Chapter 3

1087 Words
At dahil bakante ang sofa na malapit sa stage ay pinili kong doon maupo na labis kong ipinagpasalamat dahil hindi ako tumagos sa upuang iyon. Tanaw ko sa stage ang tatlong babaing nagsasayaw na halos hubo't hubad na. Nakangiti pa ang mga iyon habang pinapalakpakan ng mga parokyano. Nang matapos sa pagsasayaw ang tatlong babae ay kusa nilang hinubad ang pang-itaas nilang saplot at itinapon iyon sa mga parokyano na tila abang na abang sa tagpong iyon. Nahantad ang malulusog nilang dibdib kaya lalong lumakas ang sigawan. May sumigaw pa na hubarin ang pang-ibabang saplot na pinagbigyan naman ng isang babae. Mabilis iyong hinubad at itinapon. Nalaglag iyon sa mismong sofa kung saan ako nakaupo. Sa isang iglap ay naramdaman ko ang isang di maipaliwanag na tuwa sa dibdib ko. Tila uminit ang pakiramdam ko- 'yong pakiramdam na lango sa alak pero klarong-klaro ang pag-iisip ko. Para akong nananabik sa isang bagay na noon ko pa paulit-ulit na ginagawa. Mayamaya ay lumapit sa kinauupuan ko ang babaing kani-kanina lang ay nagsasayaw sa stage. Ang hubo't hubad niyang katawan kanina ay nadadamitan na ngayon ng manipis na saplot. Halos umabot sa singit ang laylayan niyon kaya kitang-kita pa rin ang maseselang parte ng katawan niya dahil naaaninag iyon kapag natatamaan siya ng patay-sinding ilaw. "Ladies drink for me, tequila for him," saad niya sa waiter matapos niyang umupo sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa kaniya at pilit na inaaninag ang walang ekspresyon niyang mga mata. Sa ilalim ng patay-sinding ilaw na naroon ay dama ko ang lungkot na hatid ng mga matang iyon. Mayamaya ay tumingin na rin siya sa akin. Kita ko ang pag-awang ng kaniyang bibig kasabay ang paghawak niya sa kaniyang dibdib. Segundo lang ang dumaan ay niyakap niya ako nang napakahigpit saka bumulong, "This is not the right place for us. Let's get out of here." "A-ano?" nauutal kong tugon subalit hindi niya na ako sinagot pa bagkus ay hinila niya ako palabas ng establisimyentong iyon at isinakay sa kotse. Nagpaubaya na lang ako dahil medyo nanghihina ang pakiramdam ko. Mula sa kinauupuan ko sa tabi ng driver's seat ay kitang-kita ko kung paano niya mabilis na pinaandar ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Patingin-tingin siya sa akin habang nagmamaneho na tila ba napakarami niyang gustong itanong pero hindi niya maisatinig. "What happened, babe?" tanong niya matapos iparada ang kotse sa tapat ng isang townhouse. "I've been searching for you for months." Binuksan niya ang ilaw ng sasakyan at doon nabanaag ko ang lungkot at pag-aalala sa mukha niya. Hindi ako makapagsalita dahil bukod sa hindi ko alam ang sasabihin ko ay hindi ko rin alam kung ano ang ikikilos ko sa harap niya. Baka matakot siya kapag nalamang sumanib lang ako sa katawan ng lalaking kausap niya. "Babe..?" muli niyang tanong at hinaplos ang kaliwa kong pisngi. Tila maiiyak na siya sa sobrang pangungulila. "Babe...?" naisatinig ko. Bumagsak na ang kanina lang ay nangingilid niyang luha sa mga mata. Matapos niya akong yakapin ay bumaba na siya subalit nanatili lang akong nakaupo dahil nalilito ang isip ko sa ikinikilos niya na para bang kilalang-kilala niya ako. "Huwag na huwag kang magkakamaling sundan siya!" Iyon ang tinig na narinig ko sa backseat at nang lingunin ko ay naroon nga nakaupo ang lalaking nakasuot ng kulay kremang damit. Galit na galit na naman siya habang nakatingin sa akin. "Hindi mo alam kung ano ang pinapasok mo!" muli niyang saad. "Huwag na huwag kang mangingialam sa mga tao. Mawawala ang balanse ng mundo kapag ipinagpilitan mo ang kagustuhan mo!" Hindi ko na narinig pa ang iba pang sinabi niya dahil natuon ang atensiyon ko sa babaing kasama ko. Binuksan niya ang pinto sa gawi ko at pilit akong pinababa. "Come on, babe." Hinawakan niya ang kanang kamay ko at iginiya ako papasok sa townhouse. Wala akong imik habang naglalakad. Nang muli akong lumingon sa kotse ay naroon pa rin ang lalaking nakasuot ng kulay kremang damit at pilit akong pinalalabas ng bahay na hindi ko naman magawa dahil niyakap na naman ako ng babae. "Ang tagal mong nawala." Hinaplos niya ang magkabila kong pisngi. Pansin ko na sumungaw na naman ang mga luha sa magkabila niyang mga mata. Wala pa rin akong imik habang nakamasid lang sa maganda niyang mukha. Hanggang sa paupuin niya ako sa sofa at masuyong humilig sa kanang balikat ko. Aaminin ko kakaiba ang pakiramdam ko sa ginawa niyang iyon lalo na nang hawakan niya ang kanang kamay ko at dalhin iyon sa mga labi niya para halikan. "Salamat at binalikan mo ako," patuloy niya pa at muling pinagmasdan ang aking mukha. "Sabi ko na nga ba at hindi mo ako matitiis, babe." Hinaplos na naman niya ang mukha ko. "Your cosmetic surgeon did it perfectly." "Cosmetic surgeon?" "Babe," bulong niya. "Noon pa man alam ko na ang gagawin mo sakaling magkaroon ng aberya sa mga plano mo. Ikaw ang taong maparaan. Sa 'yo ko natutunan na kapag hindi umubra ang Plan A, there's always a Plan B, Plan C." Ngumiti siya. "Sabi mo pa nga noon na wala kang pakialam kahit Plan Z na lang ang natitirang plano." "I..." nauutal kong tugon. Wala akong maalala sa mga sinasabi niya. "Shhh... It doesn't matter anymore, babe. Ang importante magkasama tayo." "What happened before?" lakas-loob kong tanong. Hindi ko alam kung bakit pero awtomatikong gumalaw ang kamay ko at marahang hinaplos ang kaliwa niyang pisngi kung saan naroon ang malalim niya biloy. Nakangiti pa rin kasi siya na para bang nahihiwagaan sa tanong ko. "Don't you remember, babe? Sumabog ang bodega few months ago at ayon sa mga pulis ay katawan mo ang naroon. They didn't conduct further investigation dahil marami ang nagpatunay na ikaw nga iyon dahil sa suot mong kwintas." Bumalatay ang lungkot sa mga mata niya nang muli siyang magsalita. "Pati na ang wedding ring na suot mo ay malaking patunay na ikaw nga iyon." Muli siyang humilig sa balikat ko at sa pagkakataong iyon ay niyakap ko na siya dahil parang pamilyar sa akin ang tagpong iyon. Parang nangyari na dati. Hindi ko maalala pero pamilyar ang natural niyang amoy na tila sanggol na bagong paligo. "But I did not believe them. Alam kong gagawa at gagawa ka ng paraan para makabalik sa akin." "But...I don't..." "Shhh...As I said before it doesn't matter if you don't love me. Mahal kita at sapat na iyon sa akin, babe. I love you." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mga mata. "I love you, Diego Ng."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD