Sapo niya ang ulo at ang kanya sikmura nang puntahan niya ang pintuan. Wala naman siya inaasahan na bisita ng mga oras iyun. Pasado alas y diez na ng gabi kaya sino naman ang kakatok sa kanya? Imposible naman ang Tiyahin niya iyun. Kalahating oras mula sa bahay nito bago marating ang inuupahan niyang maliit na apartment. Natigilan siya ng mapagbuksan ang isang babae. Isang magandang-magandang babae. Nakatitig ito sa kanya at doon niya bigla iniiwas ang mga mata rito. "Ikaw ba si Dawn Zamora?"tanong nito sa malumanay na tono. "Ako nga po,Sino po sila?"may pagtataka tanong din niya. Ngumiti ito. Bigla siyang nakakita ng anghel na bumaba mula sa langit. "Ako nga pala si Erin Dariuz,uh,Mommy ako ni Erol Dariuz,"pakilala nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig niyang iyun.

