bc

The Last Smile of Katallea

book_age18+
19.5K
FOLLOW
134.1K
READ
billionaire
revenge
sex
contract marriage
second chance
arranged marriage
powerful
drama
abuse
first love
like
intro-logo
Blurb

“Nagdusa ako habang masayang namumuhay ang kapatid mo. Dahil sa isang walang kwentang kontrata ay nawasak ang buhay ko at muntik akong mamatay dahil sa pagmamahal ko sa iyo. Ngunit sa huli, ginago mo lang ako!”

Geo- Isang taong walang ibang hangad kun'di ang gumanti sa mga taong nanakit sa kan'ya. Ang kan'yang pusong labis na nasaktan at naghahanap ng katarungan ay handang tiisin ang sinuman kahit ang babaeng labis niyang minamahal.

Katallea- isang babaeng ang tanging hangad ay maging matagumpay para sa pamilya. Mapapasok sa isang kontrata na hindi siya mabibigyan ng pagkakataong lumigaya.

Mga pusong itinadhana ngunit paghihiwalayin ng mga katotohanan na kay tagal nang itinatago. Sisirain sila ng mga taong walang ibang hangad kun'di ang burahin ang magandang ngiti ni Katallea.

Paano nila pagdudugtungin ang kanilang mga puso kung galit at poot na ang nararamdaman nila sa isa't-isa?

****

AUTHOR'S NOTE: SAKOP PO NG COPYRIGHT LAW ANG AKLAT NA ITO (THE LAST SMILE OF KATALLEA). HUWAG HANAPIN SA MAGNANAKAW AT HUWAG NAKAWIN KUNG AYAW MAKASUHAN!

AKO AT ANG LAHAT NA LIBRO KO AY REGISTERED KAYA BAGO N'YO KOPYAHIN AT IBENTA SA ILEGAL NA PARAAN, MAG-ISIP MUNA KAYO. IYON ,EH, KUNG MAY PAMPYANSA KAYO!

Dito lamang po ITO sa DREAME or YUGTO basahin.

Copyright 2021

chap-preview
Free preview
KATALLEA CHAPTER 1
Nagmamadali si Katallea sa pagpasok dahil late na siya sa unang subject niya sa kursong Business Management. Ito ang napili niyang kurso dahil naniniwala siyang hindi aasenso ang isang tao sa pangangamuhan lamang. Isang taon na lang ay matatapos na niya ang kursong ito. Malaki ang pasasalamat niyang nakapasok siya sa university na ito sa tulong ng isang sponsor. Hindi kasi siya kayang pag-aralin dito ng kaniyang mga magulang o kahit pa nga sa isang simpleng paaralan man lang. Mga mayayaman lang kasi ang pwedeng mag-aral dito at siya ay anak ng isang magsasakang pinipilit itawid lamang ang pang-araw-araw na pagkabuhay. Sa edad niyang bente anyos ay nakaplano na ang lahat kung ano ang mga susunod niyang hakbang pagkatapos mag-aral. Wala siyang hindi kayang gawin para sa pamilyang naiwan sa probinsya. "Katallea, sandali! Sabay na tayong pumasok para sabay din tayong mapagalitan," hinihingal na habol sa kaniya ni Sandra. Matagal na niya itong kakilala. Ang babaeng ito ang madalas na tagapagtanggol niya sa mga bully nilang classmates. "Loka-loka ka talaga. Bakit late ka rin?” nakatawang tanong ni Katallea. "Kasi may...” Hindi natapos ni Sandra ang sasabihin dahil bigla na lamang sumigaw ang professor nila. "Why are you late again, Miss Katallea San Sebastian? Ikaw ba ang boss ko?" "I'm sorry, Ms. Montimar," mahinang bigkas ni Katallea. "Gasgas na ang sorry mo sa tuwing nagkikita tayo," sagot ng guro. "Stand up until matapos ang klase natin!" "Yes, ma'am." Halos pabulong na lamang na wika ni Katallea. "Miss, andito rin ako. Yohoo! Tatayo rin po ba ako o sasayaw na lang?" biglang turan ni Sandra dahilan upang magtawan ang buong klase. "Umupo ka," sabi ng kanilang guro. Hindi nagtataka si Katallea kung bakit mainit sa kaniya ang ulo ng guro nila. Minsan kasing kumain ito kasama ang kaniyang boyfriend sa mamahaling restaurant kung saan nagtratrabaho si Katallea bilang part timer. Nagkunwari siya noong hindi kilala ang guro upang hindi ito mapahiya sa kasama. Subalit dahil sa ganda at kasexy-hang taglay niya ay nakuha ni Katallea ang attention ng lalaking kasama nito. "Miss, can I have your number?" tanong ng lalaki. "I'm so sorry sir, but my work is not related to my personal life," magalang na sagot ng dalaga. “No, I want to have it. Look, bibigyan kita ng malaking tip.” Hinawakan pa ng lalaki ang braso ni Katallea. Sa sobrang galit at selos ni Miss Montimar ay tinapunan nito si Katallea ng tubig. Padabog itong lumabas ng restaurant at iniwan ang kasintahan. Dahil sa pangyayaring iyon ay naghiwalay ang magnobyo at siya ang sinisisi ng professor niya. Batid ni Katallea na mahal lamang ng kaniyang guro ang lalaki pero hindi niya deserve ang trato nito sa kaniya ngayon. Alam kasi niyang babaero talaga ang nobyo ng kaniyang guro ngunit wala siyang karapatan upang sabihin ito sa kanyang professor. Madalas kasi ay iba't-ibang babae ang dinadala ng lalaki sa restaurant na iyon. Ilang beses na rin nitong sinubukang hingiin ang kaniyang numero ngunit hindi ito nagtagumpay. "Ms. San Sebastian, are you still here with us?!" Nagulat si Katallea sa sigaw ng guro niya. Kanina pa pala siya tinatanong nito ngunit tulala lamang ang dalaga habang nakatitig sa white board. "Miss, hindi mo ba alam na nakapag-travel na si Katallea sa Mars? Bakit mo siya pinabalik kaagad? Sana nalaman na natin kung pwede bang tumira roon ang mga tao," pilyong wika ni Xander. Isa ito sa mga kaklase niyang sipsip sa guro. Nagtawanan ang buong klase kaya naman namula ang mukha ni Katallea dahil sa sobrang kahihiyan. May pagka-mestisa ang dalaga kung titingnan kaya minsan ang akala ng iba ay anak siya ng foreigner. "Ayan kulay makopa na tuloy siya," hirit ng isa pang kaklase nila. Halos maiyak si Katallea sa buong oras ng klase. Mabuti na lang at natapos kaagad iyon dahil nanginginig na ang tuhod niya sa tagal niyang nakatayo at nasa sitwasyong kahiya-hiya. "Okay ka lang ba?" tanong ni Nicole. Isa ito sa mga kaibigan ng dalaga na laging nakakaramay niya. "Oo nga, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong din ni Sandra. "Oo naman guys. Fighter ata ito! Hindi si Ms. Montimar ang magpapabagsak sa mga pangarap ko," nakangiting sagot ng dalaga. Dahan-dahang lumapit si Sandra sa kinauupuan ni Xander. Ngumiti siya ng ubod tamis sabay malanding hinawakan ang kwelyo ng lalaki. Hinigpitan niya ito upang masakal ang huli. Ngunit parang nasa kawalan si Xander. Tulala lamang ito sa magandang dalagang nasa harapan niya. Hindi naririnig ng binata ang malakas na sigawan ng mga kaklase nila. Halos magkadikit na ang mga labi nina Xander at Sandra ng biglang sumigaw si Xander ng ubod lakas ngunit hindi ito binitawan ng dalaga. "Alam kong gusto mo ako lover boy. Ngunit dahil sa ginawa mo kay Katallea kanina ay pakakainin kita ng pako," nakangising bulong ng dalaga pagkatapos nitong pag-untugin ang mga ulo nila. Nagtawanan ang buong klase. Si Katallea ay nakitawa na rin at bahagyang nakalimutan ang ginawa sa kaniya ni Ms. Montimar. Sa gilid ng mga mata niya ay napansin niya ang pamilyar na lalaking iyon, si Geo Arevalo. Ang kaklase nilang ubod ng gwapo ngunit hindi marunong makipag-usap sa mga babae. Star player ito ng soccer sa kanilang paaralan at sikat ito sa mga kababaihan ngunit iisang babae lang ang madalas nitong kausap at iyon ay walang iba kundi si Ms. Montimar lamang. "Ikaw na ulupong ka, ano kayang connection mo sa lion teacher natin?" "Sino?" tanong ni Sandra "Iyan si Mr. Girl Allergic. Ano kayang connection niyan kay Ms. Montimar?" "And why are you interested in him?" "Wala lang, he’s weird kasi." "Do you like Geo?" singit ni Nicole. "Of course not! Simula first year college kasi tayo ay hindi naman iyan nagka-interest sa babae. Si Ms. Montimar lang ang babaeng kinakausap niyan madalas." "Hoy, huwag kang nega. Lahat ng uugod-ugod at ubanin nating teacher na babae ay kinakausap niyan. Magaganda at sexy lang ang hindi," turan ni Sandra dahilan upang magtawanan sila. Breaktime nila ng mga oras na iyon kaya walang magagalit na guro. Ganito talaga ang pass time nilang magkakaibigan. "Count me in sa maganda at sexy na hindi niya kinakausap," sabi naman ni Nicole. "Lahat naman ata tayo hindi maganda sa paningin niya." "I disagree, madalas ko siyang nakikitang sinusulyapan si Katallea." "Huwag kang gumawa ng issue Sandra," sita niya sa kaibigan. "I'm just telling the truth. I know there's something kay Geo since freshmen pa lang tayo. Well, hindi talaga iyon nakakaligtas sa mala-detective Conan n'yong friend." Nagtawanan at nagharutan ang magkakaibigan hanggang sa nakisali na rin ang ilan nilang kaklase na minsan ay nakakabiruan din nila. "Katallea, ang mga taga bundok ba ay naliligo rin ng gatas?" biglang turan ng classmate nilang si Ivan. "Naku Ivan, alam kong ang susunod na hirit mo ay kung may pambili ba si Katallea ng ganito o ganyan. Duh! It doesn’t matter if she’s poor. We can give her money if she needs it. Magpapapansin ka na lang nanlalait ka pa! Magbago ka nga ng script mo!” iritang sabi ni Nicole. “You are nothing compared to her. You have money but you’ve got no brain! You’re so annoying! Pathetic!" sigunda ni Sandra upang ipagtanggol si Katallea. Napahiya si Ivan sa mga tirada sa kaniya ng mga kaibigan ni Katallea. May kayabangan ito ngunit alam nilang matindi ang tama nito sa dalaga. “Hey girls, kalma! I’m just curious!” "Tigilan mo nga ako Ivan sa mga hirit mong nakakairita." Kahit hindi mataray si Katallea ay napipikon din siya sa mga lalaking ang baba ng tingin sa kaniya. Open book naman kasi sa mga classmates niya ang katayuan niya sa buhay kumpara sa mga ito. Alam ng lahat na mahirap siya at hindi niya iyon itinatanggi. “Oy, huwag n’yong ginagalit si Katallea. Nawawala ang mga ngiti niya. Siya pa naman ang liwanag ng buhay natin,” sabad ng isa pa nilang kaklase. “Oh, my god! Ngayon ko lang nalaman na bombilya pala ako ng mga buhay n’yo.” Nagtawanan ang buong grupo dahilan para makisali na rin ang iba pa nilang mga kaklase. Sa kabilang banda ay wala namang pakialam si Geo. Alam niyang siya ang pinag-uusapan kanina ng kumpulan nina Katallea. Gusto sana niyang makipagkaibigan din sa dalaga ngunit hindi niya gusto ang mga palipad hangin ng mga kaklase nilang lalaki kay Katallea. Higit pa roon, hindi niya pwedeng baliin ang batas ng kaniyang ama. Tumayo na lamang ang binata at lumabas ng silid-aralan upang hindi siya mainggit sa masayang tawanan ng lahat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook