MASAYA at naging maayos naman ang pagbubuntis ni Savvy at ganun pa din ang daily routine niya ang mag work hanggang sa makapag maternity leave siya.Sa ngayon nasa ikapitong buwan na ang dinadala niya at nakapag pa ultrasound na din siya at laking pasasalamat niya kasi healthy naman at malakas ang kapit ng baby niya kahit na nagkaproblema at na stress siya hinggil sa trabaho—sa mga katrabaho niya lalo. Habang nag muni-muni si Sav sa kanyang kwarto muli na naman niyang naalala ang mga kaganapan na hindi niya maiiwasan sa trabaho, mga tinging mapanghusga at mga salitang nakakasakit din ng damdamin at ang mga pangyayaring di niya inaasahan masaya man o malungkot sa nakalipas na buwan. May malaking ngiti sa labi ang dalaga ng makapag pa ultrasound siya at mababakas talaga sa mukha niya ang so

