Story By Magic Heart
author-avatar

Magic Heart

ABOUTquote
Registered author/writer at National Book Development Board- Philippines.
bc
Buy My Heart
Updated at Jan 16, 2022, 01:04
RATED SPG Parehong lumaki sa squatter area sina Joshua at Jia. Ang pagkakaibigan nila ay pinatibay na ng panahon. Ngunit ang isa ay iibig sa bestfriend n'ya. Dahil dito ay mayayanig ang relasyong sinusubok na ng panahon. Hanggang sa dumating sa buhay nila si Drey Montes. Ang mayaman na lalaking ito na naghahanap ng pagmamahal ay handang bayaran ang puso ni Jia. Ang pagkakaibigan na nagkaroon na ng lamat ay lalo pang masisira dahil maghahati-hati silang tatlo sa pag-ibig na dapat ay para lang sa dalawa. Sino ang susuko? Sino ang lalaban? Ano ang kaya nilang ibayad para sa pag-ibig na wagas? **** AUTHOR'S NOTE: SAKOP PO NG COPYRIGHT LAW ANG AKLAT NA ITO (Buy My Heart). HUWAG HANAPIN SA MAGNANAKAW AT HUWAG NAKAWIN KUNG AYAW MAKASUHAN! AKO AT ANG LAHAT NA LIBRO KO AY REGISTERED KAYA BAGO N'YO KOPYAHIN AT IBENTA SA ILEGAL NA PARAAN, MAG-ISIP MUNA KAYO. IYON ,EH, KUNG MAY PAMPYANSA KAYO! COPYRIGHT 2021 Dito lamang po ITO sa DREAME or YUGTO basahin.
like
bc
The Mistress's Obsession
Updated at Oct 3, 2024, 04:05
Love beyond obsession, is it possible? Vera San Miguel is not just a heiress, she's also a proud mistress. Handa siyang ilagay sa alanganin ang buo niyang pagkatao maangkin lang si Denver Alcomendras.Ngunit handa rin lumaban ng patayan si Nicole Alcomendras para protektahan ang pamilyang pilit niyang binubuo. Bilang asawa ni Denver, hindi siya papayag na agawin ni Vera ang lalaking kay tagal niyang pinangarap. The wife…The mistress…Sino ang mananalo sa laro ng pag-ibig kung obsess sila pareho sa lalaking kapwa nila mahal?
like
bc
Poisonous Vow
Updated at Apr 5, 2024, 08:15
Beyond my beautiful face lies a devil that could lure your soul- Bria aka Duday. Her name is Duday. It sounds so ordinary but her identity says otherwise. Mamamatay tao siya sa paningin ni Asher na kaniyang asawa ngunit busilak naman ang kaniyang puso. Palibhasa sanay sa hirap kaya kahit inaapi ay nanatili siyang mapagmahal. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, dahil sa kaniyang pagiging martir, mamamatay ang anak na tanging lakas niya. Mata sa mata, ngipin sa ngipin; mula sa pagiging matiisin, babangon si Duday bilang si Bria San Sebastian para pagbayarin ang kaniyang asawa na minsan ay ginawang impyerno ang buhay niya. Ngunit paano kung sa huli ay malantad ang isang lihim na dudurog muli sa kaniyang pagkatao? Magawa pa kayang maghiganti ni Duday kung gamitin ni Asher na bala ang anak na inakala niyang patay na? Magawa pa kayang ayusin ng mag-asawa ang may lamat nilang relasyon sa kabila ng kanilang poisonous vow?
like
bc
Dangerous Hunk Series- Hero
Updated at Feb 1, 2024, 21:28
"Only true love's kiss could wipe away the pain in the past." Hero Sanilao is a hopeless, dangerous hunk. He is 25 years old, loveless, and lonely. He hates women, but girls want to have him. Ngunit, iba si Keila Semeren. This young policewoman wants Hero to be locked up in jail. Bakit? Para sa promotion na susi upang makapasok siya sa puso ng kaniyang daddy. Hanggang isang araw, ang inaakalang kriminal ni Keila ay siya palang magliligtas sa kaniya sa bingit ng kamatayan. Paano kung dahil sa isang misyon, ang mala-aso't pusa nilang relasyon ay mauwi sa isang kunwaring pagtitinginan? Magawa kaya nilang magtagumpay kung ipagkanulo sila ng sarili nilang damdamin? Hanggang saan dadalhin sina Hero at Keila ng kanilang galing sa larangan ng pakikidigma kung ang mga puso nila ay sumisigaw ng ceasefire?
like
bc
Lust in the Dark (Tagalog/SPG)
Updated at Apr 30, 2022, 06:32
Magkababata, dating magkaibigan! Paghihiwalayin ng mga taong may kani-kaniyang lihim hanggang sa maging magkaribal. Si Dwien, pusong lalaki ngunit malambot kung kumilos. Sa kabila ng gwapo niyang mukha ay nakakubli ang maraming sikretong siya lamang ang nakakaalam. Si Ze, dalagang pinalaki sa moralidad ngunit fan ng isang erotic writer. Nakatago sa kaniyang manang na suot ang isang damdaming pilit niyang sinusupil. Dalawang pusong minsan nang nagtagpo, ngunit pinaglayo. Dalawang taong abot hanggang langit ang galit sa isa't-isa kaya kapwa tatawirin ang impyerno mapabagsak lamang ang isa. Paano magtatagpong muli ang kanilang mga puso kung pareho na silang umiibig sa iisang lalaki? Hanggang saan nila kayang pigilan ang namumuong Lust in the Dark?
like
bc
The Last Smile of Katallea
Updated at Feb 18, 2022, 02:47
“Nagdusa ako habang masayang namumuhay ang kapatid mo. Dahil sa isang walang kwentang kontrata ay nawasak ang buhay ko at muntik akong mamatay dahil sa pagmamahal ko sa iyo. Ngunit sa huli, ginago mo lang ako!” Geo- Isang taong walang ibang hangad kun'di ang gumanti sa mga taong nanakit sa kan'ya. Ang kan'yang pusong labis na nasaktan at naghahanap ng katarungan ay handang tiisin ang sinuman kahit ang babaeng labis niyang minamahal. Katallea- isang babaeng ang tanging hangad ay maging matagumpay para sa pamilya. Mapapasok sa isang kontrata na hindi siya mabibigyan ng pagkakataong lumigaya. Mga pusong itinadhana ngunit paghihiwalayin ng mga katotohanan na kay tagal nang itinatago. Sisirain sila ng mga taong walang ibang hangad kun'di ang burahin ang magandang ngiti ni Katallea. Paano nila pagdudugtungin ang kanilang mga puso kung galit at poot na ang nararamdaman nila sa isa't-isa? **** AUTHOR'S NOTE: SAKOP PO NG COPYRIGHT LAW ANG AKLAT NA ITO (THE LAST SMILE OF KATALLEA). HUWAG HANAPIN SA MAGNANAKAW AT HUWAG NAKAWIN KUNG AYAW MAKASUHAN! AKO AT ANG LAHAT NA LIBRO KO AY REGISTERED KAYA BAGO N'YO KOPYAHIN AT IBENTA SA ILEGAL NA PARAAN, MAG-ISIP MUNA KAYO. IYON ,EH, KUNG MAY PAMPYANSA KAYO! Dito lamang po ITO sa DREAME or YUGTO basahin. Copyright 2021
like
bc
The Feroian Mafia Prince (Tagalog)
Updated at Jan 31, 2022, 08:12
YU, isang nilalang na katangi-tangi ang galing sa pakikidigma. Hinahangaan siya sa kaniyang mundo dahil sa likas niyang tapang. Ngunit isisilang siya sa daigdig ng mga tao bilang anak ng isang mafia boss at magkakaroon ng bagong pangalan na - Hexur. Hexur, sakitin at sinasabing walang kwentang mafia prince dahil sa kaniyang pagiging mahina. Takot humawak ng sandata at mas gustong palaging nakahiga. Sa kaniyang bagong pagkatao ay hindi niya maaalala ang kaniyang pinagmulan ngunit nakatatak sa kaniyang balat ang isang letra na magpapaalala sa kaniya na isa siyang Feroian. Si Morie, isang babaeng mukhang baliw. Kinaiinisan at iniiwasan ng mga tao hanggang sa aksidenteng makilala niya si Hexur, ang prinsipe ng Haito Mafia Group. Siya ang magiging susi ng katauhang kay tagal nang nakalimutan. Paano kung sa bawat araw na magkasama sina Hexur at Morie ay mabuo ang pag-ibig na ipinagbabawal? Kakayanin ba nilang ipaglaban ito kung kaunting panahon na lang ang natitira para mabuhay sa mundo ng mga tao ang sakitin na mafia prince? Sa magkaibang mundo na kanilang kinabibilangan, may pag-asa ba talaga ang salitang - pag-ibig?
like
bc
My Rebellious Heiress (Tagalog/SPG)
Updated at Jan 26, 2022, 14:39
Siya si Ian Giano, isang pulubing pakalat-kalat sa lansangan. Paliliguan at bibihisan ng isang heredera upang gamitin sa kan'yang pagrerebelde. Hindi lang siya basta gagamitin, pakakasalan pa! Naka-jackpot na sana siya, subalit sa pamilya ng mayayaman kung saan hindi siya kabilang ay pilit siyang ipangangalandakan ng kaniyang hilaw na asawa upang pabagsakin ang angkan nitong naging malupit sa kan'ya. Alam ni Giano na naroon lang siya sa mundong iyon bilang kagamitan at hindi bilang isang taong may dangal at pangalan ngunit titiisin niya ang lahat ng pang-aalipusta dahil sa kabila ng masamang reputasyon ng isang Angel Aly Reomoto ay alam niyang may nakatago itong kabutihan. Ang puso niyang matagal ng nagmamahal sa asawa ay gagamitin niya upang mapaamo ang kan'yang tinatawag na- My Rebellious Heiress. ***** AUTHOR'S NOTE: SAKOP PO NG COPYRIGHT LAW ANG AKLAT NA ITO (My Rebellious Heiress). HUWAG HANAPIN SA MAGNANAKAW AT HUWAG NAKAWIN KUNG AYAW MAKASUHAN! AKO AT ANG LAHAT NA LIBRO KO AY REGISTERED KAYA BAGO N'YO KOPYAHIN AT IBENTA SA ILEGAL NA PARAAN, MAG-ISIP MUNA KAYO. IYON ,EH, KUNG MAY PAMPYANSA KAYO! Dito lamang po ITO sa DREAME or YUGTO basahin. Copyright 2021
like