Masama talaga ang loob niya. Sanay naman siya na sabihan na aswang o mangkukulam dahil taga-Capiz siya. Pero bigla bakit ngayon naapektuhan siya?
Ngayon lang niya nakita ang boss niya at talaga naoffend siya ng sabihan siya nitong aswang at pinagtawanan pa siya.
Buong maghapon tuloy siya mabigat ang kalooban at sa tuwing ganun siya alam niya makakausog siya pero wala naman siya mauusog kasi maghapon siya nasa loob ng opisina.
Bumuga siya ng hangin ng makarating siya sa nakuha niyang paupahan. Nawalan siya ng gana kumain kaya kaunti lang nakain niya. Masakit pa ang ulo niya.
Tss,gwapo nga,ang presko naman!
Akala niya kaugali nito ang ama nito na open-minded sa ganun bagay pero nadismaya talaga siya.
Umalis siya sa opisina na hindi sila nagkita ng boss niya. Hindi na kasi ito lumabas ng opisina nito. Kumatok lang siya at nagsabi uuwi na wala man naging sagot alam niyang narinig nito iyun.
Saka,dapat na masanay na siya sa ganun setup nila mag-amo. Invincible nga pala siya rito.
Muli siya napabuga ng hangin.
"Hay,Dawn...ayos lang yan,sanay ka naman na eh! Pero bakit naapektuhan ka sa sinabi niya sayo na aswang ka?!" bulalas niya.
Muli siya bumuga ng hangin. Nanglalata na tinungo niya ang maliit na banyo para magpalit ng damit.
"Ano ba masakit sayo? Nagugutom ka ba ha?"nag-aalalang sita ng kanya Mommy Erin ng tawagan niya ito para ipaalam ang biglaan pagsama ng pakiramdam niya. Sakto naman na kababalik lang ng mga ito mula sa bulacan.
Sinapo niya ang kanya tiyan.
"Hindi naman po ako gutom,'mmy,pero pinagpapawisan pa ko ng malamig,"nakangiwi niya saad.
Nag-aalala na hinaplos nito ang noo niya na may pawis. Nakasandal siya sa sofa. Nasa opisina pa din siya at doon siya pinuntahan ng kanya mommy Erin.
" Tatawagan ko lang ang Daddy mo,dadalhin kita sa Tita Amelia mo,"anito.
Bigla siya napatakbo sa banyo at bahagya naduwal.
Shit! Ano ba ang nangyayari sa kanya?! Ang sama ng pakiramdam niya!
"Honey,you okay?!" pagkatok sa kanya ng ina.
"Okay lang ako,'mmy!" nakangiwi niya sagot.
"Nasa baba na ang daddy mo,hihintayin tayo ng Tita Amelia mo sa bahay nila," anang ng kanya ina.
"Opo,mommy," aniya at nagmumog muna.
"Okay naman ang vital signs mo,ano pa ba ang nararamdaman mo?" tanong ng kanya Tita Amelia.
"Naduduwal na hindi ko maintindihan,Tita..saka kumukulo ang sikmura ko pero hindi naman ako nagugutom.."matapat niya sagot rito.
Saglit na nag-isip ang kanya Tita Amelia.
"Hindi kaya nausog ka?" anito.
Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. Narinig na niya ang salita iyun .
" Sabi kasi ni Nanay,huwag ako titingin sa taong ngayon ko lang makikilala baka kasi bigla ako mausog,"
Tama,sa babaeng taga-Capiz!
"Totoo po ba yun?" maingat niya sabi sa kanya Tita Amelia.
"Kung maniniwala ka,kasi ako naniniwala sa ganun,yun nga lang hindi ko pa nasusubok na gamutin ang ganyan sakit,limitado lang ang kakayahan ko," matiim nito sagot.
Hindi siya nakaimik. Eksperto ang Tita Amelia niya sa lahat ng klase ng sakit. Scientifically man o hindi.
"Nagkausap na ba kayo ng sekretarya mo?" bigla sabi ng Daddy Darrel niya.
Tumango siya rito.
"Hindi kaya,siya ang nakausog sayo?" anito.
Napatingin silang lahat rito.
"Uh,kasi,albularyo daw ang kanya ina at taga-Capiz siya baka may alam siya sa ganyan," paliwanag nito sa kanya.
"Are you sure,sweetheart?"paniniyak ng kanya Mommy rito.
" Walang masama kung susubukan natin,"kibit-balikat na turan ng kanya Daddy Darrel.
Napabuga na lang siya ng hangin. Wala siya choice dahil gagawin ng kanya pamilya ang lahat ma posibilidad mapaayos ka lamang.