CH. 2: NAKAKAINIS!

3625 Words
MAYUMI KUNOT noong pumasok ako sa office ng Student Council. Nakita kong kumportable ng nakaupo ang iba pang myembro ng Student Council Organization (SCO). Ako at si Micah na lang pala ang hinihintay. Eh dapat na maghintay lang sila, ako naman ang president eh. "Hmm someone's having a bad day." parinig ng P.I.O na si Kara. Isa ito sa mga taong kinaiinisan ko din dahil medyo walang epek ang pagiging ice queen ko dito. Kara's cool in everything. Isa din sya sa mga macoconsider na beauties ng VBS. Kara and Sheila are the undefeated duo pagdating sa lawn tennis. Tinignan ko ito ng masama at nagkibit-balikat lang ito at ngumiti ng nakakaloko. Mas lalo tuloy akong nainis. I'm really having a bad day dahil may isang napakatangang nilalang na bumangga sa akin kanina habang nagmamadali ako for the meeting. Ang nakakainis, eh nalate pa ako ng dahil sa kanya. Bago sa paningin ko ang babaeng yun. I'm sure bagong estudyante talaga ito. Pero paano nangyari yun? Impossibleng makakatransfer ka sa VBS kung hindi lang naman maimpluwensyang tao ang nagback-up sa'yo. Napaisip ako ng mabuti na napaupo sa bakanteng silya sa tabi ni Micah. Nilalaro ko ang dulo ng akingbuhok habang iniisip ang nangyari kanina. Nasigawan ko ng ilang beses yung babae. Sa totoo lang, I am so pissed dahil nobody dared to bump at me just like that. Tsaka parang wala lang dito ang pagsusungit ko which pisses me more but when I clearly see her face, natulala ako sa green eyes nito. I've seen a lot of beautiful girls in my life but her beauty was captivating and intimidating. That's why I hate her because para akong na-awestruck dito and I felt chills on my spine lalo na ng ngumiti ito sa akin. Parang may nagliparang butterfly sa stomach ko ng hawakan nya ako, I mean she hugged me. For goddamn sake! Did she realize na her sexy body, oo I called her sexy, nahawakan ko kasi curves nya at she has really a nice boobs. Wait... What am I saying? What am I thinking? Hindi naman siguro ako tomboy ano kasi may boyfriend naman ako. Tsaka ewan, kasi yung boyfriend ko for the sake of fame lang naman sya. Alam naming pareho na naggagamitan lang kami. Napakuyom ako ng kamao sa iniisip ko about sa bagong estudyante. Makaresearch nga ng malaman kung sino ang bruhang yun at ng makaganti na rin sa ginawang pagbunggo sa akin. Nakulong na naman ako sa sariling isipan at di namalayang nakapasok na pala si Mrs. Blanca, ang adviser ng SCO. "Good morning, girls. So, let's start the meeting. Yumi?" tawag nito sa akin. "Ah, yes?" I snap at my thoughts. I heard Kara snickered at my back. She's really enjoying seeing me in my vulnerable state. "Yumi, you can start now the meeting." sabi naman ng buntis na teacher at naupo na sa bakanteng silya. Tumango ako dito. I glare at Kara once more at as usual nagfake shock lang ito na parang nahurt. I heard some of our companions giggled sa ginawa ni Kara sa akin. At ang mga walanghiya, pinagtagtatawanan pa ako. Humanda kayong lahat! Pagbabanta ko sa isipan. Then I compose myself at tumayo. "Please write the agenda on the board, Miss Secretary. Do I always need to remind you that?" supladang sabi ko sa maliit na babaeng si Ella, ang SCO secretary. Nag-apologize naman ito na parang may ginawang masama. May ginawa nga ito kasi isa ito sa mga tumawa kanina. Lumapit na nga ito sa unahan at nagsusulat na sa board ng may biglang nagsalita. "Ah excuse me, Ma'am." si Kara na kinukuha ang atensyon ni Mrs. Blanca. "Yes, Kara?" sagot nito. Tumaas naman kilay ko. Although b***h sa akin si Kara, hindi naman ito mahilig mag-interrupt pag nasa meeting o sa klase. Oo, magkaklase kami. Unfortunately, sa lahat ng subject. "I heard rumors about the new student. I mean, transferee." pagkaklaro ni Kara sa statement nito. Hmm, interesting. Di ko na kailangan magresearch. Thumbs up ako kay Kara ngayon pero syempre hindi ko pinakita ang pagkainteresado ko sa topic. I maintained my poker face. "Yes, meron nga. I think she's in senior year din. Ang ganda nga nya, eh." sabi naman ng auditor namin na si Karen. I agree, maganda nga sya. Biglang sabi ng utak ko. Wait, what?! "Yes. Meron nga. And correct Karen, classmate nyo sya and it's rare na magkaroon ng transferee in this school but she's the daughter of Mr. Lopez so... alam nyo na." nag-aalangan namang sagot nito. Wow! That girl is rich. Kaya pala nakapasok dito. But still, she has no right to just bump at me like that! "As in Sergio Lopez III? The major stockholder of VBS s***h owner of Lopez Airlines s***h business tycoon s***h billionaire?" bulalas ni Kara. I rolled my eyes sa tinuran nito. Bakit kailangan pa nyang enumerate lahat yun, eh alam yun lahat ng madla. Tumango lang si Mrs. Blanca then she continued. "Dani is pretty clever also that's why there's no reason not to accept her here. She passed all the exams with an A+ and she's very kind." "Dani? Cool." sabi ni Kara. Boy name? Bakit kaya? And she was pretty impressive. How come too late ako ngayon sa balita? "So that means, mas mataas pa ang nakuha nyang scores sa exams kaysa kay Yumi, teacher?" tanong ni Micah. Ugh! Did she go beyond my scores? I'm going to kill her. "Actually, no Mic. But same lang ang percentage rate nila. Odd nga, 'di ba?" sabi ni Mrs. Blanca. Wow! As in parang tie? "Uhmm, looks like a competitor." sabi ni Kara na nakita kong nakatingin sa akin. Her face plastering a mocking smirk. Nagsimula naman ang bulong-bulungan. Nakakarami na ito, ah. This girl needs to be discipline. Humanda ka, Kara! "Ahem. Should we start the meeting or magchichismis na lang kayo dito?" nakataas kilay na sabi ko. Natigil naman ang mga ito at napaupo ng maayos. They know kung hanggang saan kayang abutin ang topak ko pagnagkataon. "Let's start, Yumi." sabi ng buntis. The meeting started with the main agenda which is the annual acquintance party ng dalawang schools. Yes, that means kasali din ang boys school. Gaganapin ito sa Manila Hotel 1st week, next month. We discuss the things na nameetingan na rin at napagkasunduan ng President ng Boys School na si Crispin Lopez, kapatid ng transferee. I told them what we should prepare for the party at ang mga shows and I designate the committees. After that, the meeting adjourned. +++ DANICA "At kung ikaw ay nakatawa Ako pa ba ay nakikita Nalilimutan ko ang itsura ko Kapag kausap na ikaw Sana naman ako'y pakinggan At nang ikaw ay malinawan Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin Oh! Chinita.. Chinita.." hindi ko alam pero kanina ko pa kinakanta ang awit ni Yeng Constantino na Chinito. But ever since nakabangga ko si Mayumi kanina, nagpop-up lang yung awit sa isipan ko. Nasa dorm na ako dahil natapos na ang aking klase. Nag-impake muna ako ng mga gamit ko dahil hindi pa pala ako nakakaunpack. Hindi ko na nakita si Mara simula kanina pagkatapos nya akong i-tour. Napanis yata laway ko dahil hindi talaga ito palakausap tsaka ang seryoso pa. Buti na lang cute yung babaeng yun. Pero mas maganda si Yumi. Eh? Isisingit talaga si Yumi? Paulit-ulit kong kinanta yung Chinito na ginawa kong Chinita. Natatawa nga ako. I'm being silly ever since I saw Yumi. I guess, ayaw ko lang talaga ng may kaaway that's why I can't stop thinking about her. "Nice voice." sabi ng kung sinuman sa likuran ko. Napalingon ako at nakita ang maaliwalas ang mukhang si Mara. Iba aura nya ngayon, ah. Ngumiti ako. "Tapos na ba klase mo? Salamat nga pala sa pagtotour mo sa akin kanina, ha. Hindi na ako nakapagpasalamat kasi umalis ka kaagad." Para namang nashock ito pero ngumiti na din ito kalaunan. Mas cute pala ito kung nakangiti. Unang beses nya pa lang akong nginitian at masaya naman ako dahil may soft side pala ito. Pero may kakaiba talaga dito. Nakalugay na ang mahabang buhok nito at wala itong suot na glasses. Tsaka black ang bag ni Mara kanina, bumalik ba sya to change her bag into lavender? Pero before pa ako makapagsalita ulit, bumukas na naman ang pinto at iniluwa ang totoong Mara. Nakalimutan kong may kakambal pala ito. Eh kasi naman magkamukhang magkamukha talaga, same height, same color of hair and eyes. Pareho talaga. Malilito ka talaga kung sino ang sino sa kanila. "I see you met my twin, Dani." sabi naman ng nakabusangot na si Mara. Agad itong nahiga sa kama nito, burying her face to the pillow. Always having a bad day, huh? "Ah eh... Oo." sagot ko naman. Kaya pala iba ang aura ng akala kong si Mara dahil hindi pala talaga sya ito. "Hi, room mate. I'm Clara, Mara's twin and hot sister." nakangiting bati nito, giving me a welcoming hug. Nag-aalangan naman akong napayakap na lang dito. "I'm Danica but Dani na lang for short." sabi ko naman ng kumalas na ako dito. She gave me a friendly smile. I feel warm naman sa friendliness nito kaya I gave her my sweetest smile. "Believe me, I know." sabi naman nito. Napakunot noo naman akong nakatingin dito with a questioning look but she just smiled to me. "Tulungan na kita para sabay na tayo magdinner and we will have a lot of girl talk and stuff to do." Clara said giddily. Natawa naman ako sa ginawa nito. I think magkakasundo kami nito. "Claring pwede ba hinaan mo lang boses mo. Nakakairita, eh." sabi naman ng nakahiga pa ding si Mara na hindi naman nakatingin sa amin. "Maldita, I'm just being friendly here. Unlike you, napakacold mo. Come on sis, bago lang si Dani dito. She needs company, 'di ba Dani?" si Clara. Tumango lang ako at ngumiti. Palagay ko cat and mouse din ang kambal na 'to. Natawa ako sa pet name nila sa isa't isa. Tinulungan nga ako ni Clara to arrange my stuff. Nakilala ko pa ito ng husto. Masayahin at napakafriendly nito na opposite naman ng kakambal nya but I guess may malalim na pinaghuhugutan naman si Mara sa attitude problem nito. And I'm willing to patiently wait na maging magkaibigan kami. Ako kasi ang klase ng tao na kahit sino o ano ka pa, I'll try na maintindihan ka. Masayang kausap si Clara. May pagkacomedian din pala ito. Tawa ako ng tawa sa mga jokes nya samantalang babarahin naman sya ni Mara pag may time ito. Ang bitter talaga ng isang yun. But Clara is just cool about her. After a while, nang matapos na kaming mag-arrange ng gamit ko, Clara change into her short shorts at lavender tank top, matching a lavender flipflops. Ako nama'y skinny jeans lang at white v-neck t-shirt at flipflops. And we are ready to go for dinner. "Let's go, Dani." aya ni Clara. "Maldita, sunod ka na lang sa cafeteria. Okay?" "Wala akong ganang kumain." si Mara. "Kakain ka dude kung ayaw mong magkasakit." sabi naman ni Clara dito. I smiled sa pagiging concern nito sa kapatid. Ang sarap nga talaga siguro ng may kapatid. In my case, I have two brothers pero dahil sa bago pa lang ako sa family, si Basilio lang ang medyo close ko, si Crispin naman, aloof pa rin. "Sige, bye. Sunod ka ha." at hinalikan ang nakahiga pa ding si Mara sa noo nito. "Eww." sabi