Chapter 4

1008 Words
DIEGO NG. Napapaisip ako sa pangalang iyon. Iyon ba talaga ang pangalan ko? Nakatayo ako sa may hagdanan, nakatingin di kalayuan sa lalaking walang pakundangan ang pag-inom ng alak. Nakaupo siya sa high chair na naroon sa mini-bar counter. Siya ang lalaking naka-engkwentro ko kagabi sa strip bar. Ang katawan niya ang naging susi para makapiling ko ang pamilyar na babaing iyon na hanggang sa ngayon ay hindi ko alam kung ano ang pangalan. Ilang oras din kaming nagpakalunod sa kasiyahan at sa tuwing magtatanong ako ay puro malulutong na halik ang kaniyang tugon. Mag-uumaga na nang makatulog siya kaya nagpasiya akong umalis na sa takot na baka may masamang mangyari sa katawang hiniram ko. At tama nga ako dahil latang-lata ang katawan ng lalaki kaya hindi ko siya maiwan dahil may katiting na konsensiya na sumusundot sa kabilang parte ng utak ko. Buong araw siyang hindi makabangon at nang gumabi na ay alak naman ang inatupag. "Kumusta 'yong lakad mo kagabi, Red?" nakangising tanong ng lalaking dumating. "Wala akong maalala," matabang na tugon ng lalaking nagngangalang Red. "Sabi ni manang hinatid ako rito ng taxi kaninang madaling araw." Tumungga na naman siya ng alak. "Walang maalala ka diyan." Kumuha ng baso ang lalaking dumating at nagsalin ng alak saka tumabi kay Red. "Balita ko ikaw 'yong nakasalo ng underwear ni Violet?" Tumango si Red. "'Yon lang ang naalala ko." Sumimsim na naman siya ng alak. Siniko siya ng katabi na hindi matanggal ang ngisi sa labi. "Ano, Red? Masarap ba? Balita ko exclusive lang si Violet sa gagong si Diego. How come na sumama sa 'yo?" "Wala nga akong maalala, Dem." "Ay sus! Walang maalala ka diyan. Sabihin mo nasarapan ka nang sobra kaya-" Inis na sumagot si Red. "Kulit mo rin, Dem. Wala nga akong maalala." Humalakhak ang lalaking nagngangalang Dem saka itinuro ang magkabilang parte ng leeg ng kaibigan. "E, ano ang ibig sabihin ng mga chikinini na 'yan, ha? Huwag mong sabihing 'yong aso mong si Fipi ang may gawa niyan?" Bumunting-hininga si Red at muli na namang tinungga ang laman ng baso. "Di ko alam." "Naku! Patay tayo diyan! Hindi mo man lang nalaman, e, pinagsamantalahan na pala ang kahinaan mo," biro nito at humalakhak na naman. "Pero ito, pare, ha, balita ko magaling daw gumiling si Violet kaya hindi mabitaw-bitawan ni Diego." "Buwisit siya," tanging tugon ni Red habang mahigpit ang pagkakahawak sa baso sa sobrang panggigigil. "Chill ka lang, bro. Wala na si Diego gago. Solo mo na ang market, wala ka ng kakumpetensiya." Itinaas pa nito ang hawak na baso na may lamang alak. "Cheers to that!" "Damn! Hanggang ngayon siya pa rin ang harang sa amin ni Wella. Ang harang na di matibag-tibag. Walanghiya siya." Marami akong nalaman sa ilang minutong pakikinig ko sa pag-uusap nila. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit tila wala akong maramdaman na galit sa kanila gayong ako ang pinag-uusapan nila. Lumabas na ako sa bahay na iyon tutal maayos na ang lalaki. Isa pa nawala na ang katiting na konsensiyang naramdaman ko kanina kaya nararapat lang na iwanan ko na siya. Paglabas ko ng bahay ay tanaw ko sa labas ng gate ang lalaking nakasuot ng kulay kremang damit. Tila hinihintay niya akong lumabas. Madilim ang mukha niya na waring galit na galit sa akin. "Mabuti naman at lumabas ka na," saad niya sa mababang tinig. Tumalikod siya at naglakad patungo sa medyo madilim na bahagi ng kalsada. "Sinusundan mo ba ako?" tugon ko. "Oo. Dahil sinisiguro ko lang na wala kang mapipinsalang tao." Napangisi ako at tumingin sa bahay ni Red. "Nakita mo naman, di ba? Maayos si Red. Sa katunayan naroon siya sa loob, umiinom ng alak." Dama ko ang sarkasmo sa boses niya nang muli siyang magsalita. "Paanong hindi magiging maayos ang taong iyon, e, kakambal mo yata iyon sa kasamaan." Doon sumulak ang galit ko. Bakit ba palagi niyang sinasabi sa akin na masama ako? Wala akong maalala na ginawan ko siya ng kasamaan. "Kagabi," pagkukuwento niya. "Sinundan kita nang magpunta ka sa bar na 'yon. Pinigilan kita pero itinuloy mo pa rin amg pagsama sa babaing iyon. Ngayon nakita mo na ang kinahantungan ng pangingialam mo sa buhay ng mga tao." "Hindi ako ang may gusto no'n. Si Red ang kusang sumanib sa katawan ko," pangangatwiran ko. "E, di sana ikaw na lang ang umiwas. Ilang beses na kitang pinagsabihan na layuan mo ang mga tao pero patuloy ka pa ring nakikisalamuha sa kanila. Hayaan mo sila sa mga bagay na gusto nilang gawin. Wala kang karapatan na hadlangan ang anumang naisin nila." "At ano ang gusto mong gawin ko, ha?" inis kong wika. "Maging ganito na lang habambuhay? Maging palaboy at pagmasdan ang mga tao?" "Oo. Dahil iyon ang nararapat sa katulad mong..." "Katulad kong ano?" "Katulad mong walang ibang hinangad kundi ang sariling kapakanan." "Hindi ko ginusto na maging ganito." "Hindi mo ginusto, pero alam mo kung ano ang kinahihinatnan ng mga taong walang pagpapahalaga sa kapwa. Mga taong nakikipag-transaksiyon sa demonyo kapalit ng maalwang buhay." "Hindi..." "'Yun ang totoo, Diego," kaagad niyang sagot. "At kaya ka nasa ganyang kaanyuan ay para mapagtanto mo kung gaano kahalaga ang buhay mo, ng mga taong nasa paligid mo pati na ang mundong ginagalawan ninyo." "Mga tao? Mundo?" naguguluhan kong tugon. Ano nga bang mayroon sa mga tao at sa mundo? Hindi na niya ako sinagot bagkus ay nagsimula na siyang maglakad palayo. At dahil gusto kong malaman ang kasagutan sa aking mga katanungan ay sinundan ko siya. Dama kong alam niya na sinusundan ko siya pero tila wala man lang siyang balak na kausapin ako. Madilim ang kalsadang binabagtas namin pero tila gamay na niya ang daang iyon. Mga dalawang metro ang layo ko sa kaniya at patuloy pa rin ako sa pagsunod. Di ko alintana ang mataas na temperatura na kanina ko pa nararamdaman. Parang umiinit ang paligid gayong maayos naman kaninang lumabas ako sa bahay ni Red. Nasa kalagitnaan na kami ng tulay nang lumingon sa akin amg lalaking nakasuot ng kulay krema na damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD