Double Charlie

1696 Words

Ang Nakaraan Ni Hervey ISLA THALASSINA, A FEW HOURS EARLIER *** "Paisley... No! Please... Paisley!" "Larsen?" "Larsen!" Biglang nagmulat ng mata si Hervey nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Ininda niya ang sakit ng katawan at iginala ang paningin sa paligid. Ang pamilyar na silid ang bumungad sa kanya. Muling ipinikit ni Hervey ang mata at ninamnam kung nasa tamang lugar nga siya. At hindi nagsisinungaling ang malamyos na tunog ng paghampas ng alon at ang maalat na amoy ng dagat. Ang mainit na sikat ng papalubog na araw na siyang paborito niyang tanawin. Nasa kuwarto nga siya ng hotel niya sa isla Thalassina. Tinangka niyang bumangon pero ang kirot ng kanang-balikat at batok niya ang nagpa-balik muli sa kanya sa higaan. "Argh! Sh*t! What the h*ll happened?" he groaned.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD