NAKABALIK na nga muli sa pilipinas si Valentine na halos inabot din siya ng pitong buwan mahigit sa bansang Germany kahit ganun naayos naman niya ang naging aberya at problema ng kanilang isang hotel branch.Napag alaman niya din na may kinalaman ang tiyuhin niya sa kaganapang iyon sapagka't isa ang tiyuhin niya sa side ng ama ang siyang Board of directors.Kinausap na niya nga ito bago bumalik sa pilipinas hinggil sa issue kaso ang pag-uusap nilang iyon ay nauwi lang sa isang pagtatalo. Muling bumalik sa ala-ala ng binata ang naging pag-uusap o mas tamang sabihing naging pagtatalo nila ng Uncle niya. "How can you explain this to me huh Uncle Tim!How could this possibly happen and why did you do that?"kompronta at tanong na diretsahan saad ng binata sa tiyuhin ng nagkaroon siya ng pagkakat

