NICOLE
OMG! Ang tagal akong tinitigan ni Denver. I didn't know what was running in his head. Nawala ang galit at tampo ko sa kaniya dahil napalitan iyon ng pag-aalala.
“Honey! Honey!” Bigla akong napaupo sa kama. Niyugyog ko ang katawan niya. Sinampal ko na rin siya ng mahina. “Anong nangyayari sa iyo?” Nagpa-panic na ako.
“Matulog muna tayo,” he said lazily nang nahimasmasan siya.
“Are you okay?” tanong ko para makasigurado.
“Yes, I am.”
Diyos ko, masisira ang ulo ko. Ano ba itong pinasok ko? Kung dati tuwang-tuwa ako na ako ang asawa ni Denver, ngayon ay parang gusto ko nang magsisi.
“Anong problema?” tanong ko.
“Nothing. Nananaginip lang ako.” Tumalikod na siya senyales na ayaw niya na akong makausap.
Matagal kong pinagmasdan ang asawa ko hanggang sa nakaramdam ako ng gutom. Lumabas ako ng silid. Ngunit bago iyon ay nagdasal ako na sana nakakulong na sa silid niya ang mother-in-law ko.
Subalit hindi ako pinagbigyan ng langit. Kakapasok ko pa lang sa dining area ay nakita ko agad si Mommy Estella. Uurong na sana ako pero late na, nakita n'ya na ako.
“The princess is here,” walang gatol niyang insulto sa akin. “Serve her. Ano bang panis na pagkain ang meron tayo riyan?” tanong niya sa mayordoma.
Nanggigil ako.
Gusto kong manapak.
Kung hindi lang siya ang ina ng asawa ko, pinatulan ko na talaga siya.
Kahit naiinsulto na, umupo pa rin ako sa dining table, humarap pa ako kay Mommy Estela.
“Kung ayaw n'yong magsumbong ako kay Denver, bibigyan n’yo ako ng maayos na pagkain,” taas-noo kong sabi habang nakatingin sa mga mata ng aking biyenan.
“Iba ka rin. Masyado ka na yatang dumidikit sa anak ko. Wait until I throw you out of this house.” Naaninag ko ang matinding galit ni Mommy Estela.
Napangiti ako.
Who cares?
Am I bothered? No, of course!
Sa halip na sumagot ay yumuko na lang ako. Alam ko naman na wala siyang magagawa dahil mahal namin ni Denver ang isa't isa. Hanggang kakampi ko ang mister ko, ‘di ako magpapaapekto sa mga kawalang-hiyaan ng mother-in-law ko.
“Huwag kang umarte na wala kang pakialam. Ang dapat sa isang social-climber na gaya mo ay tinitiris nang pino. Pwede ba, umuwi ka na sa probinsya na pinanggalingan mo!” patuloy ni Mommy.
“Kailangan mo ako sa ayaw at sa gusto mo, Mommy,” mahinahon at nakangiti kong sabi. Pinipigilan kong tumaas ang aking boses. “Once na umalis ako, mawawalan ka rin ng anak. You have to endure my presence. Malay mo, kapag uugod-ugod ka na, ako pa ang mag-aalaga sa iyo.”
“Over my dead body.” Binagsak ni Mommy ang hawak niyang kubyertos. Tumaas lang ang aking left eyebrow. “Kahit kailan, hindi ko matatanggap ang anak ng mamamatay tao sa pamilyang ito. Kasalanan ng ama mo kung bakit namatay ang asawa ko kaya huwag kang umasa na magiging okay pa tayo.”
Yumuko lang ako. Wala akong masabi sa binitawang akusasyon ni Mommy Estela. Actually, katotohanan ang narinig ko at hindi simpleng bintang lang. Kung hindi sana uminom at nagpakalasing ang demonyo kong tatay noong araw na namatay siya, hindi sana sila naaksidente ng Daddy ni Denver. Bilang family driver ng Pamilya Gan, nagkulang talaga ang aking ama.
Hindi na tinapos pa ni Mommy ang pagkain niya. Nanginginig na umakyat siya sa third floor ng mansion kung saan naroroon ang aming mga silid.
Habang kumakain ako ay nilapitan ako ng mayordoma. Gemma ang pangalan niya. Ninang ko siya sa binyag.
“Nicole, umalis ka na lang kaya rito,” wika ni Ninang Gemma.
“Hindi!” Matatag kong turan sa kaniya. Nobody can convince me to leave the mansion. Mahigit dalawang dekada ko rin kasi itong naging tahanan kaya wala talaga sa hinagap kong umalis pa lalo na at alam kong kapag namatay si Mommy Estela, ako na ang magiging reyna ng buong bahay.
“Anak, tapos ka naman sa pag-aaral. Nurse ka, ‘di ba?. Kayang-kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa. Umalis ka na rito,” patuloy ni Ninang Gemma.
Tiningnan ko siya ng masama.
“Mayordoma ka lang! Wala kang karapatan na sabihan ako sa kung ano ang dapat kong gawin. Baka nakakalimutan mong asawa ako ng amo mo!” paalala ko kay Ninang Gemma.
Kabastusan, yes! Pero hindi na ako nakapagpigil pa. Everybody hates me. No one in the mansion wanted me to be here. Nakakapagod na rin. Walang sinuman ang may karapatan na palayuin ako sa aking asawa, kahit pangalawang magulang ko pa o maging ang mommy niya.
May sasabihin pa sana si Ninang Gemma pero hindi ko na siya hinayaan na magsalita pa. Natatakot akong may masabi siya na pwedeng ikasira ng pamilya namin ni Denver.
“Huwag kang magkakamali na magsalita, Ninang Gemma. Hindi ako mangingiming pumatay para sa katahimikan naming mag-asawa,” banta ko.
Gumuhit ang lungkot sa mukha ng ninang ko. Nasaktan ako pero hindi ako nagpahalata. Pinilit ko na lang ubusin ang pagkain na nasa harapan ko saka ako muling bumalik sa silid naming mag-asawa.
Para masolo ko si Denver, niyaya ko siyang magbakasyon sa malayo. No specific place, kahit saan, basta kaming dalawa lang. Payag na sana ang asawa ko pero nakialam si Mommy Estela sa plano namin.
Nakakapuno!
All set na sana kaming mag-asawa- ready na ang lahat ng damit na dadalhin namin. Aalis na lang kami pero nananadya ang mother-in-law ko.
Nakakagigil!
“Sorry, honey, our plans have been canceled. Mom said that some friends and relatives are coming this weekend,” saad ni Denver.
Gusto kong magwala sa galit. Alam kong pilit akong pinahihirapan ni Mommy Estela pero kailangan kong magpasensya alang-alang sa asawa ko.
To avoid some misunderstanding, nagkunwari ako sa harapan ng aking asawa na hindi ko dinibdib ang biglaang pagbabago sa schedule namin. All smile ako habang sinasabi ko sa kaniya na okay lang, next time na lang namin ituloy ang bakasyon.
Niyakap ako ni Denver. I concealed my feelings becauseI knew he was sorry. He is more important than my disappointment. His simple act of love is enough to continue holding-on kahit nakakasuka na ang ugali ng biyenan ko.
Kinabukasan, maagang umalis si Denver. Ang sabi niya ay pupunta raw siya sa farm nila sa Pampanga. His family kasi is into poultry and livestock production. Their company supplies all the supermarkets in the country. Bukod pa roon, importer din sila ng mga saging, coconut products, and more. Dahil nasa Taguig ang mansion na tinitirhan namin, ilang oras din na mawawala ang asawa ko.
Hindi pa man siguro nag-iinit ang puwet ng asawa ko sa kinalululanan niyang sasakyan, pinatawag ako agad ni Mommy Estela. Napapikit ako. Ito na naman ang mommy ng asawa ko…
“Nasaan siya, Ninang Gemma?” Ang tinutukoy ko ay ang nakakainis kong biyenan.
“Nasa office n'ya, sa ground floor,” sagot ni Ninang Gemma.
Nakagat ko ang mga labi ko.
With all confidence, bumaba na ako para harapin ang mommy ni Denver. Ngunit hindi pa man ako nakakapasok sa opisina niya, narinig ko na agad through intercom ang galit na boses niya.
“Come-in!” utos niya.
Automatic na nagbukas ang pintuan.
Matapang akong pumasok.
Tiningnan ako ng biyenan ko mula ulo hanggang paa.
“My son is not here. So you know very well what to do, right?” walang kakurap-kurap niyang tanong.
Hindi ako umimik.
“Get your maid’s uniform and start doing your real job,” utos niya.
Napalunok ako ng laway.
Punyeta naman talaga! Although dati akong katulong at anak ng family driver ng Pamilya Gan, nurse na ako at asawa na rin ng tagapagmana ng pamilya.
Deserve ko ba talaga ang ganitong treatment?
Pinigilan ko ang pagpatak ng aking mga luha. Matapang ako. Hindi ako pwedeng basta-basta sumuko dahil mahal ko ang asawa ko.
Habang si Denver, muli kong ginampanan ang pagiging katulong. Everytime na pinanghihinaan ako, iniisip ko na lamang na kailangan kong intindihin si Mommy Estela dahil masama na talaga ang ugali n'ya kahit noong bata pa ako. Hanggang sa makabalik ang asawa ko, tiniis ko ang mga pagpapahirap ni Mommy. Sanay ako sa hirap kaya ‘di bago ang lahat.
Dumating ang weekend, walang kahit isang kamag-anak o kaibigan ng pamilya ang dumating gaya ng inaasahan. Pigil na pigil ang galit na nararamdaman ko. Ni hindi ko pinag-explain si Denver. Hindi ko rin tinanong si Mommy Estela.
Tanggap lang ako nang tanggap dahil alam kong iyon ang makabubuti at daan para manatili ako sa buhay ng asawa ko. Nakakapagod at nakakaubos ng pasensya, pero handa akong mag-tiis para sa asawa ko.
Sabado ng gabi, niyaya ni Mommy Estela ang asawa ko. Sabi niya ay ipakikilala niya si Denver sa isa sa mga bagong investors nila. At dahil wala akong magawa sa bahay, tumakas ako.
Pilit akong pinigilan ng guard pero wala siyang nagawa. Alam n'yang kapag kinalaban n'ya ako ay mawawalan siya ng trabaho. Mabuti na lang talaga dahil walang utos ang biyenan ko na hindi ako palabasin.
Habang nakasakay ako ng inarkila kong sasakyan, biglang nagbago ang isip ko. I was supposed to meet my college friend pero naisip kong sundan sina Denver at Mommy Estela. According sa GPS location ng asawa ko, nasa isang five-star restaurant sila sa Makati. Since alam ko ang lugar na iyon kaya doon na ako nagpahatid sa driver.
Hindi ko balak magpakita sa kanila.
Gusto ko lang talagang subaybayan ng palihim ang mister ko.
Subalit nang nakita ko kung sino ang ka-meeting nila, hindi ako nakapag-isip.
Hindi ako tanga!
Hindi ako manhid!
Agad kong sinugod si Vera San Miguel.