IWASAN.
Yun ang nangyari sa dalawa after the incident sa kwarto ni Dani.
Nagpupuyos sa galit si Yumi dahil obvious na umiiwas na si Dani dito. Gustong makipag-usap ng chinita pero magaling umiwas ang probinsyana.
She just wanted to make things clear dahil mismong sa sarili nya, hindi nya maintindihan ang naramdamdan nya sa epekto ng mga halik ni Dani. Mas lalong nagiging sexually frustrated si Yumi ng dahil dito. Si Dani ang nagiging sanhi ng wet dreams nya tuwing gabi at ang masaklap parang wala lang sa probinsyana ang nangyari sa kanila, samantalang apektadong apektado ang chinita. Mas lalo tuloy syang nagagalit kay Dani.
Buntong hininga.
Yan ang ginawa ng probinsyana matapos mapansing masamang nakatingin na naman si Yumi dito. Klinaro naman ng chinita kung gaano sya ka infuriate sa probinsyana kaya ang best option ni Dani ay umiwas dito.
Yun na nga ang ginagawa ni Dani pero bakit ganito pa rin kung tratuhin sya ni Mayumi? Naguguluhan na ang probinsyana. Nagtatago na't lahat ang probinsya sa chinita pero 'di pa rin ito tinatantanan ng nakakamatay na mga tingin nito.
Ahh ang bitter talaga nito! Parang gustong sabunutan ni Dani si Yumi sa oras na yun. Bakit kasi ginagawa ring miserable ng chinita ang buhay ng mga taong nasa paligid nya? Naisip ng probinsyanang sana tumira na lang ang chinita sa bundok para naman 'di makahawa ang bitterness nito.
Hindi ko na nga sya ginagambala, tahimik lang ako dito, ano pa bang gusto nya? Nakakainis! Frustrated na sabi ni Dani sa isipan.
Maiba tayo. Napapaisip ang probinsyana sa kwinento ni Cris sa kanya during the night of dinner. Sabi ni Cris na tinulungan daw sya ng Chinita para makapunta ng kwarto nito dahil sa totoo lang, nalasing talaga si Dani nung gabing yun. Ang huling memory nya ay nung nagpaalam na syang aakyat at matutulog na. Masama talaga ang naging epekto ng alak sa kanya.
Kung sakaling tinulungan nga sya ng Chinita, aba'y dapat lang dahil ito naman ang dahilan ng paglalasing ni Dani. Pagka't ininsulto ba naman sya ng chinita.
Totoo, nasaktan si Dani. Masakit talaga ang mga sinabi ni Yumi. Kaya nga minabuting umiwas na lang ang probinsyana sa magandang bitter na chinita. Wala talaga syang naalala that night, 'di kasi sya sana'y uminom. Matinding sakit ng ulo tuloy ang naranasan ng probinsyana sa paggising nito. Na ilang araw nya ring pinagsisihan dahil ilang araw din syang nagsuffer sa sakit ng ulo. Nasumpa ni Dani na 'di na sya iinom ng marami sa susunod.
Oo, iinom pa din naman pero moderate na. Hindi naman kasi pwedeng hindi uminom lalo na sa pamilya nila. Sabi nga ng Dad nya, kaya pinayagan nyang uminom ang kanyang mga anak para maaga pa lang ay ma-train na ang alcohol level nila, preparation sa mga gatherings na pupuntahan at aattendan nila. You know, for business purposes.
Yeah, Sergio Lopez III is such a business workaholic man. Akalain mong wala na silang naging usapan ni Cris nung dinner kundi puro business. Muntikan ng magnosebleed ang probinsyana sa totoo lang. Pero keri pa din. Nawala lang talaga ito sa poise dahil sa pag-uusap nila ng masungit na chinita.
Grr. Kagigil.
'Buti na lang maganda ka!
Oops, may pahabol ka pa brain, ha!
+++
P.E. Time...
Naglalaro ang seniors ng softball sa field.
Nagrereklamo sa PE teacher nila ang halos lahat ng estudyante ng seniors dahil sa mainit na panahon. But Mara, Clara, Kara and Dani was cool about it. Nalaman nila pareho pala silang apat na mahilig sa sports. Oo nga pala, Dani was part of their circle. Naging instant bff naman ni Dani ang tatlo.