ni Mara na pinahid pa ang hinalikan na parte ni Clara. Kambal man sila at magkamukhang-magkamukha pero opposite sila masyado sa ugali. Natawa lang si Clara at inaya na akong lumabas. "Bye, Mara." paalam ko but she just waves her hands with a not interested expression in her face. Just like Clara did, I just ignore her attitude. +++ "Alam mo Dani ganun lang talaga si Mara pero sa totoo lang malambing at mabait yun pag nakilala mo na sya ng mabuti." sabi ni Clara. Nasa cafeteria na kami. At buong akala ko ordinary cafeteria lang ito pero napahanga ako ng makitang isa pala itong restaurant. They called the place, DITO. Napakacozy ng place and the foods are really great. "I understand, Cla." sabi ko naman dito. Madaldal din talaga si Clara at marami kaming napag-usapan. Nagawi ang topic namin sa kambal nito dahil I ask kung bakit ganun kalamig magtreat ng tao si Mara. "May pinagdadaanan lang yun. Intindihin mo lang, ha." sabi ulit ni Clara. "Sinong may pinagdadaanan?" tanong naman ni Mara na naupo sa tabi ko. Four seating capacity kasi ang per table ng DITO at nasa couch style kami nakaupo malapit sa entrance. Nakasuot ito ng army shorts at black v-neck shirt. Nakamessy bun ang mahabang buhok at as usual the glasses na nagpapalook sexy dito. Paano kaya kung magglasses din ako? Eh, wala naman akong sira sa mata. "Ay sabi ko may dinaanan ka pa kaya ka medyo natagalan. Nagbasketball ka pa?" pag-iiba naman ng usapan ni Clara. Kunot noong tumingin si Mara sa kakambal pero hindi na lang nagsalita at umorder na sa waiter na lumapit sa amin. "Chicken Salad and water, please." si Mara. Tumango naman ang waiter at umalis na. Atleast polite naman pala. "So, naikot mo na ba ang whole VBS?" tanong ni Mara sa akin. Nagulat naman ako sa unang pagbubukas nito ng conversation pero sinagot ko na din ito. "Hindi pa, eh. Pero salamat nga pala sa pagtotour mo sa akin kaninang umaga." sabi ko naman na humarap dito. Nagkibit balikat lang naman ito. Napangiti ako dahil mukhang kumportable na ito sa akin. Dumating ang order nito. Sumasali naman ito sa usapan namin pero tango o yes or no lang ang sinasagot. Maya maya'y nabusy na si Clara sa phone nito at wala akong kausap. It's my chance na makipag-usap kay Mara. "Ah, pwedeng pahiram sandali ang glasses mo?" sabi ko dito. Kunot noong bumaling naman ito sa akin pero binigay din ang glasses nya. Sinuot ko naman at muntik ng mahilo sa lakas ng lens nito. "Ay totoo nga. Akala ko for fashion lang. Hehe. May eye problem ka pala?" tanong ko at binalik ko mismo ang eye-glasses nya sa mukha nito na ikinagulat nito pero sandali lang. Ngumiti lang ako. "Oo." sabi naman nito at kumain na ulit. Ang tipid talaga. "Simula ng mahulog sya sa competition nya sa Thailand four years ago, nadamage na ang mata nya." sagot naman ni Clara na nakatingin pa rin sa phone nito. Wow! Competition? "Competition? Anong laro naman yun?" tanong ko kay Mara. "Horseback riding." maikling sagot ni Mara. "And she's the best horseback rider ever!" proud na sabi ni Clara. I smiled to her proud demeanor at bumalik na ulit sa pagtetext o whatsoever. "Wow! Can you teach me? Hindi pa ako nakakasakay ng kabayo, eh." sabi ko na napahawak sa braso ni Mara. Napatingin naman ito sa braso nito. "Of course she will, 'di ba Mars?" kumbinsi naman ni Clara dito. Tinignan naman ito ng masama ni Mara. "You know I don't ride anymore, Claring." mariin na sabi nito. I can feel the hurt sa boses nito. Looks like she's really disappointed dahil hindi na sya nakakasakay sa kabayo dahil sa estado nya. Now I understand her more. She must really love horseback riding. "Basic lang naman, eh." pilit naman ni Clara dito. "You don't need to ride. Just teach her the basic." "Clara----" angal ni Mara. I softly grip the arm of Clara. "Its okay, Cla. Huwag mong pilitin si Mara. And Mara, I understand. Please huwag na kayong mag-away." ngumiti ako sa kanilang dalawa and luckily ngumiti din si Clara and after Mara let out a sigh, ngumiti na din ito sa akin. Yes! Ngumiti din. Masaya kong na-pinch ang magkabilang pisngi ni Mara. "Ang cute mo naman pala pagngumingiti ka. You should do that more often." sabi ko at nakita kong nagblush ito bago naglook down. "See I told you, sis. Mas cute ka kung nakangiti. Dalawa na kami ni Dani nagsabi nun ha." sabi naman ni Clara na nakatingin pa din sa iphone nito. "Count me in." epal naman ng isang magandang babae na umupo sa tabi ni Clara. Napatingin kami ni Clara sa kanya but Mara just look down. Nakaglue ang mga mata ng stranger kay Mara. "Kara. Ikaw pala." nakangiting bati ni Clara dito. "I forgot, tatlo na pala tayong nagsabi kay Mara na she's cuter if she smiles." Ngumiti naman si Kara dito at binalik ang tanaw kay Mara na nakayuko pa ding kumakain. Tapos na kaming kumain ni Clara. I felt Mara's nervousness simula ng dumating si Kara. Hmm what's going on? Minsan I hate being so observant, ang dami kong nakikita at naiisip na hindi dapat. "So, are you all ready for the Acquaintance Party?" tanong ni Kara na kay Clara na nakatingin. Tumango naman si Clara. Si Mara walang pakialam. Ako naman, wala akong alam sa pinag-uusapan nila. "Oh sorry. May bagong student pala." sabi ni Kara na finally na notice na ako. "Hi! I'm Kara Davis and I bet you're the talk of the day Danica Lopez." sabi nitong nakasmirk at inilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman ang kamay nito. Talk of the day? Ganun agad? "Nice meeting you." sabi ko at ngumiti dito. Kara was a beautiful girl with a blue eyes and dirt blonde hair. Tanned na ang mapuputing balat nito na bumagay naman sa magandang katawan nito. She's wearing a blue tank top, mini-skirt at blue doll shoes. Para nga syang si Barbie. "Nice meeting you too, gorgeous." sabi naman ni Kara na pinisil ang mga kamay ko. I blushed sa compliment nito. As I've said, hindi ako sanay sa mga kumplimentong mismo sa mukha ko sinasabi. Para namang nabulunan si Mara. Bigla akong napakalas sa pagsheshake hands namin ni Kara at agad na inabot ang tubig kay Mara. Nagtitigan naman si Mara at Kara. Mara gave Kara a questioning look and Kara was just smirking. Clara was busy tapping at her phone. Kilig na kilig sa kung anong ginagawa. Hindi nya tuloy nakita ang tension sa pagitan ng dawalang babae. There was a long silence after that. They just stared at each other with the looks na hindi ko mabasa. "Uhm so..." panimula kong salita ng mabaling sa entrance ang mga mata ko at makitang pumasok ang anghel na chinita. She's wearing a tore jean short shorts revealing her tonned long legs that makes me drool, cream silk sleeveless loose top na visible na ang malulusog na Mount Apo nito and let her brown hair in a perfect big curls. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang description ko sa kanya. Napansin ni Kara ang pagkatulala ko sa kung sino mang pumasok sa entrance kaya tinignan nya rin kung sino at Kara snorted in disgust. "The so called Ice queen is here." naiiritang sabi nito. I guess marami ang ayaw kay Yumi. But she's a freaking goddess! Kailangan ko na talaga sigurong magpadoktor. Kasi bakit parang nagkakaidentity crisis ako sa babaeng yun. "I heard you bump at her kaninang umaga, girl. That's good at huwag kang magpapaintimidate sa kanya." sabi naman ni Kara. Tumango lang ako at pasimpleng sinusundan ng tingin sila Yumi at kasama nito. Naupo sila sa malayong table from us but enough for me to see her. Yumi roam her eyes to the place ng matapos silang umorder at hindi akalaing nahuli nya akong nakatingin dito. I have no time to look somewhere else. Kaya ngumiti na lamang ako ng napakasweet sa kanya pero umirap lang ito at bumuntong-hininga. Bakit ba galit na galit ito sa akin? But according sa rumours, Yumi hates everybody. Napansin naman yun ng kasamahan nito at lumingon sa direksyon namin. I smiled to them and they smiled back. Kara then wave to the girls and nagwave back naman ang mga ito, but as usual Yumi just ignored her as well. Mabuti pa yung dalawang kasama nito. "So, about the Acquaintance Party. Next month na yun." sabi ni Kara. May idea na ako sa sinasabi nya. It was like pawelcome sa students ng VBS boys and girls, annually. Sa Manila Hotel daw ito i-heheld. "Sinong partner mo, Cla?" tanong nito kay Clara. "Wala pa nga, eh. Wala pang nag-approach sa akin. At kung meron man, marereject ko lang sila dahil alam mo na kung sino ang gusto kong makapartner." malungkot na nagsip ito sa juice nya. Tumango naman si Kara. Hindi na ako kumibo. Kailangan pala may partner? Wala pa naman ang bf ko dito. I'll ask my brothers na lang. "Ikaw, Mars?" tanong ni Kara dito na parang ninenerbyos. Napapitlag naman si Mara. And why is that, that everytime Kara looks at Mara, Mara is like trembling at hindi mapakali. Ganun din si Kara. "I don't know. Juancho asked me to be his partner. Maybe I'll settle with him." si Mara. "Juancho?" sabi ni Kara in a high pitch tone. Pinagtitinginan na tuloy kami ng ibang estudyante. Nagulat naman ako sa reaction nito. "Akala ko ba wala na kayo?" "Wala na nga. But I just kind of promised him that we will go together so, that is why. Believe me, yun lang yun." sabi naman ni Mara na parang nag-eexplain ng side nya kay Kara. Kara was visibly angry at hindi na lang nagsalita. Anong nangyayari? They're acting weird. Mara was pleadingly staring at Kara. "Excuse, gtg. Tambak pa kasi assignments ko." Biglang walk out ni Kara. "Kara!" pagkatapos humugot ng pera at nilagay sa mesa ni Mara ang pambayad nya, sinundan na nya ito. Weird? Anyare? Para namang nabasa ni Clara ang nasa isip ko at sinabing, "Don't mind them. They're always like that." then she smiled. Kunot noo akong tumango dito. Wala naman akong karapatang umusyoso. "Ikaw Dani, sinong partner mo?" tanong nito sa akin. "Uhm, hindi ko pa alam. Maybe I'll ask my brothers na lang. Either si Crispin or Basil---" "Wait." putol ni Clara sa akin. Nanlaki ang mga mata nito. "You mean kapatid mo sina Crispin at Basilio Lopez?" Tumango ako. Napasinghap naman ito. "Omg. Omg." parang hihimatayin na pinaypay nito ang sarili gamit ng mga kamay. "Bakit?" nagtatakang tanong ko dito. "You can't ask Crispin kasi may gf na sya and Basilio..." sa pagkakabigkas nya ng pangalan ni Basilio bigla itong nagdaydream. Ang weird ng mga tao dito. "Eh Cla? Si Basilio, ano?" para naman itong natauhan. "Ah, wala. Available yata sya." malungkot na sabi nito. Ngumiti na lang ako. Buti naman at available si Basil. Mas close ko kasi ito kaysa kay Crispin. "Uhmm, kilala mo ba ang gf ni Crispin?" tanong ko dito at uminom sa pineape juice ko. "Oo naman. They're like the gorgeous couple kaya sa VBS." sabi nito. "Eh sino nga?" interesadong tanong ko na humigop ulit sa juice ko. "You know her. Si Mayumi Tan. The ice queen, remember?" sabi nito. Para naman akong nasamid. What? Of all people?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD