Sa loob ng limang taon ay hindi na halos nagkikita sina Anastasia at Clarise. Matindi ang galit ni Anastasia sa dalaga dahil sa ginawa nitong panloloko sa kaniya kaya naman hindi inaasahan ng babae na magkakaharap silang muli sa isang eksklusibong silid ng isang mamahaling hotel. "What are you doing here?" Mataray na tanong ni Anastasia kay Clarise. "Geo invited me for a dinner pero pinapunta niya muna ako rito para sa isang sorpresa. Eh, ikaw, bakit ka pakalat-kalat rito? Balita ko hindi na ganoon kayaman ang pamilya mo. Nalulugi na raw ang negosyo ng asawa mo." "Wala kang pakialam. Kasalanan iyon ng Mckay Realty. Sinulot nila ang mga agents namin at pinalabas na hindi kami nagbibigay ng commission sa mga division managers and agents." "Pinalabas or kusang lumabas?" usisa ni Claris