Yumi was pissed dahil ang init ng panahon. Naghihimutok sya kung bakit softball pa ang napiling ipalaro sa kanila ni Mr. Norton. (inspired by a antivirus name. XD)
Ang apat namang bitches (Mara, Clara, Kara at Dani) ay parang nag-eenjoy pa na mas lalong ikinainis naman ni Yumi. 'Di naman sa 'di sya marunong maglaro ng softball pero sadyang mainit lang talaga ang panahon kaya umaangal ang Chinita.
"Okay, children. Stand up." gather ni Mr. Norton sa mga seniors. Nagmamaktol na tumayo naman ang mga ito. "We will have two teams. Team Leaders are Mara and Clara then I'll choose the rest of the members." nagsukatan ng tingin ang kambal na parang magkalaban talaga. Competitive rin kasi ang dalawa at walang gustong magpatalo.
"You'll never beat me, Claring." maangas na sabi ni Mara.
"Let's see, sissy." maarteng sagot ni Clara. Ang cute nilang dalawa.
"Okay, Team Mara: Micah, Aya, Myrna, Jen, Delia, Yumi, Chona, Kyla punta kayo sa side ni Mara." sabi ni Mr. Norton. Tumalima naman ang tinawag.
"Team Clara: Kara, Shiela, Sally, Digna, Fe, Ella, Kelly, at Dani... The rest, next meeting ulit ang laro nyo." naghigh five naman sina Clara at Kara. Ngumuso naman si Mara. Masayang masaya ang mga maaarteng students na 'di natawag.
Samantalang salubong ang kilay na nakatingin ng masama si Yumi kay Dani.
Kibit-balikat na lang ang probinsyana. Parang nasanay na rin kasi ito sa kasungitan ni Yumi sa kanya.
Bad vibes na bad vibes si Yumi samantalang si Dani ay chill lang. Mas lalong uminit ang ulo ni Yumi. Binabalewala lang kasi sya ng probinsyana pagkatapos ng incident na yun. Nagpupuyos na lalo sa galit ang chinita.
The game started. Mahigpit ang laban ng dalawang team. Nasa field ang team Mara at kasalukayang nasa bat si Kara.
Si Mara ang pitcher ng team nila. Yumi is the shortstop. Ngumiti ng nakakaloko si Mara kay Kara at inihagis ng pinakamabilis at accurate ang bola pero magaling si Kara. She batted the ball full force hanggang lumampas at 'di nasalo ng second baseman. Nagchecheer ang lahat ng mabilis na tumakbo si Kara at napatigil sa second base dahil mabilis na nacatch ni Yumi ang bola na inihagis ng center fielder at mabilis na nasalo ng second baseman.
"Tsamba!" sigaw ni Mara.
"Haha. No babe, I'm just good." ganting sigaw ni Kara and wink to her. Mara snorted.
"On bat, Clara! On deck, Ella!" sigaw ni Mr. Norton.
"Claring, siguraduhin mong masasalo mo 'to." pang-aasar ni Mara.
"Just watch and learn, Maldita." ganti naman ni Clara at pumosisyon na.
Two balls and two strikes. Pinahirapan ng mabuti ang kambal ang isa't isa pero Clara manage another full bat na nakapa-homebase kay Kara. Sigawan naman ang team Clara. 1-0 na.
Nasa third base na si Clara at magkakaroon na naman sana ang score ang team Clara pero nagalit yata ng husto si Mara kaya wala ng nakasalo ng bola nito. Mara was a good pitcher kahit pa nga four eyed ito.
Two outs na kami, one to go.
"Dani! On bat!" sigaw ng teacher. Pumwesto naman agad si Dani. Tantyado na lahat ang gagawin nya. She was so sure na mapapanalo nila ang laban na 'to.
Hindi masyadong magaling si Dani sa larong 'to pero she's pretty competitive when it comes to sports. Dani really hates losing.
Nagsign si Mara pointing her two fingers between her eyes then pointing to Dani. Dani snickered. Bitter loser talaga ang magiging peg ng team Mara mamaya. Binalewala naman ni Dani ang nagbabagang tingin ng Chinita. Ang cute nitong tignan sa nakaponytail na buhok. Namumula ang mga pisngi nito sanhi ng matinding sikat ng araw.
Parang gusto ni Dani na puntahan ito at dalhan ng payong. Sayang ang malaporselanang balat nitong naarawan lang.
Dani focus! Focus!
Then Mara started to throw.
Three balls at two strikes.
Magaling si Mara, naisip ni Dani. Pero 'di sya patatalo dito.
At one full blast swing sinalubong ni Dani ang bolang inihagis ni Mara. Nanlaki ang mga matang napatingin na lang si Mara sa lumilipad na bolang lumampas pa sa center fielder. Akala ni Mara, maiistrike nya na si Dani.
Naka-homebase naman si Clara at masayang nagcheer ang mga kaklase nila.
2-0 na ang score. In favor of team Clara.
Takbo naman ng takbo si Dani. Malapit na sya sa homebase. Oo, ganun kalayo ang inabot ng palo nya and she's very proud of it.
Nakangiting nakikita na nya ang tagumpay, ilang hakbang na lang at another homebase na naman. Nandun na sya sa moment na yun, when she felt someone shove her at the back at napatambling sya sa sakit.
"Foul! Miss Tan! What did you just do?" sigaw ni Mr. Norton. Mabilis namang nakalapit ang kambal at si Kara kay Dani.
"Nothing. Just protecting the base." kibit balikat ng chinita.
Shit! Masakit yun, ha. Pagmumura ni Dani sa isip but she remained silent at tumayo. Excusing herself to her classmates. Gusto syang samahan ng tatlo but Dani assured them she was alright. Gusto lang talaga nyang umiyak sa ginagawa ni Yumi sa kanya.
Pumunta si Dani sa changing room at doon umiyak.
"Miss Tan! I-assist mo yung friend mo!" galit na sabi ni Mr. Norton.
"But---" angal ng chinita.
"That's an order! Now!" walang nagawa ang chinita kundi ang sumunod. Ayaw nya rin kasing magkaroon ng conflict sa prof nya.
Nagdadabog na sinundan nito si Dani sa changing room samantalang nakasunod naman ng tingin ang galit na galit na tatlong pares ng mga mata.
Umiiyak na nakayukong napasabunot ng buhok si Dani. Ano bang problema nya? Hindi na nya talaga matagalan si Yumi.
Hindi nya na lang ako sinasaktan emotionally ngayon, physical na din! Nakakainis!
Frustrate na frustrate si Dani na para nyang gustong sumuntok ng kung ano nung oras na yun. Dani has never been this hurt in her entire life. Yumi keeps testing her patience. Hindi na nito alam ang gagawin.
Napaupo na lang si Dani at umiiyak pa din na nakasubsob ang mukha sa kanyang mga tuhod. Tsaka sya may narinig na mga yapak papunta sa kanya pero 'di sya nagtaas ng tingin. Ang sakit ng puso nya na wala na syang pakialam kung sino man ang papasok sa changing room.
"It was your fault. I'm just protecting our base." malditang sabi ng estranghero.
Nagpanting ang tenga ng probinsya sa narinig. At may gana pa itong sumunod para sabihin lang yun?!
Pagalit na pinahid ni Dani ang mga luha. Gulat namang nakatingin si Yumi dito. 'Di inexpect ng chinita na mapapaiyak nya ang probinsyana. Bigla tuloy nawala ang galit nya.
"Kasalanan ko pa?!" sigaw ni Dani kay Yumi. Tumayo itong nakakuyom ang kamao. "Ikaw ang bumangga sa akin! Foul na yun, Yumi! Bakit kailangan mong gawin yun?! Wala akong ginagawa sayo Yumi pero ikaw itong bitter masyado at dinadamay mo pa lahat ng mg tao sa paligid mo. Tumingin ka nga sa paligid mo Yumi, kaya wala kang kaibigan kasi kung anong ginanda ng physical appearance mo, ganun din kapangit ang ugali mo!" galit na sabi ni Dani.
Nagulat naman si Yumi sa outburst ni Dani pero sandali lang. Nang maprocess na ni Yumi ang lahat ng sinabi ni Dani, bumalik ang galit ng chinita. At inunsulto pa ako ng bruha! Yumi forcibly pinned Dani on the wall.
Ang galit na mukha ni Dani ay napalitan ng takot. Nakikita nya kasi ang galit na galit na mga mata ng Chinita. Dani prepared herself na masuntok o masampal ni Yumi. But it didn't happen.
Instead, she felt the soft lips of the chinita pressing into hers. She froze af nanlalaki ang mga matang nakatingin sa nakapikit na chinita. Then ewan ba nya pero napapikit na rin sya. Hindi malaman ni Dani, but she's enjoying Yumi's kiss. The chinita's lips was so sweet and soft. And Dani love it na parang their lips was perfectly fit for each other.
Wow! Ganun agad, Dani? Shut up, brain!
The kiss was quick but breathtaking. Parang ayaw pa nilang kumalas sa isa't isa. But Yumi did.
Nakahilig ang mga noo sa bawat isa na nakapikit pa rin.
"Payback time. That is for kissing me without consent when I was at your house." bulong ni Yumi.
Nagtatanong na tinitigan ng probinsyana ang chinita. Gusto nyang sabihin dito na hindi nya alam ang pinagsasabi nito.
Kung hindi pa nila narinig na may mga hakbang na papalapit sa changing room ay 'di pa sana kakalas ang dalawa.
"Sorry." huling sabi ni Yumi at pinahid ang mga natitirang luha ni Dani pagkatapos ay nagmamadaling umalis.
Napaupo sa malapit na bleacher si Dani. Hinang hina ang mga tuhod nya epekto ng halik ni Yumi.
"Okay ka lang, Dani?" tanong ni Mara. Nanghihinang ngumiti ang probinsyana.
"Oo." sagot nito.
"Nakuuu! Humanda sa akin yang Yumi na yan. Sumusobra na talaga sya!" nagpupuyos na galit ni Kara.
"Hoy! Ano ka ba? Kaya mo ba yun?" paghahamon ni Mara.
Napatigil si Kara bago sumagot. "Eh edi pagtulungan natin."
"Tss! 'tamo to, duwag naman pala." tudyo ni Clara dito.
"Wag na, girls. Hayaan nyo na yun. Okay na naman ako. Basta panalo kami, yun ang mahalaga." sabi ni Dani at pilit na ngumiti.
"Tama!" high five naman nila Clara at Kara. Ngumuso namang 'di sang-ayon si Mara.
Pinilit makitawa ng probinsyana sa mga kaibigan. Wala sa sariling napahawak ito sa labi. Isang desisyon ang pumasok sa isipan nito.
Kakausapin ko si Yumi. Kailangan naming mag-usap ng masinsinan. Sabi ni Dani sa isip.
+++
DANICA
Hindi pumayag ang tatlo na hindi ako pumunta sa clinic pagkatapos ng pagkatambling ko kanina sa field. Sa sobrang tulala ko pa din sa halik ni Yumi ay hindi ko nakita at namalayang may mga gasgas pala ako.
Nothing major though. Hopefully.
Kaya naman sa ayaw at sa gusto ko, inakay ako ng tatlong kaibigan ko sa clinic.
"Aray! Aray! Dahan-dahan naman!" Napatingin kaming lahat kay Kara. Nakatayo ito sa gilid habang nakatingin sa ginagawang paglilinis ng nurse sa sugat ko.
"Hoy! Hindi ikaw yung ginagamot." Siko ni Mara dito.
Oo, nandun pa din yung tatlo. Bantay-sarado sila ngayon sa akin. Baka kasi daw hindi ako tumuloy sa clinic. Kaya ayan, daig pa mga bodyguards kung magbantay. Sweet nila 'no?
"Ako na yung nagrereact para kay Dani. Pa-cool, eh. Kunwari hindi nasasaktan pero yung ngiwi nya, jusko!" Kalog talaga si Kara. Intindihin nyo na lang.
"Pero bet ko yun, friend. You're so funny talaga." Support ni Clara.
Naghigh five pa silang dalawa ni Kara.
Nakangiti lang akong nakatingin sa mga ito. Kahit may mga masamang nangyari sa akin dito sa VBS, masaya akong nakameet ako ng mga ganitong kaibigan. Hindi pa rin totally bad experience ang pagpunta ko dito.
"Aaahhww..." react ko nung hindi ko na kinaya ang hapdi ng pinahid na gamot ng nurse sa sugat ko.
