CH. 3: TULAK NG BIBIG

3524 Words
DANICA PHEW! Ang sungit ni Yumi. As in! To the max! Grabe! Nakakainis. Parang naubos yata lahat ng pasensya ko sa babaeng yun. For two weeks na stay ko sa VBS hindi talaga ako nagkachance makipagkaibigan dito dahil hindi nya ako pinapansin at kung hindi naman, tinititigan lang nya ako ng masama. Kaya naggive up na ako sa pakikipagkaibigan dito. Suko na ako. Ayaw ko na. Naisip ko din, pwes kung ayaw nya sa akin, ayaw ko din sa kanya. Haayyy, nakakapagod din kaya magplease ng tao. Buti na lang pinapauwi kami ni Dad para sa isang dinner date with the family this weekend. Makakalayo muna ako sa masasamang titig ng malditang babaeng yun. Did I mention wala na akong ina? Hmm oo, patay na ang totoong mama ko. Namatay sya ng pinanganak ako, so I never really met her in person, sa pictures lang. She just looks like me. Para akong carbon copy ng mama namin. So, nasa Lopez mansion kami ngayon for the weekend. It's still early kaya nagpasya akong maglibot-libot muna sa bahay. Nasa garden ako ng tumunog ang phone ko. "Hello?" tanong ko sa kabilang linya. "Hi, baby! Kumusta ka na? Miss na miss na kita." ayy, si Marco pala. "Hey, gummy bear. Miss you, too. How's school? Miss ko na kayong lahat dyan." malungkot na sabi ko. Naalala ko kasi ang payak na pamumuhay ko sa Baguio. Doon sa school namin, lahat kaibigan ko, lahat palakaibigan. Burden na talaga 'tong si Yumi sa buhay ko. Napabuntong hininga ako ng maalala ko na naman si Yumi. "Kami din baby namimiss ka na namin. Syanga pala, binisita ko sila Tatay at Nanay kahapon. Salamat daw sa pinadala mo. Sobra-sobra na daw yun." si Marco. "Salamat, gummy bear. Pakisabi kina Tatay at Nanay okay lang yun. It's time for me na makatulong sa kanila." kahit 'di nya ako nakikita, nakangiti pa rin ako. Masaya ako at nandyan si Marco na umaalalay sa foster parents ko. "Kailan ka makakauwi dito, baby?" tanong naman nito. Malungkot naman akong sumagot dito. "I'll let you know when Gummy bear. Medyo mahigpit pa kasi schedule ko sa VBS. Basta kung uuwi ako dyan ikaw ang number 1 na makakaalam. Promise." "Okay." buntong hininga nito sa kabilang linya. "So, how's school?" tanong nito. Nagkwento ako sa kanya sa mga nangyari since 1st day ng pagpasok ko sa VBS. Nakwento ko ang about kay Mara at Clara. On how Clara was so opposite kay Mara hanggang sa naging magkaibigan na kami ni Mara. Hope so, okay na nga kami ni Mara. Then si Kara na nag-aact weird tuwing magkasama sila ni Mara. At sinabi ko rin dito ang about sa masungit na si Yumi. Inis na inis nga din ito kasi wala daw karapatan si Yumi na sungitan ako dahil isa ako sa mga pinakasweet na tao sa mundo. Ayiiee... kinilig naman ako dun. Galit na galit talaga ito kay Yumi. Paano na lang kaya kung malaman nyang gf pala sya ng kuya Crispin ko. Haayyy, bakit ba parang ang bigat sa dibdib ko na gf nga sya ng kuya ko? Siguro dahil concern lang ako sa kuya ko at ayaw kong mapoison ng bitter na si Yumi ang alam kong mabait kong kuya. Mabait nga ba si Crispin? Matapos naming magkwentuhan ni Marco at magpaalam sa isa't-isa, mas lalo ko tuloy namiss ang Baguio. Pero alam kong matatagalan pa ang balik ko dun. Naalala ko si Marco at angmasasayang araw namin bilang magkasintahan. Magwawalong buwan pa lang kami pero minahal ko na ito tsaka ganun din naman ito sa akin. Actually, sya nga ang unang nagconfess na mahal na nya ako in our first month of relationship tapos ako nung 3 months namin. Transferee si Marco. Mayaman din ang pamilya nito pero ako nun, medyo katamtaman lang estado namin sa buhay but Marco fell in love with me. Sya kasi yung klase ng lalake na napakabait at mapagkumbaba. Kahit mayaman ito'y down to earth masyado. Kaya naman ng manligaw ito sa akin at pinakitang sincere naman ito, 'di na ako nagdalawang isip. Maraming nagtangkang manligaw sa akin but only Marco captured my heart not because of his wealth but because he is really a true kind hearted person. Minsan nga sa sobrang sweet nito, aakalain mong sya ang babae sa relasyon namin. Medyo soft kasi si Marco at ako naman dahil mahilig ako sa sports, eh astigin ako. "Penny for your thoughts?" sabi ng kung sinuman sa likod ko. Paglingon ko'y si Crispin pala. "Kuya." ngumiti ako dito. Ngumiti rin ito at naupo sa tabi ko. "Namimiss mo na ang Baguio?" tanong nito ng 'di nakatingin sa akin. Pareho kaming nakatingin sa magagandang roses sa harapan namin. "Uhm uhm. Pero okay lang naman. Nandito naman kayo, eh." masayang sabi ko dito. Ngumiti naman ito. Actually, ngayon lang kami nakapag-usap ng masinsinan simula ng nahanap ako ni Dad. "Masaya ako at nakita ka na namin, baby sis. Hindi mo alam kung gaano mo pinasaya si Dad ng malaman nyang buhay ka pa. Miss na miss ka namin." nakakalusaw ng puso ang sinabi nito sa akin. Aww, ang sweet pala nito. "S-Salamat kuya. I-i thought 'di mo nagustuhan ang pagbabalik ko dahil you never really talk to me since I came back pero you prove me wrong. Thank you, kuya. Kahit di tayo sabay lumaki, namiss ko rin kayo nila Dad at kuya Basil." naiiyak na sabi ko. He cupped my cheek with his one hand. "We always find a way para hanapin ka baby girl, kahit pa nga napakabusy naming lahat. Don't think na 'di ako o kami, masaya sa pagbabalik mo. We always long for you and love you, baby girl." ma-emosyon namang sabi nito. Tumango na lang ako kasi kung magsasalita pa ako baka humagulgol na ako sa harap nya. Niyakap nya ako with a comforting hug. I sniff, naiiyak naman ako sa kasweetan ng kuya ko. "Sorry talaga nung mga ilang buwan na di kita napansin kasi busy lang talaga sa school at hirap talaga ng may period." sabi nito. Agad akong kumalas dito. Is he joking? He look so serious at bumukas-sara naman ang bibig ko pero no words came out. Maya-maya'y tumawa ito ng malakas. Ay baliw? "Joke lang. Hahaha! Sana nakita mo mukha mo sa salamin. You look so convince." tumatawang sabi nito. Natatawa akong napalo ng mahina ang braso nito. "Ikaw talaga, kuya." "Baby girl sa macho at gandang lalake ko ba namang ito, ibabakla ko lang? Sayang naman, 'di ba?" nagsasabi naman ito ng totoo. Oo, gwapo at macho nga ito. Ganun din naman si Basil. Wala atang 'di nabiyayaan ng good looks at physical appearance sa pamilya namin, maipagmamalaki mo lahat. Matangkad din si Cris. Sa palagay ko, 6'2" ang height nito at mas matangkad lang si Basil ng ilang inch. Tsaka mas masculine look si Basil compare kay Cris kasi Team Captain sya ng Boys basketball sa VBS. "Pero okay lang naman sa akin yun. Gay, lesbian, bi or ano ka pa. You just can't choose whom you will love." kibit-balikat kong sabi. "Talaga?" pa high pitch nitong bulalas. Nagulat naman ako sa reaction nito at ng mapansin nitong natigilan ako, tumikhim muna ito bago nagsalita. "Ay, wagi." nakangiting bulong nito. Di ko narinig ang sinabi nito. "Anong sabi mo?" "Ay wala. Sabi ko ang ganda at cute cute mo." sabi nitong pinisil ang magkabilang pisngi ko. Natawa na rin ako sa kasweetan nito. Aww, I love this moment. "Ahem. Selos naman ako nyan. Isali nyo naman ako." sabay kaming nakangiting napalingon sa nakangusong si Basilio. Ang cute ng kuya ko. Hahaha! "Group huuuuugggg!" sigaw ko, extending my arms to the both of them. Nakangiti ng malapad na tumalima naman ang mga ito. Sinandwich ako ng dalawang higante. "I love you, kuya's!" bulalas ko. "We love you too, baby sis." sabay na sabi ng mga ito. Nagtawanan naman kami. Kambal nga sila! Ahh, i love this moment talaga! "Ay Cris, sya nga pala. Nandito girlfriend mo." basag ni Basil sa kasiyahan. At yun nga, nakatayo kung saan nakatayo kanina si Basil, ang malaanghel na chinita pero may pagkabruha. Ahh, akala ko ligtas ako ngayon sa mga nagbabagang paningin nito. Mali pala ako. It will be a long boring dinnnneeerrr! Kumalas naman kami sa pagkakayap. Agad namang sinalubong ito ni Crispin at binigyan ng halik sa pisngi. Ako nama'y parang slow motion na kinakabahang napatingin dito. And to my surprise, she's staring at me. Not in a friendly way and not in a bad way pero poker face lang. Nakagreet ako ng wala sa oras. "Hey!" nag-aalangang bati ko. Just prepare for another rejection Dani. +++ MAYUMI I had no choice but to attend this boring dinner with the Lopez's. Kung 'di lang sa pakiusap ni Dad at pakitang tao namin ni Crispin ay 'di ako pupunta dito. Ayaw na ayaw ko pa namang makita si Dani. Ewan ko ba pero ang taas ng blood pressure ko basta nakikita ko ito. Kasi naman napakaepal. Akalain mong two weeks pa lang sya sa VBS at naging usap-usapan na ito ng dalawang schools. Kesyo mabait, matalino, maganda, down to earth, palakaibigan. Hmmp! Plastic! Probinsyana kasi kaya naghahanap ng atensyon. Hindi ako bitter, ha. It's just that paepal talaga yung babaeng yun. And now I'm here sa mansion nila. At bakit naman ako maiintimidate, aber? Mayaman din naman kami. Sus, kung di lang talaga sa bwisit na partnership ng Tan shipping lines at Lopez Airlines wala sana ako dito ngayon. Grr. Kailangan ko kasing magpagood shot kay Sergio Lopez III. Botong-boto kasi ang bilyonaryo sa akin para kay Crispin. Nakakatawa nga eh, if he only knew about the truth about us, mahaheart attack talaga ito. Pinapasok ako agad ng maids dahil kilala na naman nila ako. Two years na din yata kaming magkasintahan ni Crispin, 'di ko din sure. I lost count. Basta matagal tagal na din. Nakasalubong ko si Basilio. Kahit naman magkamukha ang kambal, alam na alam ko na kung sino ang sino. "Hey, Yumi." bati nito sa akin at nagbeso. "Hola." bati ko naman dito. May spanish blood kasi ang mga Lopez. Sergio, Crispin and Basilio are always using that language pagnag-uusap ang mga ito. Ako naman, may alam lang ng kaunti. Eh chinese-filipina kaya ako. Casual lang naman ang relasyon ko sa kakambal ni Cris. "Manang, nakita nyo si Crispin?" tanong nito sa maid. "Ay nandoon man segoro sa garden, ser." sabi ng maid sa may tonong bisaya. "Okay." sabi nito at bumaling sa akin. "Punta tayo kay Cris?" aya nya sa akin. Tumango ako. Actually, mababait talaga ang mga Lopez, pero 'di ko pa rin matanggap sa sistema ko ang bunso nilang probinsyana. Tahimik kaming naglakad patungong garden. Papalapit ng papalapit kami sa garden at rinig na rinig ang masayang pag-uusap ng dalawang magkapatid. Nasa likod ako ni Basil kaya 'di ko agad nakita ang mga ito pero naririnig ko ang usapan nila. "Ay wala. Sabi ko ang ganda at cute cute mo." narinig kong sabi ni Cris sa kausap na I'm sure na kung sino. The girl giggled. Wow! Ang sarap naman ng tawa nito. Wait, what? "Ahem. Selos naman ako nyan. Isali nyo naman ako." parang batang maktol naman ni Basil. Wow ha. Ganito pala ito. Akala ko seryosong tao ito. "Group huuuuugggg!" mayamaya'y sigaw ni Dani. Parang bata namang nagtatakbo si Basil. They give their sister a bone crushing hug. Ang cute naman nila. Ay, inggit ka ano? Hindi ah! Nababaliw na ako. Kinakausap ko sarili ko eh. "I love you, kuya's!" si Dani. "We love you too, baby sis." masayang sagot ng dalawa. Ugh! I hate too much affection. Baduuuuyyyy!!! "Ay Cris, syanga pala. Nandito girlfriend mo." sabi ni Basil. Tsaka naman nila ako napansin. Crispin gave me a kiss on the cheek. Hindi ko napigilang 'di rin tumingin kay Dani. She look gorgeous today. Ansabe ko? Ano ba, Yumi! "Hey!" alangang bati nito. Haha. Muntik na akong matawa sa pag-aalangan nito. Eh sino ba namang hindi. For two weeks lang namang pinagmalditahan ko ito at pinakitang how much I dislike her. But infairness with this girl, hindi nagpapaapekto sa pagiging masungit ko dito. "Hola." bati ko naman dito with a plastic smile. The girl just smile back genuinely. Ang optimistic talaga ng isang 'to. Nawala tuloy ang plastic smile ko at napalitan ng poker face. Masaya sya kung mapapangiti nya ako. Tss. "Ser, mam, dinner es ready na po. Nagahintay na po sa inyo sa lamesahan si Ser Sergio po." sabi ng kasambahay. Tumango lang kaming lahat. Cris hold my hand and gently drag me towards the dining area. I smiled to him and he just smiled back. Tapos nauna na kaming naglakad. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa mga nasa likod namin. +++ Dinner was boring as usual. Halos business na naman ang napag-usapan ng mag-anak and Dani was just silent all the way. Sergio and Cris were busy talking with the airlines and their other businesses. Si Basil at Dani naman nakahanap ng magagawa. They're just basically throwing foods to each other, secretly. Ugh! So childish. Magkatabi kami ni Cris sa kabilang side. Nasa gitna naman si Sergio. Sa kabila naman si Basil at Dani. So, sa table na yun magkaharap kami ni Dani. Kanina pa ako nagnanakaw ng tingin dito and gladly 'di ito tumitingin sa akin. Mabuti naman. She knows who's in the upper hand between us. "Stop it, guys. There's a lot of people starving at kayo nama'y nagsasayang ng pagkain." si Sergio. Tumigil nga ang dalawa pero humabol pa ng bulong si Basil kay Dani na narinig ko. "As if naman mabubusog sila pagkinain natin lahat 'to." sabi nito. Then the girl giggled. Ang cute talaga ng tawa nito. Anong sabi mo yumi?! Ano ba! Bakit ko ba nasabi yun? "You okay, babe?" nag-aalalang sabi ni Cris. 'Di ko namalayang napalo ko pala noo ko. "Y-yeah I'm fine." nagstutter ako dahil the green eyed girl stared at me. Why does she have this effect on me? Then awkward silence... "So, how's school, baby girl?" tanong ni Sergio kay Dani. Baby girl? Eww! Pero kinabahan ako bigla. Sasabihin kaya nitong ako ang mean girl sa buhay nya sa VBS? Patay ako nito kay Dad kung nagkataon. Matagal na 'di nakasagot si Dani dahil nilulon muna ang pagkaing nasa bibig nito. Infairness, may manners naman pala ang probinsyana. Actually, di naman talaga sya halatang probinsyana. Napakasophisticated nya, gentle, maganda, sweet, thoughtful, friendly... Ano bang sinasabi ko? Oh God! "Okay naman, Dad. The teachers and students are all... Friendly." sabi nitong nakatingin sa akin. Pinapaguilty nya ba ako? Well, I'm not. "That's good. I know Yumi will also take good care to you there, 'di ba Yumi?" I spilled my wine. Eh bakit ba naman kasi tiniming ni Tito Sergio na magtanong ng di kanais-nais na tanong habang umiinom ako. Yes, pinayagan kaming uminom ni Mr. Lopez. Tutal naman daw 17 na kami ni Dani at 18 na ang kambal. Cool 'di ba? In my case, sanay na akong uminom at tsaka 'di rin ako heavy drinker, moderate lang ako pag-umiinom. "Baby, okay ka lang?" assist naman agad ni Cris sa akin. Galing din umakting ng kumag na 'to. "I'm fine." sagot ko naman at ngumiti dito habang pinapahid ang mukha at damit ko na natapunan ng wine. "And Tito, of course I will take good care of your daughter." sabi kong nagsmile ng pinakasweetest smile ko. What the hell? Kailangan ko pa bang i-babysit ang anak nya? "Thank you, Iha." ngiting ganti naman ni Sergio. "Excuse me po. I think I might use the banyo." sabi ko at tumayo na. "Samahan kita?" si Cris. Oa na ito ha. Galing umarte talaga. "No thanks, baby. I can manage." ngiti ko dito. Tumango na lang ito at nagkibit balikat. That's the true him. "Samahan na kita." sabi naman ni Dani na 'di ko inaasahan. She didn't wait for my reply and just drag me to the comfort room. "Bitiwan mo nga ako." I wiggle my hands from her and she let go of me with a heavy sigh. Nasa banyo na kami. "Yumi, you don't need to promise my Dad na magbabysit sa akin sa VBS. Truly, I can take care of myself." sincere naman na sabi nito. I mockingly laugh at kumuha ng tissue para punasan ang damit ko. "Did you really buy that? What makes you think na nagsasabi ako ng totoo, Dani? Ano ako yaya mo? Tsaka masaya ka kung ibebabysit kita. Huh, I so much hate you kaya 'di ko gagawin yun." sabi ko dito. I saw her face fell. "B-bakit ba hate na hate mo ako? Ano bang ginawa ko sayo?" mababanaag ang sakit na nararamdaman nito sa kanyang pananalita. Parang gusto ko na tuloy bawiin ang sinabi ko. Pero hindi. I'm not that kind of person. Dani must know where she stand at me. "I hate you because you're just a trying hard stupid province girl mingling with rich kids. 'Di porke't nakadamit mayaman ka na, belong ka na sa circle namin. You're just a pathetic fool thinking you could be like us. Wake up Dani, you don't belong here." sabi ko. Emphasizing every word to her. Nakita ko naman ang sakit na gumuhit sa green eyes nito. Lumungkot ang mukha nito. "'Di naman ako ganun ah." naiiyak na sabi nito. "Of course you are. Social climber!" sabi ko. She gritted her teeth and I thought masusuntok o masasampal nya na ako but she just stomped her feet walking outside the comfort room. Napabuntong hininga ako sa relief. Napatingin ako sa mukha ko sa salamin. Tama ba ang ginawa ko? May part ng utak ko na nagsasabing tama lang ang ginawa ko dahil yun naman talaga ang nasa isip ko pero may part rin sa isipan ko na nagsasabing mali ako. Nagiguilty ba ako? No! I shouldn't be. +++ All the way again to the dinner, usapang business pa rin sina Sergio at Crispin. Si Basilio naman nagpaalam na may aasikasuhin. Samantalang si Dani naman, tahimik na naglalasing. Ako lang ang nakakapansin, busy masyado ang dalawang lalake sa pag-uusap eh. I was just observing her. I totally made her upset. Ni ayaw nya na ngang tumingin sa akin. Dapat nga maging masaya na ako, 'di ba? Eh bakit iba ang nararamdaman ko? Maya-maya'y tumayo ito at nagpaalam na matutulog na. "Hik! Tulog na ako Dad, kuuya. Hik! Good night sa lahat." sabi nito at malapit na natumba sa pagkakatayo. "Oops! Hehe!" sabi nito. "Lasing ka, 'nak?" tanong ni Sergio. Obviously, lasing nga. I rolled my eyes sa obvious question nito. "Eh hindi, Dad. Naparami lang. 'Di kasi ako sanay uminom ng wine, eh. Wala kasi ito sa probinsya." bitter na sabi nito tapos tumingin sa akin. Bigla naman parang may sumundot sa akin sa sinabi nito. "Sige guys. Adios!" paekis nitong lakad palayo. "Need help, sis?" sigaw ni Cris. "Nah, I'm fine." balik na sigaw ni Dani. Makakarating kaya ito sa kwarto nya? Nag-alala na tuloy ako. Eh bakit ba kasi nasabi ko yun? Wala naman itong ginagawa sa akin, ako lang yung super mean. "Can I assist her, Tito?" volunteer ko. I don't know why I said that. Tumango naman ito. "Okay, Iha." Nagtatanong na mga tingin naman ang sinalubong sa akin ni Cris, kumibit balikat lang ako. "Nasa pangalawang kwarto mula sa dulo ang kwarto ni Dani, Iha." sabi ni Sergio. Tumango ako at nagmamadaling sumunod kay Dani. Naabutan ko ito na nakahiga sa sahig. Nasa kwarto na nya ito pero hindi ito nakaabot sa kama nito. Oh God! What did I do to her? "Dani... Dani..." gising ko dito. Medyo mabigat din pala ito kahit na nga slim itong tignan. "Hmm chinita. Anong ginagawa mo dito? 'Di ba you hate me?" lasing na sabi nito. "Let's not talk about it. Nandito ako para tulungan ka." sabi ko at pilit binabangon ito. "Tayo ka na, Dani. Sa bed ka matulog." "Hindi ko kailangan ng tulong mo. Baka insultuhin mo na naman ako at ipagkalat na may utang na loob ako sa'yo." pilit na bangon nito pero she just fell in my arms. Tinulungan ko naman itong makaabot sa kama nito. Pero na out of balance kami. Napahiga kaming pareho sa kama at nakadagan ako sa kanya. I didn't realize na nakahawak ang isang kamay ko sa isang boobs nya. "Uyy rereypen mo ako?" shucks! Ang awkward ng posisyon namin. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa at kitang kita ko kung gaano kaganda ang mukha nito lalo na ang mg mata nito. "Chinita---" sabi nito. Ang hangin na lumalabas sa bibig nya'y tumatama sa mukha ko. That sent a million sparks on my veins. Bigla akong napatingin sa lips nito. It looks so inviting. How does it feel to kiss her lips? Bago pa ako nakapagsalita, nauna na itong humalik sa akin. Just when I felt her soft lips to mine, 'di na ako pumalag. Napapikit na lang ako sa sensasyong naramdaman ko. Dani deepen the kiss. Para bang 'di ito lasing at madali nya kaming napagpalit ng posisyon. She was on the top now. And I like the aggresiveness of her kiss. Hinalikan nya ako ng mariin. Nibbling my lower lip and bite it for me to open an entrance for her tongue. Hindi naman ito ang first kiss ko but I have never kissed someone like this before. Even Crispin. Pinasok ni Dani ang dila nya at nanglaban ang mga dila namin and she won. Ugh! Pati sa paghalik, nanalo pa rin ito. Hindi ko napigilang mapaungol ng sipsipin nya ang dila ko na parang lalamunin na nya ang kabuuan nito. Wow! This girl knows how to pleasure someone. I was gripping Dani's reddish brown hair hard at tinutulak ng mariin ang mukha nito sa mukha ko. I'm afraid that she would just break the kiss because honestly, I was totally turned on. Then Dani didn't finish there. She trailed kisses to my jawline then to my neck. Tapos doon parang uhaw na uhaw nitong hinalikan ang leeg ko. Nahuli nya ang soft spot ko ng halikan nya ako sa bandang tenga. Gosh! I moan again. "Aaahhhh..." "Hmm that sound so sweet." namumungay ang mga matang sabi nito at binigyan uli ako ng full blown kiss tsaka ito nagcollapse. "Dani?" yugyog ko sa balikat nito. Fuck! Tinulugan ako! Sexually frustrated pa naman ako. s**t, Dani! Ugh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD