lang ang apo ng mag asawamg Martinez?
"Imelda?" Nagulat kami ng may nagsalita sa likod. Ramdam ko ding nagulat si ate. Dali dali naman akong hinila ni kuya Joseph.
"Siya yong sinabi ko sayong di pa nag asawa" Bulong ni kuya. Tiningnan ko naman iyon kunti, pero inalis ko din agad, dahil nakatingin silang dalawa sa pwesto namin.
"Ba-bat kilala siya ni ate?"
"She's ate Imelda Ex" Nagulat ako sa sagot niya.
"How?"
"Wala akong alam Gigi. Basta alam ko, mag ex sila. Yon lang. Wait bat kaba nataranta kanina? Nong nakita mo ang pamilyang Martinez?"
"Kilala ko kasi ang dalawa sa kanila" Pag amin ko. Nagulat naman siya.
"Sino jan"
"Those two guys!" Saad ko. Tiningnan naman niya iyon.
"May hitsura ahh, swerte ang babaeng mapakasalan non! Wait bat ka namula" Lahad niya. At napansin pa ang pamumula ko.
"Dont tell me" He stop " andyan yong lalaking gusto mo?" Pinaliitan niya ako ng mata. Lumaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Buti nalang kami lang ang nandito't walang nakarinig. Nagulat pa ako ng sinundot niya ang gilid ko. Kaya natampal ko iyon.
"Sabibin mo na!" Sundot niya muli. Kaya napatango naman ako. Tinukso niya ako agad.
"Alin jan sa dalawa?"
"Those who wear a blue polo" Sambit ko muli. Tiningnan naman niya. At bumaling sa akin.
"Ang galing mong mamili huh!" Kiliti niya sa akin "Pero mukhang seryuso bunso!" Lungkot niyang saad. Parang bakla. " Anong name pala non?"
"Jgide Regan Abueva, o Rejgid" Saad ko. Kiniliti pa niya ako muli. Dahil namumula daw ako. Natampal ko naman siya.
"Halika lapitan natin" Niliitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya.
"Ano ba kuya, ayaw kong makita niya ako. Alam mo naman diba? Sinabi ko sa iyon sayo!" Lungkot kung saad.
"Right!" Buntong hininga niya.
"Di siya worth it para sayo! Tara na!" Hila niya sa akin. Pero mas kinabahan ako, dahil dadaan pa kami sa kinatatayuan nila, palabas ng gusali sa simbahan.
"E-text na lang natin sila na mauna na tayo. Nakita naman tayo ni ate Imelda na umalis doon" Saad ni kuya Joseph, habang hila ako muli.
Nang nasa tapat ko na sila, agad kong hiniwakan ang sumbrero ko, baka kasi liparin ng hangin, makilala pa ako.
Nakahinga ako malaki ng nakalampas na kami sa kanila at nasa bakuna na kami ng gate ng simbahan.
"Oy, Gigi, san kayo!" Napairap na lang ako sa sarili at napasinghap dahil sa katangahan at kaepalan ni Kuya Edward. Ramdam kong tumingin si Rejgid at kuya Radlegh sa amin, dahil sa lakas ng boses ni kuya Edward.
"Shits! Pare ang Ingay mo!" Sambit ni kuya Joseph kay Edward, Tinikom naman ni kuya Edward, batid niyang may iniiwasan kami.
"Una na kami" Hihilain na sana ako ni kuya Joseph ng may humawak sa braso ko.
"Gigi?" Nagulat ako, at tumingin sa taong iyon. Nagulat na lang ako ng niyakap niya ako ng mahigpit. Nagulat nga din si kuya Joseph at kuya Edward dahil may yumakap sa akin.
" Andito ka lang pala. Kaya pala di kita nakikita sa inyo!" Sambit niya muli habang yakap pa ako.
Bat ako niyakap ni kuya Radlegh?
Pero?
Ang mas kinatatakutan ko na siyang nagpabilis ng t***k ng puso ko, ay ang tingin ni Rejgid sa kalayuan, galit at seryuso iyon.
Why?
Andito ako sa dryer dala ang sketchpad ko habang ginuhit ang mga batang naglalaro ng tumba lata. Masaya sila tingnan, walang problemang iniinda.
Simula sa araw na iyon, di na ako mapakali. What if magkita kami muli dito?
Buti na lang di na ako inusisa pa nina kuya. Pagkatapos ng yakap kasi ni kuya Radlegh, ay nagpaalam na ako agad sa kanya. Dinahilan ko ang sakit ng tiyan kahit di naman. Nagsimba ako sa araw na iyon, tapos may kasalanan agad akong nagawa.
"Ate may nagpabigay!" Saad ng isang batang babae, sabay abot ng santan. Tinanggap ko naman iyon.
"San galing?" Tanong ko. Tinuro naman niya iyon. Napasinghap naman ako ng si Brandon iyon kasama ang mga kabarkada niya.
"Salamat!" Usal ko na lang, bago umalis ang bata. Binalik ko agad ang tuon ko sa pag guhit.
"Ano yon ligaw?" Bungad agad ni kuya Joseph, at umupo sa tabi ko. Bago siyang ligo, nakasuot siya ng brown cargo short at puting damit.
"Nuh! Kay Brandon iyon. Epal talaga iyang kaibigan mo?" Natatawa kong saad.
"Nuh! Di kami masyadong close non!" Depensive niyang sambit at kinuha ang bulaklak na santan, at tinapon iyon.
Pinatuloy ko na lang ang ginuhit ko.
"Tanong ko lang, close kayo nong isang kayakap mo, while yong gusto mo hindi?" Tanong niya. So! nagtitipon pa siya ng oras sa para itanong iyon.
I breath deeply.
"He is Radlegh Abueva. He is deffirent. Siya lang ang nag treat sa akin in a good way. Siya ang gusto ng ate ko" Sagot ko.
"Oh!" Gulat niyang sambit.
"Ang ipinagtataka ko lang. Why those man behind, look at you so bad. I mean? Galit siya sayo, bakit?" Tsk!
"Chismuso ka masyado kuya" Nakita din pala niya iyon? Akala ko ako lang.
"Nuh! Don't answer that bunso" Saad niya at tap sa ulo ko. Ngumiti naman ako.
Then, bumaling ulit ako sa pagguhit.
"Ano yan babe, ginuhit mo ako?" Tanong agad ni Brandon, di ko namalayan na nasa harap ko na pala siya. Kasama si Jordan.
"Asa ka pre!" Usal ni kuya Joseph habang natatawa pa. Natawa naman si Jordan na nasa tabi ni Brandon at siniko ito agad.
"Ilakad muna kasi ako sa bunso bunso mo Joseph" Patalak ni Brandon. Nagpatulong pa talaga. Iwan ko ba ang kulit ni Brandon, palaging nagpapansin.
Di naman ako pumunta dito sa bayang Paraiso para mamingwit ng kalalakihan. Im here to relax at kalimutan lahat.
But, paano iyon? Kung andito siya? Sila?
"Wag ka nang umasa pa Brandon, wala kang pamana sa boyfriend nito!" Nagulat ako sa sinabi ni kuya.
"B-boyfriend? M-m-may boyfriend kana?" Gulat at nautal na tanong ni Brandon, habang nakatingin sa akin. Matatawa na sana ako, pero pinigilan ko na. Ayaw kong sirain ang ginawang pangbara ni kuya Joseph kay Brandon.
"Oo! Gwapo iyon, kung baga perpekto. Maskulado. At mayaman pa. Kaya doon ka na lang kay Josephene mag papansin!" Palatak naman ni kuya Joseph. Palihim naman akong natawa. Ginulo pa nga niya ang buhok ko, ngumiti sa akin.
Kita ko pang nawalan ng pag-asa si Brandon. Tinawanan pa siya ni Jordan dahil sa mukha niyang di maipinta.
"Nuh! Alam mo namang si Edward ang gusto niyon pre Joseph. Ang hirap sumingit!" Paliwanag niya.
"Nuh! Kaya mo iyon. Ikaw pa!" Natatawang saad ni kuya Joseph. Nagtawanan na sila sa harapan ko na parang iwan. Napahinto lang sila ng may nag-away na bata dahil sa nilaro.
Dali dali naman nila iyon pinuntahan para pigilan.
Napangiti ako! Ang saya ng buhay nila!
I wish ganon din ang buhay ko.