"Yunnn! Sige diinan mo pa, nurse! Nanggigigil ako dyan, eh. Pacool, eh." Gatong ni Kara.
"Baliw ka talaga." Saway ni Mara dito.
"Okay ka lang, Dan? Saan ang masakit? Tawagan natin mga kuya mo?" Si Clara na daig pa sa nanay ko kung makaasta.
Natawa na lang ako.
"Malayo 'to sa bituka. Ano ka ba." Natatawang sabi ko.
"Susss... may gusto lang makakita sa kuya dyan..." Mara said.
Nagtataka akong napatingin kay Mara kasi biglang siniko ito ni Clara. Nakangiwi ngayon si Mara.
"Ba't mo sya siniko? Hindi mo na mahal ang kambal mo!" Pinabest actress na nagpagitna pa si Kara. "Huwag kayong mag-away! Huwag kayong mag-away!" Sabi pa nito at nakayakap kay Mara.
"Baliw! Tsatsansing ka na lang napakaobvious pa." Clara retorted.
Ooohh... ano daw?
Nakita kong magsasalita pa sana si Kara pero naunahan na sila ng nurse. Pinalayas na sila nito sa clinic dahil ang iingay ng mga ito.
Huminging paumanhin na lumabas ang mga ito at sumenyas na lang na hihintayin ako sa labas. Hayyy, I'm really glad I met them. Even they are so loud, I really like them.
Mga dalawampu't minuto din ang lumipas at nakalabas na din ako sa clinic kasama ng sangkatutak na pain reliever na binigay ng nurse. Nagsorry muna ako sa nurse bago ako nagpaalam.
Naabutan ko ang tatlong nakaupo sa sahig at nakatulog na pala. Napagod ata talaga ito sa laro kanina. Nasa gitna ng kambal si Kara habang nakahilig ang mga ulo ng mga ito sa magkabilang balikat ng kana.
It was such a nice view. Dun mo talaga makikita on how close they are. I'm really glad they let me join in their circle.
Wala naman kasi talaga akong matatawag na close friend doon sa amin, si Marco lang. Though I said I'm miss congeniality sa Baguio, hindi ko talaga as in close ang mga ito.
Ewan ko pero walang nagtangkang makilala akong mabuti. Si Marco lang talaga. Kaya naman sinagot ko yun kasi napakacomfortable ko sa taong yun.
Oh s**t! Speaking of Marco, what am I going to do?
What am I even thinking? Why am I even thinking about someone when I have a boyfriend already?
Why do I even think about that kiss? Why am I even thinking na may something sa halik na yun? Why the f*****g hell am I so affected?
That was my first kiss. From a girl. It feels great pero yun lang siguro yun.
Hinawakan ko ulit ang aking labi. Ahh, bigla na lang nagflashback ang lahat. Bakit ganito? Mas lalo akong naguguluhan.
Tinignan ko ang naggagandahang dilag na nasa harapan ko. Do I feel something about them? Like the like-like thing?
They are pretty but I just want to be friends with them. Yeah, friends. I just want to be friends with her.
One, girlfriend sya ng kuya Cris ko. Two, I'm really certain that she's lonely. I'm really sure na may soft side si Mayumi Tan. When she said sorry to me before she left, I felt that. I felt the sincerity of that sorry.
Oo, siguro nga masokista ako. Kasi sinasaktan na ako nung tao, nagpupumilit pa din akong pumasok sa buhay nya 'no? Hindi ko din maintindihan yung sarili ko eh.
One thing I know though, I really want to be good friends with her. Bahala na.
I yawned. Ahh, magising na nga 'tong tatlong 'to.
"Girls, tara na." Walang kumibo sa tatlo. Malalim na ata ang tulog. Pagod na pagod nga. "Girls..." Inaantok na din ako, deym.
"Five more minutes." Sabi ni Clara kasabay ng pag-ungol na sang-ayon ng dalawa pang kasama. Nakapikit pa din ang mga ito.
"Oowwkkaaayy." Humihikab na sabi ko at nahiga sa legs ni Mara.
Pagod na pagod na din akong maglakad papuntang dorm. Ako din naman ang dahilan kung bakit sila nakatulog dito, walang iwanan sa samahang ito.
Good family, good friends, good school at isang masungit na chinita, life is good.
Hmmm... good night.