HFL4: THREE

634 Words
Naging matikuloso siya sa pagpili ng magiging Executive Secretary ng kanya anak na si Erol na siyang ngayon CEO ng Diamond Airlines. Kung tutuusin kaya naman mag-isa ng kanya anak kaso ayaw naman niya na mawalan ng oras ang anak para sa sarili nito. Mas mainam na kung may makakatulong ito. "Sir Darrel,kumpleto na po ang mga aplikante,"inporma ng HR manager. Tumango siya rito at inayos ang sarili para personal na mainterview ang mga aplikante. Ito na ata ang pangatlo batch na mga aplikante at wala pa siya nakukuha na karapat-dapat na maging sekretarya ang kanya unico hijo. Kinakabahan siya pero kung magpapatalo siya sa kaba baka wala siya maisagot sayang naman ang pagkakataon. Sana palarin na siya ngayon. " Ms.Dawn Zamora?" Agad siya napatayo ng marinig ang kanya pangalan. Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Hawak-hawak niya ang rosaryo. Nang makalapit siya sa babaeng nag-aassist sa mga aplikante. Tinaasan siya nito ng kilay. Pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Maganda at presentante ang suot niya. Kaya confidence siya makipagsabayan sa ibang aplikante kuntodo ang ayos. Mumurahin man ang business attire niya nabigyan naman iyun ng hustisya dahil maganda siya magdala ng kasuotan. Nginitian niya ito at agad nag-iwas ng mga mapanuring mata sa kanya. Isang lalaki ang naghihintay sa loob ng silid. Agad siya namangha rito dahil gwapo ang lalaki. "Please,be seated,Ms.Zamora," maginoo nitong alok sa kanya. Bigla tuloy siya kinabahan. Ngayon lang siya nakakita ng personal na ubod gwapong lalaki. Hula niya nasa 40's plus na ito. "I'm Darrel Dariuz,the former CEO of Diamond Airlines,"pakilala nito. Tumango siya. Ang gwapo niya talaga. Sumulyap ito sa bandang kandungan niya. Hawak-hawak pa rin niya rosaryo. "Gusto ko ang mga nasa porselas mo," nakangiti nito sita. Agad na napatingin siya sa kanya mga anting-anting. "Salamat po,Sir...mga anting-anting ko po ito," saad niya. Natigilan ito saglit pero magiliw ito nakatingin sa kanya. "Anting-anting? Para saan?" marahan nito tanong. Ngumiti siya at hinubad ang mga iyun. "Ito pong isa,pangontra po ito sa takaw aksidente,"tuloy niya sa kulay itim na leather bond na may maliit na pendant na nakasabit roon. Tumango ang Former CEO sa kanya. " Ito naman pong kulay Asul pangontra naman po sa mga negative energy,"sabi niya sa pangalawang anting-anting. "Itong kulay pula naman po,pangontra sa malas,gaya ng biglaan pagtapilok mo mga ganun," aniya. "Ito naman po kulay dilaw,pangontra naman po sa mga kaaway," aniya. "Ito naman pong huli,kulay puti,pangontra sa mga lalaki na gusto ako gawan ng masama," aniya sa huling anting-anting niya. Nang maalala ang suot na pendant na nakasabit sa leeg niya. Dinukot niya iyun sa ilalim ng suot niyang blouse. "Ito pa po pala pangontra po bati.. Batiin po kasi ako kaya bigla ako nanghihina," aniya. Nang wala na siya maipakita burloloy dito saka siya sumulyap sa lalaki. Maang ito nakatitig sa kanya. Ngunit nababakas sa gwapo nitong mukha ang pagkaaliw sa kanya. Bigla siya napahiya sa sarili. Pasimple niya iniipit ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng kanya tainga. "That's...nice," usal nito pagkaraan. Sumulyap ito sa papel na hawak nito. "You came from Capiz?" mangha nito saad ng sumulyap sa kanya. Kimi siya ngumiti at tumango rito. Tumango-tango ito. "Kaya naman pala ang dami mong pangontra,well,I'm not against it,lahat naman tayo ay may kanya-kanya paniniwala,minsan kasi may mga bagay na hindi mo iniexpect na totoo at kailangan mo paniwalaan," makahulugan nito sabi sa huLing salita nito. Tumango siya bilang pagsang-ayon. Masaya siya dahil open-minded ito sa usapin iyun. Nakakamangha lang! Gumuhit ang nakakaakit nitong ngiti pagkaraan. "Alam mo ba sa lahat ng aplikante sayo lang ako naaliw,nakakatuwa ka,I'm sure magugustuhan ka din ng anak ko na siya magiging bagong boss mo," anito. "A-ang ibig niyo pa bang sabihin,t-tanggap na po ako?!" "Yes,Ms.Zamora,believe it or not,you hired...congratulation," magiliw nitong sagot sa kanya. Oh yes! May trabaho na siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD