Kulang na lang gumulong siya sa sama ng sikmura niya. Panay ang hugot niya ng malalim na hininga . Nausog? Totoo ba talaga ang sabi-sabi ng mga matatanda. Well,kung Tita Amelia niya ay naniniwala sa ganun. Sino siya para hindi paniwalaan yun? Napabalikwas siya ng bumukas ang pintuan ng silid niya na ginagamit niya kapag nasa bahay siya ng kanya magulang. "Dumating na ang Mommy mo at si Ms.Zamora," bungad ng kanya Daddy Darrel. Tumango siya. Inagapay siya nito tumayo kahit hindi kailangan. Kilala niya ang kanya ama. Hands on ito sa pag-aasikaso sa kanya gaya din ng kanyang Mommy Erin. Sobrang swerte niya dahil ang mga ito ang naging mga magulang niya. Maalaga at maalalahanin. Agad na sumalubong sa pang-amoy niya ang mabangong amoy mula sa kanya sekretarya. Nakaupo ito sa single sofa

