HFL4: TWO

591 Words
Nilanghap ni Dawn Zamora ang hangin ng Maynila. Napaubo siya ng malanghap niya ang maalikabok at mausok na hangin. "Hindi nga fresh ang hangin dito bigla ko tuloy namiss agad ang Capiz!" bulalas niya sa hangin. Dinampot niya ang dalawang bagahe niya na gawa sa sako bag. Lumuwas sya ng maynila para maghanap ng trabaho. Sayang ang pinag-aralan niya kung hindi niya iyun gagamitin. Aba,grumadweyt ata siya bilang c*m laude sa kursong Secretarial. Kaya nandito siya ngayon sa maynila para gamitin iyun. Pasamantala muna siya manunuluyan sa kanya tiyahin hanggang sa makakuha siya ng trabaho at makapag-upa. "Oh,Dawn...dito ka na,pinalinis ko na ito kahapon,"anang ng tiyahin niya ng ihatid siya nito sa maliit na kwarto. "Pasensya na at ito lang ang bakante dito sa bahay,marami kasi nagrenta ngayon kaya walang bakante sa apartment," anang nito. "Ayos lang sakin,Tiyang...ang importante may matulugan ako hanggang sa makahanap ako ng mauupahan," aniya. "O siya sige,maiwan muna kita,ikaw na bahala rito," paalam na nito sa kanya. Nilibot niya ang mga mata sa kabuoan ng silid. Hindi na masama. Malaki lang ng kaunti ang kwarto niya rito sa bahay nila sa capiz pero ang mahalaga may mahihigaan siya. Umupo siya sa folding bed na may sira na din. Maingat na humilata siya roon. Tinaas niya ang isang braso na may mga nakakabit na kung ano-ano burluloy. Pinasuot iyun ng kanya ina para daw pangontra. Isang albularyo kasi ang nanay niya kaya ayun. Kung ano-ano anting-anting ang suot niya. Kinapa niya ang isang pendant na nasa ilalim ng blusa niya. Pangontra din niya iyun. Batiin kasi siya at palagi siya nauusog. Maganda ang mukha niya at pansinin din ang kanya buhok na itim na itim at unat na unat. Iyun daw ang asset niya kaya kadalasan nauusog siya sa kanilang lugar. Alam niya hindi iyun uso rito sa maynila. Pero bilang lumaki sa Capiz hindi na iyun mawawala sa kanya. Kaakibat na yun sa pagkatao niya ang maniwala sa mga pangitain,bati,nono at maligno. Kilala ang Capiz dahil daw sa mga aswang pero nasa tao na kung ano ang paniniwala nila basta siya naniniwala siya na iisa lamang ang Diyos nila. Hindi siya sumasamba kung kani-kanino gayundin ang kanya pamilya dahil lahat sila ay katoliko. Ilang araw na mula ng mag-apply siya kung saan-saan. Pero ang lahat ng iyun ang tatawagan na lamang siya. Habang naghihintay ng tawag mula sa mga kompanya inaplayan niya tumutulong siya sa kanya tiyahin sa paglilinis ng kabahayan nito. "Bakit ikaw ang naglilinis dito? May tagalinis naman dito," sita ng isang babae na nangungupahan sa tiyahin niya. "Libre kasi ko naninirahan kay Tiyang,kaya dito ka na lang dinadaan para sa pasasalamat," sagot niya rito habang nagpupunas sa plorera. "Wala pa ba tumatawag sayo sa mga inaplayan mo?"usisa nito. "Wala pa nga eh," aniya. "Bakit hindi ka na lang mag-apply bilang modelo? Qualified ka dun! Pwede sa mga shampoo commercial!"suhestyon nito sa kanya. " Naku,hindi ko pinangarap na makita sa T.V. ang gusto ko lang makapagtrabaho sa de-aircon na opisina..."aniya. "Sayang ang ganda mo kung uutus-utusan ka lang noh!" anito. Nginitian na lang niya ito. "Well,kung ayaw mo,may alam ako naghahired ngayon,kaibigan ko kasi nag-apply dun kaso hindi nakapasa kasi mapili yung may-ari ng may-ari ng Airlines..." anito. "Airport? Sa NAIA?" Tumawa ito. "Hindi dun,girl. Sa Diamond Airport,nagha-hired sila ng Secretary para sa CEO ng Airlines." "Talaga? Pwede kaya ako dun?" "Try mo girl! Kilala din kasi ang bagong CEO dun,ang gwapo kaya! Si Erol Dariuz!" bahagya kinikilig nito saad. Wala siya pakielam sa gwapong CEO iyun ang kailangan niya makuha ang trabaho iyun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD