HFL4: ONE

527 Words
Panay lang ang salo niya sa mga pinapakawalan suntok ng ina sa kanya. "Gumanti ka! Huwag mo akong asarin!" asik ng kanya ina. Halata sa malapusa nitong mga mata ang galit sa kanya. Nagkamali siya. Kung hindi ba naman kasi siya nakipag-away malamang hindi niya dadanasin ang ginagawa ng kanya ina sa kanya ngayon. Malakas siya bumalya sa isang puno ng tamaan siya ng kanya ina sa dibdib. Sa angkin lakas ng kanya ina hindi malabong mapatay siya nito. Napaigik siya at napayukyok. Naubo siya ng sunod-sunod. Hindi na bale mabugbog siya ng kanya ina. Ang mahalaga mailabas nito ang galit sa kanya. "That's enough,Erin,sweetheart!" pagsulpot ng kanya ama. Si Darrel Dariuz. Galit ang mga mata nito na mataman na nakatingin sa kanya. Nakangiwi siya habang nakasalampak sa maruming lupa. "Kung gugustuhin ko baka pinilipit ko na yang leeg mo!" asik nito sa kanya. "Tama na yan,sweetheart..." mahinahon saway ng kanya ama. "Tumayo ka diyan!" maawtoridad na utos ng kanya ina. Sapo niya ang dibdib na tumayo siya mula sa pagkakasalampak niya sa lupa. "Masakit ba...?" bigla pagbaba ng tono nito. Napatitig siya sa kanya ina. Napalitan ng pag-aalala ang galit nitong mga mata. Bumuga ito ng hangin. "Halika rito," mahinahon nito utos sa kanya. Tumindig siya at lumapit sa ina. "Sorry,mommy..hindi ko na uulitin iyun," nagsisisi niyang saad. Bumuga ito ng hangin. Inabot nito ang batok niya at hinila para halikan siya sa kanya noo. "Huwag mo ng uulitin yun,isang kasalanan ang manakit ng mga tao na hindi natin kauri...umiwas ka na lang susunod,naiintindihan mo ba?" Tumango siya. "Yes,'mmy..." Malambing na niyakap siya ng kanya ina at agad na mahigpit siya gumanti ng yakap rito. Nakiyakap na rin ang kanya Daddy Darrel sa kanila mag-ina. Natanawan niya ang pinsang si Dwayne na nag-aabang ng taxi. May kinakausap ito sa kotse na nakahinto sa harapan nito. Narinig niya ang pag-aalok ng dalawang babae sa kanya pinsan na sumakay roon. Sa talas ng pandinig niya alam niya kursanada ng dalawang babae iyun ang kanya pinsan na tulad niya na lapitin ng mga babae. Bago pa man matukso ang pinsan bumusina na siya para kuhanin ang atensyon nito at nakita niya ang pagliwanag ng mukha nito ng makita siya. Pinagtawanan siya nito ng sabihin niya rito ang pangbubugbog ng kanya mommy Erin sa kanya. Sa totoo lang nakakahiya talaga yun. Kahit mukha siyang palaban pagdating sa kanya ina hindi sya makapalag. Tiklop siya kapag ang kanya ina na ang kaharap niya at alam niya pareho sila ng sitwasyon ng kanya pinsan si Dwayne. Gayun nga lang mas nakakatakot at intimidating ang Tita Debbie niya kaysa sa mommy niya. Bumuga siya ng hangin ng marating niya ang condo unit ng kanya mommy noon na siya ngayon ang gumagamit. Agad na sumalubong sa kanya ang madilim na kwarto at pabagsak siya nahiga sa malapad na kama habang pinagmamasdan niya ang makukulay na ilaw na tila mga bituin na nasa kisame ng silid niya. Para lang siya nakatanaw sa kalawakan. Nararamdaman pa rin niya ang sakit ng buto-buto niya pero alam niya lamog lang yun. Bumuga siya ng hangin. Magtitino na talaga siya. Kung ayaw niya mabugbog ulit ng kanyang Mommy Erin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD