CHAPTER 1
DENVER
While waiting for my wife, Nicole, a long-legged woman entered the five-star restaurant where I was sitting anxiously. The lady flipped her hair and smiled seductively. She fixed her black crop top and white fitted pants before she walked towards me. Hindi halos kumukurap ang chinita niyang mga mata na natatakpan ng mapilantik niyang pilikmata.
“Excuse me,” she said. “Are you alone?”
She leaned on the table. Alam kong sinadya niyang ipakita sa akin ang halos lumabas na niyang mga dibdib. Sa tantiya ko ay nasa thirty-six B ang size ng bra niya na bumagay naman sa malaki niyang balakang at almost twenty-five inches na bewang.
She's not my type but God…
I can't resist her charm.
“Uhmm, Miss…” mahina kong sabi. “I am waiting for my wife.”
“I see.” I sensed the sadness in her voice. “By the way, I am Vera San Miguel.”
Biglang umaliwalas ang mukha ko. Vera San Miguel? She's not an ordinary woman! She’s the heiress of the San Miguel clan. I felt my manhood, bigla itong tumigas. Pinagpawisan ako ng malapot.
“I… I know you,” I exclaimed. “Denver, Denver Alcomendras,” excited kong sabi. Tumayo pa ako at iniabot ang aking mga kamay sa babaeng mas lalong gumanda nang ngumiti siya ng ubod tamis.
Kinuha ni Vera ang kamay ko at bigla niya iyong pinisil. Hindi ko alam kung anong meron sa simpleng pisil na iyon, parang biglang gumapang sa aking buong katawan ang libo-libong boltahe ng kuryente.
I was comfortable with her.
Nawala ang sobrang kaba na nararamdaman ko everytime na pumapasok akong mag-isa sa mga resto at bar.
I felt safe with her simple touch.
“Honey?” My wife's voice echoed inside the restaurant. Hindi ko napansin na dumating na pala siya.
Bigla kong binawi mula kay Vera ang mga kamay kong pinagpapawisan.
“Honey, what took you so long?” I asked Nicole.
“Sino siya?” Nicole asked. Matalim niyang tiningnan si Vera.
“I am Vera San Miguel,” very calm na sagot ng babaeng biglang parang naging anghel sa harapan ko.
“Misis Nicole Alcomendras,” walang gatol na saad ng asawa ko. Ni hindi niya inabot ang nakalahad na kamay ni Vera.
The tension between the two women made me uneasy.
“Nice meeting you, guys. See you around,” Vera said before leaving. Hindi ko man lang nakitang na-offend siya sa ginawa ni Nicole.
Sa halip na sumagot ay umikot lang ang mga mata ng asawa ko. Padabog siyang umupo sa harapan ko.
“Sino siya?” urirat muli niya sa akin.
“She's Vera.”
“And…”
“And what?” patay-malisya kong tanong.
“Anong ginagawa n’ya sa table na naka-reserve para sa ating dalawa?” tanong ulit ng asawa ko.
Hindi ko alam ang isasagot ko.
Ano nga ba ang ginawa ni Vera sa table namin?
I looked around to keep myself busy para makaiwas sa interrogation ng misis ko. Napako ang mga mata ko kay Vera na noon ay umupo sa tabi ng bintana. Nakaharap siya sa akin kaya kitang-kita ko ang maganda niyang mukha.
Bakit mukha siyang miserable? Sobrang lungkot ng mga mata niya habang nakatingin sa menu.
“Denver, let's go!” My wife raised her voice. I looked at her with disbelief. “Nawalan na ako ng appetite,” matigas niyang sabi.
“Pero…”
“Walang pero-pero. Let’s go home!”
Tumayo ang asawa ko at dire-diretso nang lumabas ng restaurant. Habang hinahabol ko siya, napasulyap ako kay Vera at kumaway siya sa akin.
Sa sasakyan, tahimik na umiyak si Nicole. I tried to talk to her but she refused to communicate with me. Hanggang makarating kami ng bahay ay wala siyang kibo.
Dahil alam kong nagseselos ang asawa ko, inutusan ko ang unang katulong na nakita ko para i-order ako ng isang bouquet of roses. Alam kong red roses ang weakness ng asawa ko kaya iyon ang naisip kong ibigay sa kaniya para mawala ang galit niya.
Gusto ko sanang magpahinga sa silid namin pero alam kong galit si misis kaya umupo na lang muna ako sa couch na nasa living room. I closed my eyes while waiting for the flowers. Nang naalala ko si Vera, napangiti ako. Her voluptuous body and seductive smile arouses my unresponsive manhood.
Wait!
Bigla akong napatayo. Simula nang ikinasal kami ni Nicole last month ay wala pang nangyayari sa amin dahil ayaw makipag-cooperate ng alaga ko pero si Vera…
Natulala ako!
“Denver, you're home na pala. How are you?” tanong ni Mommy before she sat down sa couch na kanina lang ay inuukupa ko. Kararating lang din niya mula sa business meeting.
I sat next to my mom. Napatingin ako sa maamo niyang mukha. Ang ganda pa rin ng mommy ko kahit fifty-years old na siya. Hindi rin siya mataba kaya naman madalas akala ng iba ay magkasing-edad lang kami.
“Mom, I met Vera San Miguel.” Out of nowhere ay nasabi ko.
Mom did not respond. When I looked at her, she was busy reading some emails on her phone. Mukhang hindi n'ya yata ako narinig or maybe she's not interested in Vera San Miguel. Kung sabagay, kilala kasi ang babaeng iyon na sakit ng ulo ng pamilya niya. Vera is the unwanted heiress: mataray, walang-puso, immature, gastador, at mapang-api. According sa mga kakilala ko, she’s selfish.
“Maiwan na kita riyan. Gusto ko nang magpahinga.” Hinawakan ako ni Mommy sa aking kamay. “Hijo, don't hesitate to tell me everything. You can always count on me, my son. Mommy loves you so much.”
Cringey!
Hindi ako sanay sa pang-teleserye na linya ni Mommy. What's wrong with her?
After Mommy left, I stayed in the living room. Since Daddy died in a car accident, mas gusto kong manatili sa maluwag na living roon ng aming mansion dahil ito ang dating favorite spot ni Daddy sa bahay. Kesa mag-isip sa nangyari sa nakaraan, mas pinili ko na lang buksan ang tv.
Habang nanonood ako, dumating ang mga bulaklak na pina-order ko sa katulong. I immediately brought it to our room to make amends with my wife. Ngunit nang binubuksan ko na ang silid naming mag-asawa, hindi ako makapasok. I tried to input the code and used my fingerprint but it didn't work. Naka-lock ang pintuan sa mismong loob ng silid.
Damn it!
Gusto ko nang magalit. Wala naman akong ginawa para pagsarahan ako ng pinto.
“Nicole, open this door,” saad ko sa nagpipigil na galit.
Nakakabinging katahimikan.
Shit! Napipikon na ako. Umiral na naman kasi ang pagiging sobrang selosa ng asawa ko. But I love her so much. I am willing to accept all her imperfections.
“Honey, open this door please,” I begged.
Instead na bumukas ang pintuan ng silid namin, si Mommy ang lumabas mula sa master's bedroom na nasa dulo ng corridor. Lumabas siya ng silid na hawak pa rin ang cellphone niya.
“Nicole, open this door,” Mom shouted. She turned around and searched for a maid.
“Mom, take a rest. I can handle this,” saad ko.
“Hindi! Abusado iyang asawa mo eh. Sampid lang siya dito pero kung umasta siya…”
“Mom, it's my fault. Go to your room, please.”
Hindi ako mama’s boy at ayaw kong ganoon ang isipin sa akin ni Nicole. Nakakahiya naman kung malaman ng mga kaibigan ko na baby pa rin ako ni Mommy kaya pinilit ko siyang iwanan na ako.
Ngunit bago pa humakbang si Mommy palayo ng silid naming mag-asawa, bumukas na agad ang pintuan. Halata sa mukha ni Nicole na katatapos niya pa lang umiyak. Bigla akong nakonsensya.
“You're childish.” Dinuro ni Mommy sa mukha si Nicole. “How can you do this to my son?”
I tried to stop my mom pero ‘di ko na siya nakontrol pa. Galit na galit na hinablot ni Mommy ang buhok ng asawa ko.
“Mommy, stop it!” malakas kong sabi.
“Next time na gawin mo ito sa anak ko, palalayasin kita,” Mommy said. “Hindi ka parte ng pamilya, tandaan mo iyan. If it's not for my son, hinding-hindi ka makakaapak sa pamamahay ko.”
“Mom, let her go! She's my wife. Stop saying na hindi siya parte ng pamilya.” Mas mataas na ang boses ko dahil na rin sa sobrang tensyon na nararamdaman ko.
“Sorry, Mommy,” wika ni Nicole habang umiiyak.
I moved forward to help my wife but eventually Mommy let her go while saying, ”Don't call me mommy. I am not your mother nor your mother-in-law. Nandito ka lang dahil kay Denver.”
Nang umalis si Mommy, tuluyan kong nilapitan ang aking asawa. I tried to comfort her while giving her the flowers I was holding in my hands. Niyakap ko siya at isinubsob niya naman ang kaniyang mukha sa aking dibdib.
“Honey, ayaw ko na rito. Bumukod na tayo. Kahit kailan ay hindi talaga ako matatanggap ng mommy mo,” Nicole said while sobbing.
Naawa ako sa kaniya. Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya ng mahigit. Yes, gusto ko rin lumipat at bumukod pero hindi pwede. Napaka-ingrato ko namang anak kung pagkatapos akong ampunin, bihisan, at pag-aralin ng Pamilya Gan ay iiwan ko na lang bigla si Mommy ngayon na kailangan niya ako.
Yes, I was adopted.
My surname is different from my parents because they did not change it. Iyon kasi ang request ng mga totoong mga magulang ko bago nila ako iniwan kay Mommy Estela.
Nang tumigil na sa pag-iyak si Nicole, nagkaroon na ako ng chance na magpahinga. After freshen-up, humiga ako agad sa aking malambot at malaking kama. Tumabi si Nicole sa akin. She started caressing my n****e while showering me with peck kisses. Her hands ran down between my thighs but I immediately held it.
Hindi ko gusto ang ginagawa niya. Something is wrong with me, I knew it.
“Honey, I want to rest,” I whispered to her ear. Excuse ko iyon para hindi niya maramdaman na naiilang ako sa bawat haplos niya.
“Again? Denver, isang buwan na tayong kasal pero bakit hanggang ngayon parang diring-diri ka pa rin sa akin?” naiinis niyang sabi sabay talikod.
Na-guilty ako. What should I do? Hindi talaga ako interested sa katawan ng asawa ko. Minsan gusto ko na ngang isipin na bakla ako dahil walang epekto sa akin kahit maghubad pa si Nicole sa harapan ko. I love her, but I can’t satisfy her in bed. I feel like a failure.
Nagkunwari akong natutulog na pero pinakikiramdaman ko ang aking asawa. Pabaling-baling siya sa higaan, halatang hindi mapakali. Na-curious akong tingnan siya ngunit sa muling pagmulat ng aking mga mata, hindi si Nicole ang aking katabi… si Vera!